Back to normal! Papasok ako ng maaga at mag-aaral ng mag-aaral. Halos araw-araw parang paulit ulit lang naman mangyayari. Pero enjoy dahil marami kaming activities na sunud sunod.
INTRAMURALS
First day, ngayon ang intrams at magpaparada kami sa kalagitnaan ng init. Pero, okay lang dahil sabi nila maganda daw yun dahil may vitamins ang sikat ng araw twing umaga. Natapos ang parada nakarating kami sa court kung saan gaganapin ang intrams namin. Vitamins nga ang araw pero amoy araw naman kaming nakarating sa court. Si bea lang ang kateam ko nahiwalay si nina samin pero okay lang magsama sama kami dahil wala naman kaming gagawin manunuod lang wala kaming sinalihan.
Rampahan na ng mga muse at escort ang gaganda nila. Yung isang muse kaklase namin sya kaya todo suporta din naman kami syempre bilang kaklase nya kailangan namin syang suportahan. :))))
"Tara! tingnan natin yung muse natin." - Bea
"Oo nga, tulungan na din natin." - Nina
"Sige, tara na puntahan natin dun yata sa likod." - Ako
Tinulungan namin magbihis yung muse namin tiningnan din namin kung pano sya make-upan. Ang galing make-up nung bakla. Ako namake-upan lang ako nung highschool ako dahil sinali nila ko sa contest di na masama dahil sa 16 kaming naglalaban laban naging panglima ako. Akalain mo yun ano to? gandang di inakala o gandang walang wala? HAHAHAHA nilait ang sarili :D
Ayoko talaga ng make-up dahil sa nangangati muka ko kaya di na ko natutong mag-ayos ng sarili kong muka. Kaya si chichi tuwang tuwa kapag namamake-upan nya ko nung highschool dahil nag-iiba daw muka ko. MAGIC! HAHAHA
Pagkatapos ng rampahan opening na para sa sports. Sa loob loob ko inaabangan ko si jk at mike dahil magaling daw sila sa basketball at volleyball ayon ang sports nila simula highschool sila. (Stalker po ba dating ko? HAHA)
"AAAHHHHHHHHH! Ang galing galing! go go kaya nyo yan!" - Bea
"Go mike at jk kaya nyo yan!" - Nina
Grabe si bea at nina ang ingay nila sa totoo lang daig pa nila nakalunok ng microphone at speaker sa lakas ng mga boses nila kakacheer. Dahil di ako mahilig mangcheer pinaubaya ko na sakanila yun.
At nanalo sila ang galing galing nila may laro pa sila bukas.
Second day, nanuod lang din kami at tulad ng inaasahan namin nanalo ulit sila.
Third day, nagsimula na ang cheer dance nanunuod lang din kami. Hanggang sa natapos na lahat.
Fourth day, ngayon ang awarding kaya nasa Villa Resort kami. Nakuhang MVP si mike at jk kaya sure na silang magiging player ng UCAAB kung saan maglalaban laban lahat ng Colleges at Universities. Ang galing naman kasi nila eh! Champion ang team nila mike at jk dahil sa naging Champion sila sa basketball at volleyball. Dagdag points! kapag naglalaro sila lahat ng babae sumisigaw pati na nga mga lalaki nabibilib sa galing nilang dalawa.
Natapos ang intrams ng maayos at sa susunod naman meron kaming tinatawag na Youth Convention isang seminar lang daw yun. Hay! seminar pinakaayoko sa lahat dahil nakakaantok pero meron din naman akong seminar na gusto yung talagang may matututunan ako.
Sa ngayon habang inaantay ang Youth Convention pumapasok muna kami. Pero, wala ng ganung ginagawa dahil sa busy na rin sa pag-aasikaso ng program at ng bus.
HRS MEETING
"Lahat tayo sasama sa convention ah. :)))" - Prof Thirdy
"Yes sir!" - HRS
"Thats all lang pwede na kayo umuwi. Ingat!" - Prof Thirdy
Labasan na nagsalamin ako at nakita kong naglalagay ng eyeliner ang kaklase ko kaya hiniram ko at naglagay din ako try lang dahil tinanggal ko ang salamin ko. Nakita ko si jk na nakatingin sakin pero di ko pinansin close na din naman kami pero di tulad ng pagiging close namin ni mike.
"Bakit naglagay ka pa ng eyeliner?" - Jk
"Ah! wala lang trip ko lang naman masama ba?" - Ako
"Dumi lang sa muka yan eh" - Jk
"Ah! yaan mo na ngayon lang naman eh! :)))" - Ako
Nagulat ako sa sumunod na ginawa ni jk dahil hinawakan nya ang baba ko.
O_O
"Kahit wala kang eyeliner maganda ka na. :))))" - Jk
Wala akong nasagot sa gulat. As in SPEECHLESS! Pero sa loob ko kinikilig ako first time nya ko sabihan ng maganda. ^_^
"Naku! Bola! bitawan mo nga baba ko >.<" - Ako
Pagkatapos nun umalis na sila at umuwi na rin kami habang naglalakad kami.
"Ano yung pahawak hawak na yun ha? may gusto siguro sayo si jk." - Bea
"Wala yun no nababaliw na naman kayo." - Ako
"Oo nga, malay mo naman di ba maganda ka naman eh kailangan mo lang mag-ayos." - Nina
"Naku! tigilan nyo na nga ko." - Ako
At nakauwi na kaming lahat ako laging naiiwan dahil malapit lang mga bahay nila.
Allysa's POV
Bakit nga kaya sinabi ni jk yun? may gusto nga kaya sakin yun? Pero hindi mahirap umasa eh hayaan ko na nga lang sya. Pero nabigla ako sa ginawa nya kanina nakita pa ng mga kaklase namin. >.< Siguro trip ako nun playboy pa naman daw yung lalaking yun.
Jk's POV
Halatang halata na nagulat ko si allysa kanina. Ano ba kasi problema ko? Bat sinabi ko yun sakanya bahala na nga! TSK! >.<
YOUTH CONVENTION
Ang aga na naman ng biyahe -______-
Lahat kami nasa bus na para pumunta kung saan gaganapin ang Youth Convention. Mahaba habang araw ng seminar to at syempre ng pakikinig. Nag-aaral akong mabuti pero wala pa rin akong hilig sa seminar.
Nandito na kami at magsisimula na ang seminar.
SALITA DUN, EXPLAIN DITO, SALITA DITO, EXPLAIN DUN -_______-
Natapos ang seminar inaantok ako dadaan pa daw kami ng SM.
Bumaba lang ako para bumili ng pwede ipasalubong sa kapatid ko at agad lang din bumalik sa bus kasama ko si bea at nina.
Nakauwi kaming lahat ng safe. :))) Thank God! <3
Balik sa dating gawain na PASOK -> ARAL -> KAIN -> ARAL -> UWI
Patapos na ang first semester ko sa Asia Pacific University ng pagiging first year. :))))
SEMBREAK
Ngayong sembreak nalaman kong training pala ng mga UCAAB player na maglalaro next semester. Syempre aabangan ko yun at manunuod ako. At dahil sembreak kain lang ako ng kain HAHAHAHA :D
Ano kaya mangyayari sa second semester ko? ATAT NA AKO! HIHIHI ^_^
BINABASA MO ANG
A boyish girl met a playboy
Teen FictionMagbago kaya ang dating boring na buhay ni Allysa Sanchez na puro pag-aaral ang inaatupag? Eh, ngayong college kaya sya sinu-sino kaya ang makikilala at makakasama nya. At syempre anu-ano kaya ang mangyayari sakanya lalo na kapag nakilala nya ang ba...