Surprise for Erilyn

1 0 0
                                    

Glyssa's POV

Simula nung bumisita si Jarryl dito sa bahay medyo gumaan na yung pakiramdam ko. Wala pa kasi akong napagsasabihan ng problema ko. Even kuya Ethan, wala syang alam kasi ayoko na mamroblema pa sya sakin.
Namomroblema pa kasi sya kung paano makakausap si Erilyn, I heard kasi na di nya ito naabutan nung subukan nyang pumunta sa bahay nito.
So I never bother to tell my problems to my brother.

"Haaaaaaaayyyyy" I sighed

"Ang lalim naman nun princess" napalingon ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. Nandito kasi ako ngayon sa garden at nakaupo sa swing.

"Ikaw pala kuya" I smile to him at umupo sya sa katabing swing.

"Princess alam ko may problema ka at ayaw mo lang sabihin, but always remember kuya is here ha?" Then he flashed a very concern smile

Nag nod nalang ako sa kanya at nginitian sya. Ginulo naman nya ang buhok ko.

"Kuya, kamusta na kayo ni Erilyn? Nakapag usap na ba kayo?" pagtatanong ko na sya namang nagpalungkot kay kuya

"Don't worry kuya, I'll help you with that" then I hug him thight

I hate seeing kuya Ethan sad. Sya lang kasi ang nasasandalan ko tuwing may problema ako.

After some minutes pumasok na kami ni kuya at kumain na kami ng lunch.
Nang matapos kami kumain pumunta muna si kuya sa sala, at ako naman kumuha ng vanilla ice cream. Favorite kasi ni kuya ito.
Nang makakuha na ako ng ice cream at dalawang spoon, nagtungo na ako sa sala at inilapag ang ice cream sa maliit na lamesa at iniabot kay kuya ang isang spoon.

"You know my weakness princess, come here!" tinapik nya yung tabi nya at umupo naman ako.

Kumain na kami habang nanunuod ng tv.

Maya-maya napatigil sa pagsubo si kuya at natulala sa tv.
Napangiti ako ng makitang titig na titig ito at walang kurap kurap na nakatingin dito.
Si Erilyn kasi nasa commercial ng isang branded bag at sobrang ganda nya dito.

"Still amazed by my bestfriend ha?" I asked him

"Im always little sister, at hindi magbabago yun. I love her so much" he answered

I guess sa ngayon, isasantabi ko muna ang mga problema ko.
I have to do something para magkalapit ulit si kuya at Erilyn.
Uunahin ko muna silang dalawa bago ang sarili kong problema.

For now, my focus is on Kuya Ethan and Erilyn.

And I have a very bright idea!

Erilyn's POV

Nandito ako ngayon sa gate ng school dahil papasok na ako.

"Bes punta tayo sa quadrangle! May poging lalaki daw na parang magfe-free concert!" sabi nung babaeng tumatakbo hila-hila yung kaibigan nya sa kamay patungong quadrangle.

Bakit? Ano bang meron sa quadrangle? Teka nga mapuntahan!

Ay anong oras na ba? Sinilip ko muna ang wristwatch ko, 7am palang. 8am pa ang klase ko kaya pupuntahan ko muna yung school quadrangle. Tutal di pa naman late kaya pumunta na ako para makiusisa😂

Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon