Hay! sa halos 1 hour na biyahe nakarating din. Nasan kaya si chichi baka malate yun ah naku! bahala nga sya sa buhay nya basta nandito na ko. (ANSAMA KO PO HIHI)
Ano kaya magiging routine ko ngayong College magiging boring kaya katulad nung highschool ako. Na wala akong ginawa kundi PASOK -> ARAL -> KAIN -> ARAL -> UWI? (amboring po di ba?). Nagbago lang nung nagka first boyfriend ako medyo nadagdagan ginagawa ko hindi na subsob sa pag-aaral. Hirap kasi ingatan ng pagiging honor student. -.-
Second day, ngayon namin makikilala mga ibang Prof namin tapos ngayon din malalaman mga subjects namin. Magulo pa ang schedule kaya yung temporary muna gagamitin. Buti nalang gwapo at magaganda ang Prof dito sarap pumasok ganto pala pagcollege parang di nag-aaral sarap naman nakakaenjoy.
"Ay malanding palaka!" - Ako
"Oy! ang aga mo naman pumasok." - Chichi
"Alangan naman magpalate tayo." - Ako
"Naku! College na tayo no! malate o hindi okay lang. Dakilang estudyante ka talaga. Kaya walang nagtatagal na lovelife sayo eh." - Chichi
"Oy! bakit napunta sa lovelife ko? tyaka pampagulo lang naman yun mag aaral nalang ako." - Ako
Nasa klase na kami tulad kahapon syempre paanghel pa kaming lahat sa mga Prof. SHY TYPE kumbaga HAHAHAHAHA :D
Lumipas mga ilang araw naging bibo na bawat isa nakikipag-usap na sila. Di na ganu nagkakahiyaan so, that means lumalabas na mga totoong ugali. Pero halos lahat naman mababait subukan nila kung awayin at magkakalatay sila sa mata.
"May meeting tayo maya maya para sa pagiging officers sa klase. Maglunch muna kayo :)))" - Prof Thirdy
LUNCH TIME
"Oy! Iboboto kita treasurer :)))" - Chichi
"Oy! Naku! tigilan mo nga ko jan, boto boto sayo!" - Ako
"Bakit? 3rd year at 4th year highschool tayo lagi ka naman treasurer di ba? sawa ka na ba sa pagiging treasurer? HAHAHAHAHA" - Chichi
"Oy! baliw! manahimik ka nga jan lakas na naman ng sayad mo. Tara na nga balik na tayo sa school tapos naman na tayo kumain." - Ako
CLASS ELECTION MEETING
"Sige, Let's start pwede na kayo bumuto. President to Muse ang kailangan natin." - Prof Thirdy
Nagsimula na ang botohan ako wala lang nakikinig lang ako sa mga binuboto nila. Di naman kasi ako mahilig bumuto sa class election maski ng highschool ako nagtataas lang ako ng kamay. Pero, ang masama naboboto pa ko. Bigla ko nalang narinig ang pangalan ko may bumuto sakin at tiningnan ko kung sino. Walang iba kundi si chichi yari sakin yun pag-uwi namin sana di manalo. *cross finger*
BOOGSH! SAKLAP! bakit andaming bumuto sakin? treasurer na naman ako? Natapos ang botohan na lumung-lumo ako.
"Tumayo sa harap ang mga nanalo bilang class officers natin at magspeech kayo kahit konti." - Prof Thirdy
PANIC ALERT! Hay! bakit kasi may speech pa? Nung highschool ako tumatayo lang eh. Ngayon may speech na? Iba na talaga pagcollege.
Tapos na sila at ako na.
"Thankyou po sa pagboto sakin bilang treasurer iingatan ko po pera nyo." - Ako
At inantay ko nalang matapos ang iba pang di nagsasalita. Para makaupo na din kami, lalo ako treasurer na naman ano ba yan! Gusto sumabog ng nasa loob ko. Lagi nalang akong natatakot pagnananalo akong treasurer dahil baka mawala pera nila magbabayad pa ko.
Natapos ang botohan at umuwi na kami tapos na din naman lahat ng klase namin.
"HOY! babae binuto mo na naman ako sakalin kita jan eh!" - Ako
"Pero, infairness ah nanalo ka binuto ka nila ibig sabihin tiwala sila sayo di ba? kaya matuwa ka na wag ka na mag alburuto sa inis jan :))))" - Chichi
"Anu pa ba magagawa ko? Nanalo na eh! *HINGANG MALALIM*" - Ako
Ilang linggo na din bago ako pumasok sa Asia Pacific University at wala namang problema. Unti-unti ko na din silang nakikilala at nagiging kaibigan. Masaya pa, nagiging close ko na din ibang Prof ko lalo si Prof Thirdy. At syempre focus ako sa fave Prof ko na Algebra ang tinuturo.
Ilang araw nalang malapit na kami pumunta ng Amusement Park para ganapin yung sinasabi nilang Asia Pacific University Anniversary. Taon taon daw pumupunta ng Amusement Park para magcelebrate di naman ako mahilig sa rides.
PASOK -> ARAL -> KAIN -> ARAL -> UWI ganyan na naman gawain ko dahil sa dakilang estudyante nga daw ako. Di din ako mahilig mag absent dahil ayoko na may mamiss akong klase lalo algebra. :))))
Bukas na kami pupunta ng Amusement Park kasama lahat ng Asia Pacific Student. Mag-enjoy kaya ako dun? Ang aga pa ng alis namin ano ba naman yan. >.<
Mag-enjoy sana ako kasama mga kaklase ko at mga bagong kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
A boyish girl met a playboy
Teen FictionMagbago kaya ang dating boring na buhay ni Allysa Sanchez na puro pag-aaral ang inaatupag? Eh, ngayong college kaya sya sinu-sino kaya ang makikilala at makakasama nya. At syempre anu-ano kaya ang mangyayari sakanya lalo na kapag nakilala nya ang ba...