FOUR

323 23 0
                                    


Pagkatapos ng araw na yun hindi na ulit sya sakin nagpakita, wala sya sa bus stop, wala din sya sa playground. Hindi din sya sumusulpot kung saan.

'Ano kayang nasabi ko kaya sya nagkaganun.'

Dalawang buwan ang dumaan wala pa din syang paramdam may mga pagkakataong sa tuwing may tatabi sakin habang nasa bus o di kaya habang naghihintay sa bus stop napapalingon agad ako kung sya yun pero hindi.. wala siya kahit saan.

"Kamusta na kaya sya?" Wala sa sarili na tanong ko.

"Ano?"

Natauhan ako nang maalala kong kasama ko pala si Kuya.

"Ah..wa-wala. " Sabi ko sabay yuko.

***

Habang papunta ako sa bus stop galing sa school may biglang lumapit saking tatlong lalake.

"Hello." Sabi ng isang lalake.

"Mmm.. hello." Awkward na sabi ko.

'Mukhang di gagawa ng maganda ang mga lalakeng 'to.'

"May boyfriend ka na." Tanong naman ng isang lalake sa likuran ko.

"Ku-kuya nasan ka na ba?" Bulong ko.

"Wag kang mag-alala miss hindi ka namin sasaktan."

"Si-sige mauna na ko, may gagawin pa ko."

Paghakbang ko biglang hinawakan ng isang lalake ang braso ko.

"Ano ka ba miss wag kang matakot, gusto lang naming makilala ka. Gusto mo bang sumama samin may alam kaming club na malapit dito baka gusto mo."

"Pasensya na may gagawin pa ko tsaka bawal ako pumasok sa club nakaschool uniform ako."

Ito na ang ikinatatakot ko kilala ang lugar na to dahil madaming mga manyak na lalake ang gumagala dito kaya lagi akong sinusundo ni Kuya.

Hinila ko ang aking braso pabalik na ikinagalit ng isang lalake.

"Ang arte mo naman ikaw na nga yung ililibre namin."

Biglang hinila ng lalake ang braso ko para iharap sa kanilang dalawa.

"Hindi naman ako interesado sa inyo kaya mauuna na ko."

Lalong nainis yung isang lalake kaya hinawakan nya ko sa magkabilang bikat saka tinulak pababa.

Napaupo ako sa lupa.

'Kuya please tulungan ko mo.'

"Huh! Bakit ba kayong mga babae napaka hard to get nyo eh gusto nyo naman mga kunwari pa kayo."

Tinignan ko lang ng masama ang tatlong lalake.

Pinantayan ako ng lalakeng nasa gitna saka hinawakan ang collar ng uniform ko.

"May ipapatikim lang ako sayo tapos siguradong magugustuhan mo din."

Mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko.

Wala man lang bang tutulong sakin?

Anong mangyayari sakin kapag sinaktan ako ng mga lalaking to..

Hinigit niya ang collar ko palapit sa mukha nya.

"Ano ba tumigil ka na." Sigaw ko sabay pikit.

'Tulong parawang awa nyo na.'

Ramdam kong unti-unting inilalapit ng lalake ang mukha sakin.

'Tungan nyo ko parang away nyo na.'

Pero nagulat ako nang may biglang humatak sa lalakeng nasa harapan ko.

Paper Hearts ( Namjoon fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon