TWO

434 23 0
                                    


Napakunot ng noo niya.

"Hindi mo ko kilala?"

Dahan-dahan akong tumango habang nakacross ang mga braso ko sa katawan ko para protektahan sa kung sakali mang may gawin sya sakin.

"Rina..wag mo naman gawin sakin 'to. Ang tagal kitang hinanap-"

"Rina." May isang boses ang tumawag sakin mula sa likuran lumingon ako at nakita ko si Kuya Jin na naglalakad papunta samin.

"Kuya."

Pansin ko ding tinignan ng lalake si Kuya.

"Bakit hindi ka pa umuuwi? Tara na." Sabi ni Kuya saka hinawakan ako sa braso at hilahin paalis sa lugar na yun.

Bago makalayo lumingon ako sa lalake na nakatayo at tinitignan kaming makaalis.

***

"Rina diba sinabi na sayo ni Mama na wag kang kakausap ng hindi mo kilala." May halong inis na tanong ni Kuya.

Naglalakad pa din kami pauwi sa bahay habang hawak pa din ni Kuya ang braso ko.

"Pero yung lalake kilala nya ko."

Huminto sa paglalakad si Kuya at hinarap ako. "Syempre nasa name plate mo ang pangalan mo, ano ka ba Rina mag-isip ka nga mamaya may gusto palang gawin sayong masama ang lalakeng yun."

Napayuko ako.

'Oo nga nakalimutan ko yung name plate ko.'

"Pero bakit parang -"

"Tama na Rina wag na natin 'tong pag usapan wala nang pero pero,sa susunod pag nakita mo pa yun o sino mag lalakeng lumapit sayo at sabihin ang pangalan mo, utang na loob wag mong kausapin."

"Sorry."

Huminga ng malalim si Kuya. "Rina bilang kuya mo trabaho kong alagaan ka kaya wag kang magagalit sakin."

"Hindi naman ako galit." Pabulong kong sabi.

Pag uwi sa bahay umakyat agad ako sa kwarto ko para magpalit ng damit nang bababa na sana ako sa kusina narinig ko ulit na nag-uusap sina Mama at Kuya.

"Ma nagkita na sila." Mahinahong sabi ni Kuya.

Bumaba ako ng hagdanan ng dahan-dahan para di nila ako marinig at nakinig sa pinag-uusapan nila.

'Nag-uusap nanaman sila na parang may tinatago.'

"Ano? Saan, anong sabi nya? Anong ginawa nya kay Rina? May sinabi ba sya?" Sunod-sunod na tanong ni Mama na may halong kaba.

'Bakit pakiramdam ko may hindi sila sinasabi sakin?'

'Pero ano yun? Bakit kailangan pa nilang isekreto. '

"Hindi ko po alam kung anong sinabi nya kay Rina basta hinila ko na lang siya palayo sa lalakeng yun."

Napahinto ako.

'Kilala nila ang lalakeng yun?'

***

Kinagabihan nasa harap kaming lahat ng hapagkainan habang kumakain.

Pansin ko ang pananahimik ni Mama at ni Kuya.

"Bakit ang tahimik nyong dalawa? May nangyari ba?" Tanong ni Papa.

Tinignan ko lang sina Mama.

Hindi nila sinagot si Papa at patuloy sa pagkain.

"Papa." Bigla kong sabi.

Napatingin si Kuya at Mama sakin.

'Pati din ba si Papa may alam sa sikreto nila Mama?'

"Kamusta po ang trabaho nyo." Seryoso kong tanong.

Paper Hearts ( Namjoon fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon