TEN

219 15 0
                                    

"Rina!"

Nagulat ako nang may biglang sumigaw mula likuran ko.

'Nakakagulat naman sya.'

Narinig kong natawa si Namjoon sa tabi ko.

"Mamaya mo na sya pansinin hyper lang ang isang yan." Bulong nya sakin.

Naglakad kami papunta sa tatlong lamesa na pinagduktong-duktong.

"Saan ka galing?" Tanong ni Namjoon sa lalakeng sumigaw sa likuran ko.

"Kararating ko lang tapos nakita ko kayong dalawa papasok dito kaya hinabol ko kayo." Nakangiting sagot ng isang lalake.

'Sya kaya yung sinasabi ni Namjoon?'

Inalalayan ako ni Namjoon para maupo sa upuan saka naupo din sa tabi ko.

Tinititigan ko yung lalakeng nakaupo sa harapan namin.

May malawak syang ngiti habang nakatingin din saming dalawa ni Namjoon.

Ang bright ng mukha nya.

"Hello." Bati nya sakin.

"H-hi." Awkward na sabi ko.

"Natatandaan mo pa ba ako? Ako si Hoseok, magkaklase tayo nung college."

'Di ko sya matandaan.'

"Ah." Awkward na ngiti ko.

"Ano ka ba Hoseok alam mo naman yung sitwasyon diba? Hindi ka nya naalala." Singit ni Namjoon

"Alam ko pero malay mo natatandaan nya ko."

"Ewan ko sayo. Rina ito nga pala Rise at Jino mga kaibigan ko sa office." Pakilala ni Namjoon sa iba pa nilang kaibigan.

"Hi Rina ako si Rise finally nagkita na din tayo lagi ka samin kinukwento ni Namjoon." Nakangiti nitong bati sakin.

"Ako naman si Jino." Sabat naman ng isa.

"Hello."

"Teka Rina alam mo bang lahat kami ikakasal na maliban na lang kay Namjoon? Kailan nyo ba balak magpakasal?" Biglang tanong ni Hoseok.

Biglang nanuyo ang aking lalamunan.

'Kasal?'

"Ano ka ba Hoseok bakit naman ganyan ang tanong mo." Sagot ng nag iisang babae sakanila.

"Ikakasal ka na?" Tanong ko kay Hoseok.

"Oo next year na kami ikakasal ng girlfriend ko." Nakangiti nitong sagot.

***

Pagkatapos naming kumain nagpunta muna sa CR si Namjoon.

"Hoseok." Tawag ko sakanya habang busy sa kanyang phone.

"Bakit?" Tanong nya.

"Pu-pwede mo bang ikwento kung ano kami ni Namjoon nung college."

Nagtaka sya sa tanong ko.

'Gusto ko lang malaman kahit konti kung ano kami ni Namjoon noon, para kasing akong kumakapa sa dilim ngayon.'

Biglang naging seryoso ang itsura nya.

"Naiintindihan ko mahirap ang sitwasyon mo ngayon."

Ngumiti ako bahagya.

Umayos sya ng upo.

"Nung una para kayong aso't pusa pero lagi namang magkasama, ako yung referee sa tuwing nag-aaway kayo kaso sino nga ba ang makakapagsabi na isa sainyo ang magkakagusto sa isa." Umpisa nya.

Paper Hearts ( Namjoon fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon