Fortune cookies

0 0 0
                                    

Pauwi na si Glyssa galing school, ihahatid sya ni Jarryl kaya naman yung kotse nya ay ipinakuha nalang nya sa driver nila.

Nakarating na sila sa bahay ni Glyssa, bumaba muna si Jarryl para pagbuksan ito. Nang makababa si Glyssa ay nagpaalam na ang binata na uuwi na sya, niyaya pa sya ni Glyssa na pumasok muna sakanila pero tumanggi si Jarryl at hinalikan nalang sa pisngi ang dalaga at umalis na.

Glyssa's POV

Nandito ako sa kwarto ko at inaayos yung tulips na bigay sakin ni Jarryl.
Nang naiayos ko na iyon ay nagpunta muna ako sa shower room.

Minsan talaga di ko maipaliwanag kung bakit ko mahal yung babaerong Jarryl na yun. Hahaha
Love is mysterious talaga, di mo alam ang mga mangyayari sayo.

Natapos na akong mag shower kaya nagbihis na ako.
Nagsusuklay ako ng biglang pumasok si Kuya Ethan.

    "Mukang masaya ang Princess ko ha"

    "Ah oo Kuya haha 😊 monthsary kasi namin ngayon ni Jarryl, you know what he surprised me! Sobrang ganda nung surpresa nya sakin dun sa school court. And Kuya alam mo ba nakalimutan ko na monthsary namin! Buti nalang may surprise sya sakin kaya naalala ko hahaha" tumawa ako ng tumawa kaya naman napatawa nadin si Kuya Ethan.

    "Naku ikaw talaga princess! Haha by the way, kakain na tayo. Bumaba ka na pagtapos mo dyan ha" ginulo ni Kuya yung buhok ko at lumabas na sya.

After some minutes bumaba narin ako at kumain na nga kami.
Nang matapos kami ay umakyat na si Kuya at may gagawin pa daw sya kaya naman ako, umakyat narin sa kwarto ko. Mamaya-maya nagtext si Jarryl.

ONE MESSAGE.
FROM: JARRYL MY LOVE

Love, goodnight. Sleep well, Take care always. See you tomorrow, dont forget our date. Susunduin kita bukas ng 6:00PM. I love you so much

    "KYAAAAAAAAAAAAHHHHH" tili ko at nagpagulong gulong ako haha! Kenekeleg eke enebe hahahha😊

*Bag!*

Ay kabayo!

    "Princess what happened?!" biglang pasok ni Kuya sa kwarto ko

    "Haha Kuya nakakagulat ka naman! Wala yun ano ka ba! Kinikilig lang ako hihi 😊 si Jarryl kasi eh, ang sweet" kulang nalang siguro sakin yung heart shape sa mata haha

    "Ikaw talaga, matulog ka na nga. Sige na, may gagawin pa ako" ginulo nanaman nya yung buhok ko at lumabas na nga sya

Haaaaayy! Makatulog na nga lang. Si Love kasi eh hahaha penepekeleg eke😍

--

*Bzzzzt bzzzzt*

Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon