Dahil next week ay gradution preparation na kailangan na namin maayos ang mga dapat namin gawin. :))
Ngayon ay ang pagluluto namin. Syempre nanjan na naman ang BUDGET DITO, BUDGET DUN.
SA KITCHEN
LUTO DUN, LUTO DITO lahat kami busy at ng huli na nagkulang ang pagkain dahil pinapak nila pero ang nangyari may narinig akong bulong ng kaklase ko.
"Hindi naman ako yung may hawak ng pera bakit ako sinisisi nyo kung bakit kulang yan"
Tiningnan ko kung sino ang nagsalita at nakita kong si jenny yun, pinilit kong hindi maluha pero mababaw ang luha ko kaya biglang pumatak ang luha ko paglabas nila.
"Ohh, anong nangyari bakit umiiyak ka" - Bea habang nagtataka
"Wala, ok lang ako" - Ako sabay yakap
"Pwede bang wala kwento mo samin ni bea" - Nina
"Ang hirap lang kasi eh, yung magbubudget ka tapos kapag nagkulang makakarinig ka pa ng parang pagsisi sayo yung parang pinaparamdam na kasalanan mo" - Ako habang umiiyak
"Wala ka naman kasalanan eh, ginawa mo part mo higit sa lahat hindi ka nagkulang kasalanan din nila yun kung hindi nila pinapapak yung pagkain edi sana hindi nagkulang" - Bea
"Ayoko na, hindi na ko maghahawak ng pera nyo bahala na si Sir Thirdy dun basta ayoko na talaga" - Ako habang umiiyak pa rin
"Sino ba nagsabing kasalanan mo? Sino ba?" - Nina
"Hindi naman nya sinabi narinig ko lang, hindi ba nya alam na nandito ako sana hindi na nya pinarinig sakin" - Ako sabay labas
Pero hindi ako tumuloy sa paglabas dahil andaming tao sa labas ayokong makita nila akong umiiyak kaya bumalik ako ng room at dun nalang umiyak na parang bata. At pumasok ang gang sa kitchen pero wala si jk at naabutan nila akong umiiyak kaya.
"Ohh, bakit allysa bakit ka umiiyak? Sino nagpaiyak sayo?" - Mike na nagtataka
"Ahh, wala ok lang ako" - Ako
"Ok? umiiyak bakit nga" - Mike
"May sumisisi kasi sakanya kung bakit nagkulang yung pagkain" - Bea
"Hindi naman na nya kasalanan yun ah, pagod na nga sya sa pagbubudget" - Mike
At may pumasok pero hindi ko na tiningnan, at lalabas na ako dapat kahit maraming tao pero nakita kong papasok si Sir Thirdy kaya pumasok ako ulit at umupo sa tabi na hindi mapapansin na umiiyak ako at biglang may nagsalita.
"Bakit ka umiiyak?" - Jk sabay hawak sa balikat ko
"Ah, wala ok lang ako" - Ako
"Bakit nga kasi sabihin mo na" - Jk
At biglang pumasok si Sir Thirdy at tiningnan ko si mike para hindi na sana nya sabihin ang pag-iyak ko pero mali ako.
"Sir, si allysa po umiiyak" - Mike
"Bakit?" - Prof Thirdy
"Sinisisi daw po kasi sya kung bakit kulang yung pagkain ngayon" - Mike
Pinipigilan kung umiyak dahil tiningnan nya ako sabay sabi ng..
BINABASA MO ANG
A boyish girl met a playboy
Teen FictionMagbago kaya ang dating boring na buhay ni Allysa Sanchez na puro pag-aaral ang inaatupag? Eh, ngayong college kaya sya sinu-sino kaya ang makikilala at makakasama nya. At syempre anu-ano kaya ang mangyayari sakanya lalo na kapag nakilala nya ang ba...