FIVE

283 19 0
                                    


Masayang naghihintay ang isang babae sa swing sa may playground.

Sumulyap ulit siya sa hawak nyang phone.

Tinignan niya ang text ng kanyang boyfriend.

'May sasabihin ako sayo, magkita tayo sa playground' - Yeobo.

Bahagyang syang napangiti.

Makalipas ng ilang oras may dumating na isang matangkad na lalake, nakasuot ito ng white plain shirt, pants at timberland.

Ngumiti ang babae saka tumayo para salubungin ang kanyang boyfriend.

"Kanina ka pa?" Tanong ng lalake.

Umiling ang babae. "Kararating ko lang."

Naupo silang dalang sa magkabilang swing.

"Ano nga pala yung sasabihin mo."

"Kagabi kasi tumawag si Mama tinatanong nya kung pwede bang dalhin kita sa bahay after ng graduation. Gusto ka na nilang makilala."

Medyo nakaramdam ng kaba ang babae.

"Talaga gusto na nila akong makilala."

"Oo."

"Sige punta tayo."

****

Umalis sina Mama kaya lumabas ako ng kwarto ko naglakad ako sa hallway ng ospital habang hila-hila ang stand ng dextrose.

"Hindi gumaganda ang pakiramdam ko sa ospital na 'to." Bulong ko habang hinahanap ang elevator.

Makalipas ng ilang minutong paghahanap nakita ko na ang elevator at saktong bumukas ito.

Nang papasok na ko sa loob may bigla na lamang humila sakin palabas ng elevator.

"Teka!"

Nagulat ako ng si Namjoon pala ang humila sakin.

"Namjoon."

"Saan ka pupunta." Seryoso nyang tanong habang nakatingin sa mukha ko.

"Pupunta ako sa rooftop, mas gusto ko ang sariwang hangin kesa sa aircon dito."

"Pero may phobia ka sa elevator."

Napakunot ako ng noo.

'Phobia? Ako.'

"May phobia ako sa elevator?" Di makapaniwalang tanong ko.

Napatigil ako nang makita kong may pasa at sugat ang gilid ng kanyang labi.

"Teka nakipag away ka ba? Bakit may sugat ang labi mo." Tanong ko.

Hahawakan ko sana ang sugat nya pero iniwas niya ang mukha nya.

"Wala yan."

Huminga ako ng malalim.

'Kanina lang magkasama kami, wala naman syang ganyan.'

"Sige aalis na ko pupunta pa ko sa rooftop."

Aalis na sana ako sa harapan nya pero pinigilan nya ulit ako.

"Gusto mo ba talagang pumunta sa rooftop?"

Tumango ako.

***

Medyo di ako mapakali kung nasaan ako ngayon para kasing ang awkward.

"Mmm.. di ka ba nabibigatan sakin." Medyo nahihiya kong tanong habang nakapiggyback kay Namjoon.

Paper Hearts ( Namjoon fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon