YES! SUMMER NA! WHOOO! RELAX! RELAX!
At dahil summer na nanjan ang family outing, paggagala sa mall, at paglilibot kasama ang tropa.
LIBOT KASAMA ANG HIGHSCHOOL FRIENDS :)))
Ang mga kaibigan ko gawain pa rin nila ang manghunting ng mga gwapo kapag nasa galaan na hindi ko kinahiligan. Tama na, na nagkaroon ako ng magulo at sandaling lovelife noon HAHAHAHAHA :D
Pagsummer wala akong ibang ginagawa kundi makipagjamming sa mga kaibigan ko na puro lalaki at iilang babae lang. At syempre di mawawala ang pagkain ko ng marami libangan yun eh.
TULOG -> GISING -> KAIN -> TEXT -> COMPUTER -> NUOD NG TV -> SOUNDTRIP -> GALA
Ayan ang routine ko, gawaing tamad pero di ko inaasahan na magiging part pala ng summer vacation ko ang maconfine sa hospital ng halos tatlong araw.
MEDICAL INTERNATIONAL HOSPITAL
Dito ako naconfine ng halos tatlong araw dahil sa inatake ako ng sakit ko sa bituka.
Acidic, Ulcer at UTI higit sa lahat ay ang puso ko ayan ang mga sakit ko na pinakaiingatan kong hindi umatake dahil hindi ko kinakaya ang sakit.
Bago ako dalin sa hospital nagwawala na ako sa sakit hanggang sa maisugod ako. Agad nila akong sinaksakan ng dextrose at kinuhanan ng dugo para itest.
Unang araw ko sa hospital pinagpahinga lang nila ko, kinukuhanan ng dugo paulit ulit, BP oras oras at may pinapainum silang mga gamot sakin at kapag umatake na naman sinasaksakan nila ako ng pain reliever para kumalma at makatulog.
"Bawal muna po sya kumain at uminum dahil bukas kailangan po namin sya maultrasound." - Doctor
Pag-alis ng doctor kinausap ko ang tita ko na nagbabantay sakin.
"Tita? Di ba yung ultrasound para lang sa mga buntis yun?" - Ako habang nagtataka
"Meron ding ultrasound para macheck ang tiyan mo." - Tita
"Ah! Ganun pala bakit bawal pa kumain pati uminum?" - Ako
"Para makita kung ano problema sa tiyan mo at para malinis." - Tita
Wala akong ibang ginagawa kundi nakahiga lang panay akong nakakatulog dahil sa mga sinasaksak nilang mga gamot sa dextrose ko at meron pang iniinum.
ULTRASOUND ROOM
"Ok naman po ang nakita ko sa tiyan nya sa ultrasound pero kapag sumakit pa rin po sya kailangan nya po maendoscopy." - Doctor
"Ano pong endoscopy doc?" - Tita
"Kailangan po sya pasukan ng hose na may camera para madetect kung may bukol, sugat o kung ano man sa tiyan nya." - Doctor
"San po padadaanin yun?" - Tita
"Sa bibig po mam. Saglit lang po yun at may anaesthesia naman po." - Doctor
"Sige po, sabihin ko nalang po sa papa nya salamat po." - Tita
At binalik na ko sa kwarto ko ng nakawheelchair dahil sa panlalambot ko. At bukas endoscopy naman ang gagawin sakin. Bawal pa rin akong kumain at uminum dalawa na ang dextrose ko buti nalang nakakonekta nalang sa una.
CALLING ... KUYA!
"Kailangan daw sya maendoscopy bukas." - Tita
"Sige, gawin na lahat para gumaling na sya." - Kuya
Marami na ang nakaalam ng lagay ko at marami na ang nagtetext na magpagaling ako.
KINABUKASAN
Dinala ako sa Operating Room tulad kahapon nakawheelchair pa rin ako. Nagsimula na ang endoscopy may anaesthesia man ramdam ko pa rin ang pagtama ng matigas na bagay sa lalamunan ko. Natapos ang endoscopy na umiiyak ako at sobrang nanlalambot kaya dinala ako sa kwarto ko ng nakahiga nalang at nanginginig.
Pahinga nalang ang ginawa ko buong maghapon, saksak ng gamot sa dextrose ko, inom ng gamot at ng pinayagan na kong kumain nagpabili ako sa tita ko ng fries, burger at prutas agad naman silang bumili.
PAHINGA PAHINGA
Bukas pwede na daw ako makauwi.
KINABUKASAN
Nakauwi na kami sa bahay pero pinapakain nila ko ng maraming prutas ako naman kain ng kain.
Kaya ng dahil sa nangyari sakin hindi ko naenjoy ang summer vacation ko dahil buong summer nasa loob lang ako ng bahay. -__________-
Eh? Sa pagbabalik eskwela ko kaya bilang second year student? Anu-ano kaya ang mga magagandang mangyayari? Tuluyan na ba akong mahuhulog sa isang babaerong lalaki o makakayanan kong pigilan ang namumuong feelings ko para sakanya? Aasa ba ako sa wala o mamahalin nya ako? ^_^
BINABASA MO ANG
A boyish girl met a playboy
Teen FictionMagbago kaya ang dating boring na buhay ni Allysa Sanchez na puro pag-aaral ang inaatupag? Eh, ngayong college kaya sya sinu-sino kaya ang makikilala at makakasama nya. At syempre anu-ano kaya ang mangyayari sakanya lalo na kapag nakilala nya ang ba...