EIGHT

222 15 1
                                    


Sinubukan kong hanapin si Namjoon pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula gusto kong sya makausap at sabihin sakin ang lahat.

'Kailangan kong malaman kung paano kami naaksidente.'

Nagpunta ako sa bus station pero wala sya, hinanap ko din sya sa mall pero wala din.

Habang naglalakad pabalik sa bahay may bigla akong naalala.

'Sa playground.'

Nagmadali akong sumakay ng Bus papunta sa school namin, pagbaba ko ng bus tumakbo agad ako papuntang play ground, pero pagdating ko.

'Wala sya dito.'

Huminga ako ng malalim at pinigilan maiyak dahil sa pagkadismaya.

Naglakad ako papunta sa swing saka naupo sobra na kong napagod hindi ko na alam kung saan ko pa sya hahanapin.

'Nasaan ka na ba Namjoon.'

Napayuko ako sa lupa.

"Rina."

Napaangat agad ako ng tingin.

'Namjoon.'

Nakatayo siya sa tapat ng play ground, may dala syang bagpack nakasuot siya ng white long sleeve shirt, black pants at itim na beanie.

Naglakad ako palapit sakanya.

"Saan ka ba galing kanina pa kita hinahanap."

Halatang naguguluhan siya sa tanong ko.

"Ayos ka lang ba. Bakit parang kakagaling mo lang sa pag-iyak."

"Sabi ko saan ka ba galing."

"Sa office." Confuse nyang sagot. "Teka ok ka lang ba? Sumasakit nanaman ba ang ulo mo gusto mo bang ihatid kita sainyo- "

Napahinto siya sa pagsasalita nang bigla ko syang kayapin.

'Ang saya saya ko pero hindi ko alam kung bakit, dahil ba sa alam ko na ang totoo o dahil nakita ko na ulit sya.'

"Sinabi na sakin ni Papa ang tungkol satin." Sabi ko habang nakabaon ang mukha ko sa dibdib nya.

Niyakap nya din ako.

"Kaya ba nandito ka."

Kumalas ako sa pagyakap.

"Kaso." Bigla akong naiyak ulit saka tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang  mukha ko. "Hindi ko pa din naaalala ang lahat, yung bago ang aksidente at ang tungkol satin." Hagul-gol ko.

Naramdaman kong niyakap nya ulit ako.

"Hindi na importante kung may maalala ka pa o tuluyan nang mawala ang memorya mo basta ang mahalaga nandito ka na sa tabi ko."

Naglalakad kaming dalawa papunta sa bahay habang magkahawak ang kamay.

"Ibig sabihin gawa - gawa lang ng mga magulang mo na 19 years old ka pa lang at ang pag balik mo sa college dahil yun lang ang huling natatandaan mo." Tanong sakin ni Namjoon.

Tumango-tango ako.

"Kahit anong gawin ko wala akong maalala kahit isa."

Tumigil si Namjoon sa paglalakad at hinarap ako, hinawakan niya ang magkabilang pingi ko.

"Hindi mo kailangang maalala ang lahat lahat satin, pwede naman tayong gumawa ng mas maganda pang memories." Nakangiti niyang sabi. "Kaso-" putol niya.

"Kaso ano?"

"Gusto mo ba pa ba ako."

Napatigil ako.

'May nararamdaman nga ba ako para sakanya ngayong hindi ko maalala ang nakaraan namin?'

Hinihintay niya ang isasagot ko.

"Pano ko sasagutin yang tanong mo kung wala akong maalala."

Ngumiti si Namjoon at hinawakan ang ilong ko. "Bumalik man ang alaala mo o hindi sisiguraduhin kong maiinlove ka ulit sakin katulad ng dati." Sabi nya sabay smirk.

Napangiti din ako.

"Pagbabanta ba yan."

"Mmm.. parang ganun na nga."

Paper Hearts ( Namjoon fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon