NINE

269 13 0
                                    

After 1 Month

"Anong ginagawa natin dito sa condo mo?" Tanong ko kay Namjoon.

"Sina Mama kasi gusto ka nilang makita ulit, nung nalaman nilang nagkita na ulit tayo kinukulit nila ako."

"Parents mo?" Di makapaniwalang tanong ko.

Tumango si Namjoon.

'Bakit ngayon nya lang sinabi sakin? Sana man lang nag-ayos ako kahit papano.'

Natawa si Namjoon.

"Oh bakit ang sama ng tingin mo sakin." Tanong niya sabay upo sa sofa.

"Sana man lang sinabi mo sakin na pupunta pala ang parents mo dito."

Tinap ni Namjoon ang sofa saka tinignan ako. "Upo ka dito sa tabi ko."

Naupo ako sa tabi nya. "Kinakabahan ako."

"Last time sinabi mo din yan nung ipinakilala kita sakanila."

"Nung bago tayo maaksidente?"

"Oo."

Huminga ako ng malalim saka nilibot ng tingin ang loob ng condo ni Namjoon.

'Masyadong malaki 'to para sakanya.'

"Ikaw lang ang nakatira dito." Pag-iiba ko.

"Oo ba't mo natanong?"

"Bakit hindi ka kumuha ng mas maliit dito? Nag-iisa ka lang pala dito."

"Sina Mama ang may gusto nito."

Naramdaman kong isinandal ni Namjoon ang ulo nya sa balikat ko pero di sya nakuntento kaya inihiga niya ang kanyang ulo sa lap ko.

"Wala kang trabaho ngayon?" Tanong ko.

"Nagleave ako. Si Mama tinawagan ako kanina lang na pupunta sila dito kaya hindi na ko pumasok." Sagot nya habang nakapikit.

Tinitigan ko ang kanyang mukha.

'Ang dami nya talagang moles sa mukha.'

Tumahimik na lang ako habang abala pa din sa pag titig sa mukha nya.

'Nakatulog na ata.'

Hinawi ko ang  buhok ko papunta sa likod ng tenga ko saka nilapitan ng tingin ang mukha ni Namjoon habang natutulog.

"Bakit ang gwapo mo?" Bulong ko.

Tinitigan ko ang kanyang pilik mata, ang kanyang ilong saka tinitigan ang kanyang labi.

Napatigil ako.

'Ano bang ginagawa ko? bakit ko tinitignan ang labi nya.'

Nakatulala pa din ako habang nakatingin sa mga labi nya habang kausap ko ang aking sarili.

Nabigla ako nang biglang idilat ni Namjoon ang kanyang mga mata at tinitigan ako.

"Anong ginagawa mo." Tanong niya.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Dahan-dahan kong tinignan siya sa mga mata.

"..wala-"

Naputol na ang sasabihin ko nang bigla niyang hawakan ang batok ko palapit sakanya para halikan ako.

Isang mainit at malalim na ang halik ang binibigay ni Namjoon.

Umayos ng upo si Namjoon habang patuloy sa paghalik.

Namalayan ko na lang na humahalik na din ako pabalik.

Paper Hearts ( Namjoon fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon