Eto na! College na ko! Hay! Sa wakas konting panahon nalang matatapos na ko sa pag-aaral. Ako nga pala si Allysa Sanchez, 16 years old pero mukang elementary dahil sa maliit daw ako. Nandito kami ngayon sa Asia Pacific University kung saan kami mag-aaral ni chichi. Buti nalang pareho kami ng papasukan ng University ni chichi. Sya ang Highschool classmate ko, di na masama dahil may kakilala naman na ako dito kahit na isa. Napili ko ang Asia Pacific University, dahil mataas ang expectation ko sa University na'to. Naiisip ko pagkatapos ko mag-aral may work agad kami dahil isa sa mga kilalang University ang pinasukan ko. Private ang Asia Pacific University halata naman di ba? Pangalan pa lang kabog na! Pero, syempre pagprivate konti lang ang mga nag-aaral dahil may kamahalan lang tuition fee. Ewan ko ba, nung sinabi ko kay papa na dito ko gusto mag-aral agad agad naman syang pumayag. Syempre ako naman grab agad sa opportunity mahirap na, baka magbago pa isip ng papa ko. Ang bait nya kasi at tiwala naman sakin kaya siguro pumayag.
"Ano tara pasok na tayo sa loob?" - Chichi
"Teka lang! *HINGANG MALALIM* TARA!" - Ako
Pagbukas ko ng pinto kung saan ang klase namin, nagulat ako ang dami ng tao sa loob. As in ganto oh! O_O sobra kong nahiya kaya sabay atras.
"Chichi ikaw na mauna pala :)))" - Ako
"Ohh? bakit? -.-" - Chichi
"Wala lang, type ko lang paunahin ka sige na, dali!" - Ako
Binuksan ni chichi yung pinto, ang gaga agad agad pumasok walang hiya talaga eh. Pero, mabait sya kahit ganun at pumasok na din ako at naupo. Dahil first day syempre halos lahat paanghel pa, ganun naman sa lahat. Magkahiwalay kami ni chichi ng upuan kaya tiningnan ko sya, pagtingin ko may kausap na agad syang dalawang lalaki. Pero nakakaagaw ng atensyon yung isang lalaking kausap nya simple, maamo ang muka at halatang habulin ng babae. Dahil, sa taglay nyang kagwapuhan.
Maya maya at dumating na ang Prof namin at nagpakilala sya.
"Ako nga pala si Angelo Santos III pero pwede nyo kong tawaging Thirdy. Walang problema sakin kung magulo o maingay kayo sa klase ko dahil ayoko ng masyado tayong seryoso dapat masaya tayo. So, tapos ko na maintroduce ang sarili ko kayo naman isa isa dito sa harap. Dahil HRS ang kinuha nyo na ibig sabihin ay Hospitality and Restaurant Services kailangan kayo ay WALANG HIYA." - Prof
Naisip ko ng mga oras na yun dapat talaga walang hiya? Gusto ko tumawa ng malakas pero dahil sa paanghel pa ko ngayong unang araw ginawa ko nalang yun sa loob ko pero ang hirap. :D
At eto na! Nagsisimula na silang magpakilala at nag-aantay nalang ako ng turn ko. Syempre habang nag-aantay ako nakatunganga ako at di nakatingin sa nagsasalita. Mabait si Prof Thirdy mukang makakasundo ko sya sa mga kakuletan at kabaliwan ko. At dahil may nagsalita sa harapan na napakalamig ng boses natigil ang pag-iisip ko. Pagtingin ko si gwapong nilalang pala kaya pinakinggan ko ang mga sinasabi nya.
"Ako nga pala si Jk Reyes, 16 years old, nakatira sa Purple Subdivision. Salamat! :))" - Gwapo
"Miss, ikaw nalang di nagsasalita. :)))" - Prof
Dahil ako nalang pala di nagsasalita tumayo na ko at nagpakilala. Akalain mo yun tapos na pala silang lahat tapos ako walang kaalam alam >.<
Dahil naintroduce ko na kanina sainyo uulitin ko nalang aa.
"Ako nga pala si Allysa Sanchez, 16 years old, nakatira po ako sa Donya Village. Talkative, naughty at friendly po ako. *with a wide smile* :)))))" - Ako
"Ano status mo? Single ka ba?" - Prof
"Ah! ako po? Opo Sir" - Ako sabay yuko
Kinagulat ko na lumapit sakin si Sir Thirdy sabay akbay pakiramdam ko nag-init ang muka ko. -.-
"Ohh! Single daw sya :))))" - Prof
Ang iba walang reaksyon, ang iba naman nakangiti lang. Pagkaalis ng kamay ng Prof ko umupo na ko pero bago ako umupo tiningnan ko si gwapong nilalang. Grabe! Kailangan bulgaran talaga yung pagiging single ko tsk! >.<
Single ako dahil sa panget ako, di naman ako nag-aayos kasi ng sarili ko at higit sa lahat nakasalamin ako na parang matanda. Dahil kailangan dahil malabo na ang mga mata ko. -_______-
"So, tapos na ang lahat sa pagpapakilala ayan muna para ngayong araw pwede na kayong umuwi at bukas makikilala nyo na ang ibang Prof nyo. Ingat kayo! :))))" - Prof
Nakasakay na kami ni chichi ng jeep para umuwi ng bigla kong maalala na may kausap sya agad kanina.
"Oy chichi, sino yung dalawang kausap mo kanina? Grabe! may kaibigan ka agad tibay mo talaga! HAHAHAHAHA :D" - Ako
"Ah! si mike at jk?" - Chichi
"Oo sila nga, bat kilala mo sila agad? nakipagkilala ka?" - Ako
"Oy! baliw! hindi no! kilala ko talaga sila dahil bago ako magtransfer sa St. Dominic Academy naging kaklase ko sila sa San Jose Highschool." - Chichi
"Ah! Ganun pala, sige sabi mo eh! Pero ikaw na! Gwapo nung isa. :))))" - Ako
"Sino? si jk no? bakit type mo?" - Chichi
"HALA! GRABE! sinabi ko lang gwapo type agad?" - Ako
"Eh bat ganyan reaksyon mo? Guilty? HAHAHAHAHA" - Chichi
"Oy! gaga malapit ka na baka lumagpas ka pa nyan" - Ako
"Sa kanto lang po manong, para po." - Chichi
"Ingat ka chi at baka madapa ka jan HAHAHAHA :D" - Ako
"Baliw! Ingat ka rin. :))))" - Chichi
Naglalakad ako pauwi sa bahay namin ng bigla kong maisip si jk.
Allysa's POV:
Unang araw pero may nakaagaw agad ng atensyon ko. Pero, ganun ba talaga kapag may itsura ay este gwapo pala? antipid magsalita? Hay! bakit ko ba iniisip mokong na yun. ERASE! ERASE!
Nakarating din sa wakas makatulog nga muna.
3hours later!
Nagugutom ako, kain muna nga ko. Naupo ako pero naisip ko na naman si jk. Hanep! OA ko naman anu sya si ABRA? Isang ngiti lang nagayuma na ko? HAHAHAHAHA muntanga lang ako. :D
Ano kaya mangyayari bukas? EXCITED AKO! HAHAHAHA (anlandi anu fo?)
BINABASA MO ANG
A boyish girl met a playboy
Fiksi RemajaMagbago kaya ang dating boring na buhay ni Allysa Sanchez na puro pag-aaral ang inaatupag? Eh, ngayong college kaya sya sinu-sino kaya ang makikilala at makakasama nya. At syempre anu-ano kaya ang mangyayari sakanya lalo na kapag nakilala nya ang ba...