TWELVE

223 17 0
                                    

Namjoon POV

Nakaupo ako sa office.

Tinignan ko ang wallpaper ng phone ko.

Picture yun ni Rina habang natutulog sya sa balikat ko.

Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang araw yun.

"Bakit ko ba naisip na niloloko lang kita dahil lang baka hindi kita mahal eh sa wala nga akong maalala ano pa ba ang magagawa ko. Pero ito." Turo nya sa may kaliwang dibdib. "Hinahanap hanap ka nito at sinasabi nya sa utak ko na mahal mo sya at yun ang dapat mong maalala."

Nabalik ako sa realidad nang may biglang kumalbit sa bikat ko.

"Ok ka lang? Kanina pa kita tinatawag." Tanong ni Hoseok.

Umayos ako ng upo. "Ok lang ako ano nga pala yung sasabihin mo."

"Balak kasi naming lumabas mamaya after ng office hours tsaka tutal payday ngayon baka gusto mong sumama samin kakain lang sa labas kasama ng mga iba nating officemate."

"Sige sasama ako."

5pm na ng lumabas na kami ng office kasama ni Hoseok at iba pang kaofficemate sa trabaho. Dahil malapit nang magchristmas malamig na ang simoy ng hangin kaya nagsuot ako ng coat.

Inayos ko ang nakasakbit na strap ng bagpack ko sa kanang balikat habang naglalakad.

"Saan nyo gustong kumain." Tanong ni Hoseok.

"Sa may Myeongdong daw may masarap na resturant doon bakit hindi natin itry." Sagot ng isa naming kaofficemate.

"Sige doon tayo."

Habang papunta kaming lahat sa Myeongdong napadaan kami sa isang Park na may mga naglalarong bata.

Narinig kong natawa si Hoseok nang may mapansin sya.

"Teka diba mascot yun ni Ryan? Ibang klase na talaga ang pagpopromote nila."

'Si Ryan?'

Agad kong hinanap ang tinutukoy ni Hoseok at nakita ko nga ang isang mascot ni Ryan na nakikipaglaro sa mga bata sa Park.

'Si Ryan.'

Napangiti ako ng malawak.

Favorite character ko si Ryan sa kakaotalk may ilang stuff toy ako nya sa sobrang addict ko sakanya pati si Rina binilhan ako ng Ryan na phonecase.

"Teka Namjoon diba crush mo si Ryan tara magpapicture ka muna sakanya." Asar ni Hoseok sakin.

Hindi ko pinansin ang pang-aasar nya sakin at naglakad na ko papunta kung nasaan si Ryan.

'Teka nanginginig ba ko?'

Inilabas ko agad ang phone ko at binuksan ang camera.

"Excuse me pwedeng magpapicture?" Tanong ko sa nakasuot ng mascot ni Ryan.

Tinignan ako ng mascot ng ilang sandali at nagpose ng mga cute gesture.

'Ang cute nya talaga.'

Kinuha ni Hoseok ang hawak kong phone.

"Sige na Namjoon magpapicture ka na kay Ryan."

Naninigas akong tumabi kay Ryan sabay ngiti yung mascot naman nagpapacute.

Ibinaba ni Hoseok ang kamay.

"Ano ka ba Namjoon wag kang mashy mascot lang ni Ryan yang katabi mo hindi yan ang totoong Ryan."

Nagsitawanan ang ilang kaofficemate namin.

Pero ewan ko ba hindi ko magawang magalit o mainis ngayon kahit anong sinasabi ni Hoseok.

Paper Hearts ( Namjoon fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon