Feelings

1 0 0
                                    

Glyssa's POV

So lumipas ang mga araw nang hindi ko napapansin. Hahaha wala kasing masyadong nangyare, kumbaga BORING😒

Its sunday so nandito ako ngayon sa mall at nakatambay sa starbucks. Di ko na sinama si Erilyn kasi alam kong may kailangan syang atupagin at iyon ay ang aking kuya.
So ako lang mag isa dahil kailangan ko rin naman mapag isa. Napili kong pumunta dito sa mall at napatambay ako dito sa starbucks.

Habang nagfe-facebook ako may tumawag ng pangalan ko, yung sa counter pala. So tumayo na ako at kinuhan na ang order ko umupo na ako sa upuan ko at ininom na ang coffee ko.

"Glyssa....."

Napa-angat ako ng tingin ng may tumawag sa pangalan ko.
Nang makita ko kung sino, agad na rumehistro ang galit sa aking mukha. Hindi ko nalang sya pinansin at bumalik sa pag inom ng kape.

"Glyssa how are you? I need to talk to you about the last time you've see me with that girl, you know what that's not what you thi------"

Di ko na sya pinatapos sa pagsasalita at tumayo nalang at nilagpasan sya at naglakad na ako kung saan man para lang makalayo sa kanya. Pero sinusundan parin nya ako, di ko alam kung nasaan na ako ng may biglang tumakbo sa harapan ko kaya naman muntik na akong madapa.

Agad na sinalo ako ni Jay ngunit agad na tumayo ako at iniwanan sya, pero di pa ako nakakalayo agad na nahawakan nya ng braso ko na syang nagpatigil sakin.

"Glyssa please. Makinig ka muna, i didnt mean to do that! She insist thats why I already give up" Pagpapaliwanag nya

"Hah! So you think maniniwala pa ako sayo? Stop that Jay! Hindi ako ganun katanga para maniwala pa sayo! So please stop followi-----"

"Hon is there something wrong? And who is this? Nawala lang ako saglit kung sino sino na kinakausap mo"

Agad na napatigil ako sa pag sasalita ng may lalaking biglang sumabat mula sa likod ko.
Dahan dahan akong umikot para malaman kung sino. Nagulat ako ng makita ko si Jarryl na parang nagtatampo pa.

"So ano hon? Who's this guy?" Tanong nya

"Ho-oy! Pinagsasa-----" napatahinik ako ng bigla nyang halikan ang labi ko. Di na ako nakapagsalita pa at natulala nalang.

"Bro, anong kailangan mo sa girlfriend ko? Hon iniistorbo ka ba nito?" Pagtatanong ni Jarryl. Pero di na ako nakasagot pa at tuluyan paring nakatulala

"Pare pasensya na, gusto ko lang sana sya kausapin. Pero sa tingin ko di na kailangan dahil sa nakikita ko masaya na sya....

"Glyssa.. Paalam"

At tuluyan na ngang umalis si Jay

"Hoy! Pwede ka nang gumalaw"

Natauhan nalang ako ng yugyugin ako ni Jarryl.

Teka, anong ginawa nya?
Hinalikan ba nya ako? HINALIKAN NYA AKO!

"WAAAAAAH! BAKIT MO KO HINALIKAN?" Sigaw ko na syang kinabigla nya at dahil sa pagsigaw ko may ibang napatingin sa gawi namin

"Tssss. Its just a kiss. That's not a big deal" sagot nya.

Ano daw? THAT'S NOT A BIG DEAL?

Eh gunggong pala tong mokong na to ! Hinalikan nya ako tapos that is not a big deal? Oo, may first kiss na nga ako at di na bago sakin yun dahil may mga naging bf ako but it was a kiss! And I dont kiss someone na hindi related sakin at sa lips pa talaga!

Arrrrrrgggh kahit naiinis ako, di nalang ako sumagot pa dahil mas nangunguna ung sakit na nararamdaman ko buhat ng makita ko sya kanina.

"Iwan mo muna ako Jarryl. Palalampasin ko yung ginawa mo just leave me alone!" sigaw ko

Umalis nalang ako sa harap nya at naglakad palayo. Uuwi nalang muna siguro ako, gusto kong mapag isa. Gusto kong mag isip!

Jarryl's POV

"Iwan mo muna ako Jarryl. Palalampasin ko yung ginawa mo just leave me alone!" sigaw ni Glyssa sakin, tumalikod na sya at umalis na nga.

Di ko alam kung ano yung nangyari kanina sa kanila nung lalaking naabutan kong kausap nya. Pero nung nakita kong parang sasabog na yung luha ni Glyssa ay nilapitan ko na sila.

Di ko alam kung bakit ko ginawa yun pero parang may nagsasabi sakin na protektahan ko sya at wag lolokohin. Parang may nagsasabi saakin na wag ko syang papaiyakin.
Di ko alam kung ano tong nararamdaman ko.

Siguro naawa lang ako sakanya kanina. SIGURO NGA. Oo naaawa lang ako.

Hindi Jarryl, gusto mo sya!

Ay takte! Ano ba to? Hindi! Hindi ko sya gusto dahil naawa lang ako sakanya.

Arrrrrrggghh! Bahala na!

Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon