EPILOGUE

294 18 10
                                    


Sabado ngayon at nagpunta ako sa Mall para makipag kita kay Namjoon.

Pagpasok ko sa Mall hinanap ko agad ang resturant na sinabi sakin ni Namjoon na pagkikitaan namin.

"Excuse me saan po dito yung Aristocrat?" Tanong ko sa guard.

"Nasa 4 floor po." Nakangiting sagot ng lady guard.

"Salamat."

Nagkalakad ako papunta sa may elevator.

Tinignan ko ulit ang phone ko kung nagtext si Namjoon.

"Andito na ko." - Namjoon.

'Andito na din sya ang bilis naman nya parang kanina lang paalis pa lang sya sa office.'

Namalayan ko na nasa gitna pala ako ng mga taong sasakay din ng elevator.

Bumukas na ang elevator kaya pumasok na ko pagharap ko nakita ko si Namjoon na nagmamadaling tumakbo papunta sa elevator.

"Rina!" Sigaw nya.

Kumaway ako sakanya.

"Wag kang -" naputol na ang sasabihin niya nang sumarado na ang pintuan ng elevator.

"Ano?" Tanong ko sa sarili ko.

'Bakit parang kabado sya habang tinatawag ako.'

Bumukas ang pintuan sa 2nd floor ng mall nang may bigla akong maramdaman sa dibdib ko.

Biglang bumigat at sumikip ang aking dibdib, namamawis din ako ng malalamig.

'Bakit parang bilang sumikip dito sa loob?'

Nagpaypay ako gamit ang aking kamay.

Nahihilo na din ako at nanunuyo ang lalamunan.

'Ang sikip.'

Nagsisimula na akong kabahan na hindi ko maintindihan.

"Miss ok ka lang ba? Namumutla ka." Tanong ng katabi ko.

"Ha?" Wala sa sarili kong tanong.

"Ayos ka lang ba."

"Hi-hindi ko alam." Natatawa kong sabi. "Bakit parang biglang uminit dito tsaka sumikip."

"Miss 3 na lang tayong nakasakay dito sa elevator. Sigurado ka bang ok ka lang."

"Ha?"

Ang mga sumunod na nangyaring naalala ko bigla na lang nandilim ang aking paningin.

****

Namjoon POV

Pagkapark ko ng kotse sa parking lot pumasok na agad ako sa mall at nagpunta sa may elevator.

Habang naglalakad nakita ko si Rina na pumasok sa loob ng elevator.

Napatigil ako.

'Anong ginagawa nya doon.'

Tumakbo agad ako para pigilan ang pagsara ng pintuan.

"Rina!" Sigaw ko.

Agad nya akong nakita at kumaway sakin.

'Ano bang ginagawa nya? baka anong mangyari sakanya sa loob ng elevator.'

Pero nahuli na.

Sumara na ang pintuan ng elevator.

Nataranta na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hihintayin ko pa sanang bumukas ang kabilang elevator pero nasa 4th floor pa ito kaya tumakbo na ako papunta sa escalator.

Paper Hearts ( Namjoon fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon