"Jared, Dani, dito naman nakatira ang magiging foster family ninyo." narinig nilang sabi ni aling magda habang iginigiya sila nito sa isang maliit na baha kubo.
Medyo malayo ang bahay na ito kumpara sa mga bahay na titirhan ng iba nilang mga kasama, palibhasa ay bagong lipat lang dw ang mga ito. Maliit ang bahay, at tila mas malaki pa iyon sa sarili nyang kwarto, malapit ang bahay sa ilog at napapalibutan din ito ng mayayabong na puno, nasa bandang likudan ng bahay ang lutuan at banyo.
Bahgya nyang sinulyapan si Dani, alam nyang hindi ito sanay na tumira sa ganoong lugar dahil maging sya man na lagi ng nakakapunta sa mga remote at malalayong probinsya ay hindi pa din makasanayan ang ganoong pamumuhay alam nyang mahihirapan ito at inaasahan nya ng pulos reklamo at pintas ang maririnig nya sa dalaga, ngunit hindi nya iyon nadinig, wla ding mababakas na anumang emosyon o reaksyon sa maganda nitong mukha..
what the heck?? sino ba storyteller?? bakit ba kelangan pang dugtungan ng adjective na "maganda" yung mukha nya??? inis bakit ko ba naiisip ang salitang yon?? kelan pa ako nagandahan sa kanya..?? ://
"Anghelito, Rosalie, andito na ang magiging mga bisita ninyo..." sigaw ni aling magda habangkumakatok sa pintuan ng bahay ng mga ito, binuksan ng isang binatang lalaki ang pintuan, sa tantiya nya ay matanda lang ito sa kanya ng 2 o 3 taon, moreno ito at halatang sanay sa trabaho, masigla silang binati nito at pinapasok sila sa munting bahay ng mga ito. katulad ng inaasahan nya ay maliit nga ang bahay ng mga ito, tanging munting sala, na may ilang pirasong kasangkapan at dalawang munting kwarto lamang nandodoon bilib sya dahil bagaman malliit lamang at salat sa kasangkapan ay malinis at maayos ang pamamahay ng mga ito.
"naku pagpasensyahan nyo na ang aming bahay huh?? mallit lang at medyo masikip.." tila nahihiyang paliwanag nito. ng maiwan na sila ni aling magda at makapasok na sila ng bahay nito,
"naku wala iyon, wag mo kaming alalahanin," nakangiti namang sansala ni Dani dito, hindi nya maiwasang magulat sa inaasta ni Dani marahil ay nagpapaka polite lang ito.
Bigalng may dumating na magandang babae, maputi ito at napakaganda nitong ngumiti, sa tingin nya ay kasing edad lamang ito ni anghelito, bagaman nakaduster lamang ito ay bakas pa din ang kagandahan nito. may isang maliit na batang babae, sa tantiya nya ay 7 taong gulang na, na nakabuntot sa likuran nito at nagtatago habang hawak-hawak ang laylayan ng duster nito.
"ito nga pla ang asawa ko si Rosalie at ang anak namin si Pia." nagulat sya sa sinabi nitong iyon ang akala nya ay bagong kasal lamang ang mga ito, dahil na din sa napakabata pa ng mga ito upang magkaroon ng 7 taong gulang na supling.
"ang bata nyo palang nagpakasal, well, hello kiddo!" bati nya sa batang tila nahihiya pa din. at mas lalo pang nagtago ng sinubukan nyang lapitan ito.
"naku pasensya na kayo, mahiyain yang si Pia, paano ay laging natutukso ng mga kaklase nya." sabi naman ni rosalie.
Hindi na sya nagtaka kung bakit ito natutukso, maitim ito at may katabaan, pango din ang ilong nito at mukhang wala itong hilig magsuklay, kung iisipin ay mukhang hindi ito nagmana sa mga magulang dahil gwapo at maganda sila anghelito at rosalie, ngunit mukhang hindi nito nakuha ang katangiang iyon ng mag-asawa.
"Hi Pia! I'm ate Daniella, pero dahil magkakasama tayo sa loob ng isang linggo, pwede mo akong tawaging mommy dani.." malambing na sabi dito ni Dani na muli ay ikinagulat nya, lumuhod pa ito sa tapat ng bata upang makitang maigi ang mukha nito.
"i-ii--kaw po? tatawagin kong mommy? eh p-p-pano kita magiging mommy eh ang ganda ganda mo, pero ako panget panget.." nakalabing wika ng bata na tila nahihiya pa din sa kanila. nakaramdam naman sya ng awa sa bata dahil sa nararamdaman nitong insecurity sa kabila ng mura nitong edad.
BINABASA MO ANG
How to Win Your Dream Guy
FanfictionHe is Mr. Perfect, while she is The Ultimate Temptress. She wants him, but he despises her. But then, she gets what ever she wants, and nothing can stop her, not even his cold treatments, nor his "i-don't-care" attitude towards her.And so with a hel...