BACK TO NORMAL na naman ang buhay ko pagkatapos nung sa heaven resort para na naman kaming hindi magkakilala. Ano pa nga ba edi nagkakailangan kaming dalawa dahil sa nangyari hindi naman kasi sya lasing nun nakainum lang sya. Kaya mas minabuti kong hindi nalang din sya pansinin ng tuluyan nagtatampo ako dahil answeet nya nun pero ngayon parang wala lang. Bakit nga ba ang big deal sakin ng ginawa nya sweet naman sya sa kahit sinong babae di ba nga playboy sya. HAHAHAHA :D
KINABUKASAN SA SCHOOL
Ang dark plan ko ay hindi ko pa rin sya papansinin manigas sya may gagawin kaya yun?
LUTO LUTO pagkatapos naglinis na tapos wala ng gagawin. Dahil nauna grupo naming natapos, umupo ako sa sulok habang nakapatong ang paa sa upuan at nagheadset. (Siga ng dating di ba? HAHA) Pero napansin kong lakad sya ng lakad sa harap ko at ang mas kinabuset ko winisikan nya ko ng tubig sa muka. (buset di ba?) Gusto kong pansinin nya ko pero hindi para busetin hindi ko sya pinansin kaya nagtuloy pa rin sya sa palakad lakad sa harapan ko ng pabalik balik.
Naaasar na ko sakanya ng totoo. >//////< Kaya nung tinabig nya yung upuan.
"Ikaw! ano ba problema mo ah nananahimik ako gulo-gulo mo lakad ka pa ng lakad jan!" - Ako pasigaw
Nagulat yata sya sa ginawa kong pagsigaw sakanya kaya tumigil sya at ako bumalik sa pagkakaupo at tinext ko kapatid nya.
To: Jacob
Jacob!
Jacob:
Bakit? May problema ba?
Me:
Kuya mo papansin lakad ng lakad sa harapan ko. Ganto ba to sa bahay nyo?
Jacob:
Hindi naman pansinin mo na kasi.
Me:
Ayoko nga buset sya eh.
Jacob:
Pansinin mo na sayo lang nagpapansin ng ganyan yan eh.
Me:
Bakit sa bahay nyo ba hindi papansin to ng ganto? EPAL nya eh!
Jacob:
Hindi nga, kaya pansinin mo na sya. :)))
Me:
Ano naman sasabihin ko sa mokong na'to naku! bahala nga sya mapagod.
Jacob:
Alam ko namang may relasyon kayo eh.
Me:
Ano? relasyon? Sino may sabi?
Jacob:
Secret! Alam ko naman mapapatino mo sya eh tiwala ko sayo. :)))
Me:
Ano ba pinagsasabi mo jan? relasyon? may sinasabi ba kuya mo sayo? Tyaka bakit ko papatinuin to? Tyaka di ko kaya kuya mo no! wala na pag-asa to baliw na'to eh.
Jacob:
Basta kaya mo yan.
Me:
Ay naku! ano ba sinasabi ng kuya mo sayo?
Jacob:
Basta nga. :))))
- END OF CONVERSATION -
Dahil sa inis ko sakanilang dalawa lalo ako nawala sa mood. Ano alam nila na di ko alam? At ano pinag-uusapan nila tungkol sakin?
Uwian na! May luto na naman kami bukas ay bake pala yun.
"Allysa?" - Bea
"Uhmmm?" - Ako
"Si jk nagpapapansin sayo kanina ah." - Bea
"Ay buset sya kaya ko sya nasigawan eh. HAHAHAHA pero ayos yun tumigil naman sya." - Ako
"May nangyari bang hindi maganda sa heaven resort kaya kumukulo dugo mo?" - Bea
"Ahh, wala naman nasa kwarto lang ako nun hindi din ako nagswimming." - Ako
"Ay nyek! Parang tumambay ka lang ah." - Bea
"Parang ganun na nga." - Ako
Absent si nina kaya kaming dalawa lang nagsabay umuwi.
KINABUKASAN
Bake nga pala namin ngayon gagawa kami ng donut. Sana maging okay, hindi ko nalang ulit papansinin si jk.
SA KITCHEN
Nagmamasa na kami ng dough para sa gagawing donut ng biglang may bumato sakin ng kapirasong dough na pabilog pagtingin ko si jk na naman. BUSET! >/////<
"Bakit mo ko binato?" - Ako
"Wala lang gusto ko lang HAHAHAHAHA :D" - Jk
Tawa sya ng tawa para syang baliw kahit masakit na tiyan nya kakatawa kaya ang ginawa ko.
"Ah! ayan gusto mo ah sige pagbibigyan kita." - Ako
Nilagyan ko ng harina mga kamay ko tyaka ko sya hinabol kaya nakarating kami hanggang baba ng building ng Asia Pacific nakasalubong pa namin kapatid nyang si jacob pero hindi namin pinansin at nung tumigil sya hindi nya alam na nasa likod nya nako. Dahil black pants nya dinikit ko dun ang kamay ko kaya namuti tyaka ko tumakbo pabalik sa room. (ambad ko HAHA)
Nakasalubong ko ulit si jacob kaya nang-asar sya.
"Oyyyy! ang sweet nyo ah." - Jacob habang naka *evil smile*
"Baliw! binato kasi ako ng dough ng kuya mong abno kaya hinabol ko gumanti lang ako." - Ako
"Naku! maniwala HAHAHA" - Jacob
"Naku! bahala ka ayaw mo maniwala sakin jan ka na nga." - Ako
At bumalik na ko sa room.
Allysa's POV
Hinabol ko sya? Eh! dapat hindi ko sya papansinin >.< Pero wala eh, kailangan ko gumanti sakanya kaya kahit makarating kami sa baba hinabol ko sya kahit pagod na ko. Pero napagod din yata sya at tumigil na sa pagtakbo pero kinagulat nya yung ginawa ko sa black pants nya ang buong akala ko magagalit sya. Si jk ay may pagkadragon na moody masungit na kala mo menopause na lalaki madalas kasi mainit ang ulo nun sobrang dalang ngumiti pero kapag nantrip sobra at kapag nambola talagang kikiligin ka.
Jk's POV
Binato ko sya para pansinin nya ko akala ko nga kahit binato ko na sya hindi nya pa rin ako papansin pero hinabol nya ko at nakarating kami sa baba ng building. Pero kinagulat ko na ginawa nya nilagyan nya ng harina ang black pants ko ang masama pa tinakbuhan ako pagkatapos nya gawin yun. Pagkaalis nya akala ko magagalit ako dahil sa ginawa nya pero hindi automatic na napangiti ako na parang baliw. Pero siguro kung ibang babae yun baka nagalit na ko pero bakit nung sya may gawa hindi ako nakaramdam kahit inis man lang. Naguguluhan na ako sa sarili ko bakit kaya ako nagkakaganito?
At natapos na naman ang araw ko sa eskwelahan, sa totoo lang masaya ako, sobrang saya.
BINABASA MO ANG
A boyish girl met a playboy
Teen FictionMagbago kaya ang dating boring na buhay ni Allysa Sanchez na puro pag-aaral ang inaatupag? Eh, ngayong college kaya sya sinu-sino kaya ang makikilala at makakasama nya. At syempre anu-ano kaya ang mangyayari sakanya lalo na kapag nakilala nya ang ba...