Officially On II

0 0 0
                                    

Narating na nila Glyssa at Jarryl ang restaurant na pina-reserve ni Jarryl para sa kanilang date. Ito rin ang restaurant na kanilang pinupuntahan.

Napaka romantic ng ayos ng restaurant dahil ipinaayos ito ni Jarryl bago pa man sila makarating doon. Na sya namang ikinamangha ni Glyssa na noo'y inaalalayan ng binata upang sya ay makaupo na.
Di sukat akalain ni Glyssa na nag effort ng sobra si Jarryl para paghandaan ang kanilang date.

Muka namang nabasa ni Jarryl ang saya sa mukha ni Glyssa na ngayon ay tuwang tuwa sa mga nakikita.
Napangiti na lamang si Jarryl dahil mukang nagustugan ng dalaga ang kanyang inihanda.

Hindi inaasahan ni Jarryl na ang dating balak nyang paglaruan at saktan ay ang kanyang mamahalin ng sobra sobra ngayon.
Hindi nya maipaliwanag kung paano at bakit nya minahal ang babaeng nang-iinis sa kanya dati. Basta sa ngayon, ang alam nya lang ay sobrang mahal nya ito at hindi nya kailanman kayang iwanan ang dalaga.

Inihanda na ng waiter ang kanilang lamesa, nagdala ito ng pagkain at mga kubyertos na kanilang gagamitin at nagdala pa ito ng red wine.

Nagsimula ng kumain ang dalawa at panakanakang napapatingin sa isa't-isa at napapangiti na lamang sa twing nagkakahulihan ang kanilang mga mata.

Sobrang saya ni Glyssa ngayon dahil habang sya ay kumakain pinag hahandaan na nya ang kanyang mga nais sabihin sa binata.

Nang matapos silang kumain ay tumugtog naman ang isang maliit na banda sa isang gilid.
Tumayo si Jarryl upang hingiin ang kamay ng dalaga, agad naman na ibinigay ito ni Glyssa at sila ay nagsayaw sa ilalim ng magandang tugtog.

Glyssa's POV

I don't know what should I feel, sobra akong natuwa sa efforts na ipinakita ni Jarryl.
Oo sanay na ako na palagi syang nasa tabi ko pero iba parin talaga kapag ipinaparamdam nya. Sobrang swerte ko kay Jarryl 😊
After all the pain that I've been through, hindi nya ako iniwan. Kahit na minsan bigla nalang akong iiyak sa balikat nya dahil naaalala ko noon si Jay, imbes na mapagod sya ay inintindi nya ako at nandyan parin sya at hindi nagsasawang samahan ako.

"Jarryl thank you, salamat sa lahat lahat at salamat dahil hindi ka umalis sa tabi ko. I'm so lucky to have you in my life and I treasure every moment of my life that you're with me" nginitian ko sya at niyakap naman nya ako .

"You don't have to thank me dahil gusto kong gawin lahat ng ito, Glyssa I promised you that I won't leave you. And I love to do that because I love you so much" hinawakan nya ang pisngi ko at hinalikan ang noo ko. Sobrang sarap sa pakiramdam na hindi nagbabago ang nararamdaman nya para sakin.

"Jarryl I have to tell you something" siguro oras na para sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko

Huminga muna ako ng malalim at tinitigan sya.

"The day that you promise me you won't leave me, I hold on to that. Hindi ko inaasahang tutuparin mo yun, you never leave me even in my dramas. Hindi ka nagsawang samahan ako sa anuman, at sa lahat ng nagawa mo para sakin kulang ang thank you" tumigil muna ako para humugot mula ng hangin.

"Araw araw na kasama kita may kung anong umuusbong dito sa puso ko di ko maipaliwanag nung una pero ngayon, Im very sure with my feelings Jarryl.....

Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon