Please Stay

2 0 0
                                    

Author's Note :

Makiki-epal muna ako guys!😂
Ahm gusto ko sana maraming maka-discover nitong story ko dahil this is my first story at gusto ko pang gumawa ng maraming maraming storiesssss 😂
So ayun po! Please vote thank you so much 😚

Jarryl's POV

Nakakaboring naman dito sa bahay! Saan kaya makapunta?
Ah! Tatawagan ko nalang si Sev baka nasa clubhouse sya at doon nalang ako manggugulo.

I dial Sev's number....
And ilang ring lang sinagot na nya.

"Hello bro? *Aaaaaaahhhh ple-ase Sev make it fa-aster!*"

Ayyy! Takte mukang may kababalaghang ginagawa tong ungas na to.
Kung makasigaw naman yung babae parang dinadala na sa langit! Tsss hahahahaha

"Sev tapusin mo muna yan! Sige na bye hahaha" at in-end ko na ang call

Hahahaha iba talaga mga kaibigan ko! Ang titinik, nagmana sakin! 😂

Ayy sino na kaya tatawagan ko? Saan ako makikitambay? Kasi naman! Wala kaming pasok, kaya ayan! Nabobored ako dito sa bahay.

Alam ko na! Pupuntahan ko nalang yung amazonang labanos na yun. TAMA!

I grab my car key at dumiretso sa garahe. I drove until I reach the mall, dadaan muna ko dito to buy some foods para naman matuwa yung si Glyssa.
Nang makapamili na ako ng sapat na pagkain para samin, nagtungo na ako sa bahay nya.

Nandito na ako ngayon sa gate nila at dahil nakasara ito, bumaba nalang ako sa kotse at nagdoor bell.
Maya-maya may lumabas na matanda, kasambahay ata nila.

Tinanong nya ako kung anong sadya ko, at ano ang pangalan ko.
Sabi ko bibisitahin ko si Glyssa at isa akong kaibigan.
So after nya akong tanungin pinapasok nalang nya ako, dinala nya ako sa sala at pinaupo. Tatawagin lang muna daw nya si Glyssa, imbes na mainip ako nilibot ko nalang ang bahay nila.

Nang mapunta ako sa isang side may isang family picture.

"So may kapatid pala sya"

"What are you doing here?"

Ay amazona!
Muntik ko nang maihulog yung picture frame ng biglang may nagsalita sa likod ko.
Humarap nalang ako sa kanya at ngumiti 😃

"Im just here to visit you, by the way! I brought some foods at nilagay ko sa kitchen, sabi ni manang sya na daw bahala magluto" sagot ko sakanya

Napansin ko naman na parang iba yung itsura nya. Medyo lumaki yung eyebags nya at halatang namumugto ang kanyang mga mata. Parang may problema sya.
Somehow I felt a little pinch in my heart seeing her wasted.

Parang may isip ang mga kamay ko at kusa nalang hinawakan ang pisngi nya at pinahiran ang mga natirang luha rito. Siguro'y umiyak sya kanina at hindi napansin na may tirang luha sa kayang pisngi.

Nang iaalis ko na ang kamay ko mula sa kanyang pisngi ay nabigla ako ng hawakan nya ito at tumitig saakin .

"Jarryl dito ka lang, wag mo muna ako iwan. Kahit saglit lang" sabi ni Glyssa na medyo naiiyak na

Nag stay nalang ako dito sa bahay nya at sinamahan sya.
Di sya nagsasalita pero ramdam ko may dinadala sya, hinayaan ko nalang sya at hindi sya kinulit na mag open up sakin. Hahayaan ko nalang sya kung kailan nya gustuhin na magsabi saakin.

After 30 minutes of silence, I heard her sigh. At nasundan pa ng isang napakabigat na buntong hininga. At maya-maya nagsalita na sya

"Jarryl have you been inlove? Nasaktan ka na ba o naloko?" panimula nya, di na ako sumagot kasi nahihiya akong aminin na hindi ko pa naranasan mainlove

"Jarryl alam mo bang ang sakit sakit na malaman mong yung taong mahal na mahal mo ay niloloko ka lang pala. Ibinigay ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya! Sinayang nya, sinayang nya lang" nagsalita muli sya, di parin ako umiimik. Nakikinig lang ako sa kanya, at hinahayaan na maglabas ng hinanaing.

"Three years ago, I was an immature girl na mahilig mambully. I always bully everyone na humaharang sa daanan ko, then one day I met this guy named Jay Francisco. He always follows me and tell me that he likes me. Sa tingin ko nahulog narin ako sakanya dahil after 2months were officially on. Masaya naman yung relationship namin, we lasted for 3years. Haha" Napahinto sya sa pagkukwento at natawa saglit.

"Oh bakit natawa ka bigla?" tanong ko

"Eh kasi naman, yung araw na 3rd year anniversary namin papunta ako sa condo nya para sana surpresahin sya dahil galing ako sa states nun at kakauwi lang pero pagbukas ko ng pinto, tumambad sakin si Jay with a girl and they are kissing. Nakakatuwa diba? That's my love story. Ha ha ha" nag fake laugh pa sya para maitago ung mga luhang unti-unting lumalandas sa kanyang mga pisngi.

Lumapit ako sa tabi nya at niyakap sya. Umiyak na sya ng tuluyan sa balikat ko. The moment I heard her sobs, may kung anong kumirot sa puso ko.

"I dont know what to say, but I promise you one thing Glyssa...

I never leave your side, I will always be here whenever you need me" and i kissed her forehead

Di ko alam ang nararamdaman ko, but one thing is for sure.
I'll never leave her.

After some hours at nang makakain na kami, I decided to go home tutal ok na sya.
Andito na ako sa loob ng kotse ko at nagpapaalam sakanya.
Aalis na sana ako ng mai-start ko ang engine ng bigla syang nagsalita.

"Thank you Jarryl. Di ko alam kung seryoso ka sa mga sinabi mo pero panghahawakan ko ang mga pangako mo. Sige ingat" tuluyan na syang pumasok sa bahay nya at umalis narin ako.

I keep my promises Glyssa.

Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon