I love you so much

0 0 0
                                    

Jarryl's POV

    "Anak, wake up may pasok ka pa" rinig kong sabi ni mom habang niyuyugyog ako. Nagising naman agad ako at niyakap ko sya ng mahigpit sabay ngiti.

    "What's in the mood? Bakit parang ang saya saya mo, eh samantalang dati kapag ginigising kita ay nagrereklamo ka" nginitian din ako ni mommy at umupo sa kama ko.

    "One of these days mom makikilala mo na sya"

    "What do you mean iho?" Nagtatakang tanong ni mom

    "Basta mom. Just wait and you'll meet her" tumayo na ako at dumiretso sa cr, naiwan ang mom ko na nagtataka parin sa mga sinabi ko.
Palagay ko ay lumabas narin sya ng aking kwarto.

Makikilala mo rin sya mom.
Makikilala mo rin si Glyssa.
Ang babaeng nagpapasaya sakin at sobrabg minamahal ko.

Nang matapos ako maligo ay nagbihis na ako, nang masiguro kong maayos na ang lahat sa akin ay bumaba na agad ako upang magpaalam kanila mom and dad
Pupunta ako ngayon sa bahay nila Glyssa para sabay kaming pumasok.

Nagdrive na ako at di nagtagal ay dumating rin naman agad ako sa bahay nila. Sumalubong naman sakin si manang sa gate at inaya ako sa sala. Naghintay muna ako ng saglit dahil sabi ni manang nagbibihis pa daw si Glyssa.

Haaaay ang sarap pala mainlove ano? Mas nafifeel ko yung pagkatao ko kapag nararamdaman ko ito. Di ko akalain na magmamahal ako at sa isang amazonang labanos pa! Grabe sobrang mahal ko talaga si Glyssa.

Bumaba na si Glyssa at dumiretso sa akin.

    "Uhh love, tara na. Sorry ha napatagal hehe" sabay ngiti nya. Priceless talaga 😍

    "Oh sure. It's ok love handa akong maghintay para sayo" at isinakbit ko ang kanyang kamay sa aking bisig

Lumabas na kami ng bahay nila at nagtungo na sa sasakyan ko para makapunta na kami sa school.
Actually half day lang kami ngayon. Seminar of teachers daw kasi mamaya.

After 10 minutes nakarating narin kami sa school. Nag park na ako at pinagbuksan sya ng pinto ng kotse. Inalalayan ko naman sya bumaba at naglakad na kami papasok.

Nakarating na kami sa room namin

Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon