Kidnapped

1 0 0
                                    

Nang mahatid na ni Jarryl si Glyssa sa bahay nito ay natulog agad ito dahil pagod na pagod na sya. Syempre naman, pagkatapos ipakilala ni Jarryl si Glyssa sa kanyang mommy ay nanuod sila ng movie at nagharutan sa kwarto ng binata.

Huuuy! Hindi yung harutan na may meaning ha! Hahaha harutan as in nagpaluan ng unan at nagtakbuhan sa loob ng kwarto.

Kinabukasan.....

Nasa classroom na si Glyssa at Jarryl. Nag lelesson na ang prof nila ng may biglang dumating na mga lalaki.

    "Yes? Ano pong kailangan nyo?" tanong ng prof nila

Hindi naman sumagot ang mga lalaki at dire-diretsong pumasok sa loob ng classroom at biglang hinila patayo si Glyssa.

    "Hoy! Anong ginagawa nyo sa estudyante ko? Tumawag kayo ng guards!!" Sigaw naman ng prof nila at may mga tumakbo upang tumawag ng guards.

Nagkakagulo na sa loob ng classroom dahil ang iba ay nagpapanic na.

Tumayo si Jarryl at hinawakan ang braso ni Glyssa upang bawiin ito sa lalaking humila dito.
Sobrang natatakot na si Glyssa at hindi na makapagsalita dahil nanginginig na sya sa takot.

    "Bitawan mo ang girlfriend ko" medyo nanginginig sa galit na sabi ni Jarryl. Sobrang galit na ito at nagtitimpi dahil kung hindi ay baka hindi nya alam ang magawa nya sa lalaking may hawak kay Glyssa.

    "Sabi ko, bitawan mo ang girlfriend koooo!!! *buugssh buugsssh bugsssshhh*" pinagsusuntok nya ang lalaki kaya naman napabitaw ito kay Glyssa. May kumuha naman kay Glyssa na kasamahan ng lalaking ngayon ay bugbog sarado kay Jarryl.

    "Jarryl! Jarryl tulungan mo ako!" Sigaw ni Glyssa habang hila sya ng lalaki palabas ng classroom nila

    "Daammmnn! Ibalik mo si Glyssaaa!" Hinabol ni Jarryl ang lalaki, medyo malapit na nyang maabutan ito ng biglang sumakay ang lalaki kasama si Glyssa sa kotse at pinaandar agad ng driver .

    "Shhhiit! Buksan nyo to! Ibalik mo sakin ang girlfriend ko! Glyssa, Glyssa!" Umandar na ang kotse pero hinabol parin ito ni Jarryl hanggang sa makalayo na ito sakanya. Wala namang magawa si Glyssa kundi ang umiyak dahil tinali ng lalaki ng panyo ang bibig nito.

Habang si Jarryl naman ay agad na tumakbo papunta sa  parking lot ng school at kinuha ang motor nya. Sinundan nya ang kotse, nakalayo na ang sasakyan pero humahabol parin sya hanggang sa lumiko ang sasakyan na hindi naman nya nakita kaya tuluyan ng naitangay ng mga lalaki si Glyssa.

    "Shit! Glyssa ililigtas kita! Just wait! Arrrggh!" napasabunot si Jarryl sa buhok nya at kinuha ang phone nya sa bulsa. May dinial sya at ilang ring lang ay sinagot na agad nito.

Hello? -- sagot ng nasa kabilang linya
I need your help, where are you? -- sabi ni Jarryl habang naluluha na.
Im in the clubhouse. Why dude? -- sagot naman nito

*toooot toooot*

Binabaan na ni Jarryl ang kausap, pinaandar na nya ang motor at pumunta sa clubhouse.
Habang nagdadrive ay hindi nya maiwasang mapaiyak dahil natatakot sya na baka may gawing hindi maganda ang mga lalaking iyon kay Glyssa. Naiinis sya dahil hindi nya naipagtanggol at nabawi ang dalaga kaya ang naiisip nya ay wala syang kwentang boyfriend dahil pinabayaan nya ang mahal nya.

Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon