Christmas party namin ngayon at syempre tulad ng sinabi ko kela bea at nina nakapants at white shirt nga ako at syempre ang paborito kong converse. Tama na rin sakin ang nakatali ang buhok dahil mainit kapag nakalugay. Relo, singsing at hikaw lang din ang suot kong burluloy sa katawan at syempre wala akong make-up tamang polbo lang ako kapag nag oily na ang muka ko.
Marami na ang tao sa Hotel Roof Top kung saan kami magcchristmas party ngayon. Habang inaantay ko sila bea at nina inaantay ko din si jk dahil gusto ko makita kung ano ang suot nya.
Hanggang sa dumating na sila hindi ko man lang nasilayan si jk. Pumasok na kami nila bea at nina dahil magsisimula na rin naman ang party. Kahit anong klase talaga ng party wala akong hilig dahil di ba isa lang akong dakilang estudyante nung highschool ako na nag aadjust ngayong college na.
Allysa's POV
Pupunta kaya si jk dito sa christmas party? Bakit wala pa sila ng gang nya? Masyado ko na iniisip lalaking yun tama na kalokohan ERASE! ERASE! Pero gusto ko sana makita kung anong porma nya ngayon? Pero alam ko naman na kahit ano isuot nun bagay sakanya.
Naging maayos naman ang pagdaloy ng christmas party namin. Merong sumasayaw, kumakanta, at mga bandang tumutugtog. Nagpresent din ang mga Prof namin ng special number para saming mga Asia Pacific students. Naging masaya, pero talagang hinahanap ng mga mata ko sila jk pero lagi akong bigo na makita sila. >.<
"Oy! lingon ka ng lingon may hinahanap ka ba?" - Bea
"Oo nga, kanina ka pa namin napapansin na parang may hinahanap ka? ano ba yun? o sino ba yun?" - Nina
"Ah! Hinahanap? wala akong hinahanap tinitingnan ko lang mabuti tong place natin ang ganda kasi ng pagkakaayos eh di ba?" - Ako
"Ah! Sure ka wala kang hinahanap? tutulungan ka na namin ni nina." - Bea
"Sure talaga ako wala akong hinahanap. :))))" - Ako
Hindi ko masabi sakanila na talagang may hinahanap ako. Alam kong mababait sila at talagang tutulungan nila ko pero asahan mo may pang-aasar, ganyan naman ang totoong kaibigan eh. BULLY! pero totoo sila sayo hindi sila katulad ng iba na nakikipagplastikan lang. GAWANG FACTORY BA TEH? HAHAHAHA :D
Natapos ang christmas party na lungkot na lungkot ako dahil sa hindi ko sya nakita. Pero hindi ko inaasahan na paglabas pala namin eh nandun na sila nauna silang nakalabas ibig sabihin nasa likod sila nagtago ba sila o sadyang malabo na talaga mata ko lalo na wala akong suot na salamin.
At mas kinagulat ko ng tawagin nya ko at ayaing magpapicture.
"Allysa! may camera ka? papicture tayo." - Jk
Hindi nya na ko inantay pang sumagot at hinatak nya na ko sa kamay na mas kinakilig ko.
"Nasan camera mo?" - Jk
"Eto oh!" - Ako *with a wide wide smile na abot tenga*
"Oy! Mike picturan mo nga kami ni allysa." - Jk
"Sige, pose na kayo." - Mike
Higit sa lahat ang mas kinagulat at kinainit ng muka ko eh ang pag-akbay nya sakin. (SUPER DUPER KILIG SAGAD GANG BONES HAHA)
"1, 2, 3 SAY CHEESE! CLICK!" - Mike
"Patingin! patingin! baka panget naman kuha namin." - Jk
"Ayos naman pre." - Mike
"Pre, ampanget ulitin mo isa pa dali! Allysa isang kuha pa ah panget ng kuha ni mike eh." - Jk
At ako para lang akong istatwa na nakatayo kung san nya ako iniwan para puntahan si mike at automatic na tumango lang pagkasabi nya ng isa pa.
"Ok, 1, 2, 3 SAY CHEESE! CLICK!" - Mike
"Ohh! patingin nga ulit baka panget na naman." - Jk
Nagpapicture kami sa pangalawang pagkakataon hindi ko akalain na ang simula umpisa ko pa hinahanap eh pagkatapos ko pala makikita at aayain pa ko magpapicture.
"Ayos na, pareho na kayong nakangiti." - Mike
"Sige na nga, ok na yan, allysa tara tingnan mo." - Jk
"Ayos naman pala kuha eh, maski yung una. Sige ah una na kami kayo ingat kayo." - Ako
Pauwi na kami nila bea at nina ang hirap na makasakay dahil late na natapos ang christmas party namin akala namin pare-pareho kami sa terminal matutulog. HAHAHAHA
"At may papicture picture pa talaga kayo ni jk ah! Yiiee!" - Bea
"Anong kababalaghan yan ah allysa?" - Nina
"Hoy! kayong dalawa nga, magtigil kayo inaya lang ako nung tao magpapicture. Kung anu-ano agad naiisip nyo jan -________- bawal na ba yun ngayon?" - Ako
"Bawal dahil ikaw lang inaya nya magpicture kami hindi. -.-" - Bea
"At ang kamay may paakbay akbay pa sayo. Bea, di ba nakita natin yun?" - Nina habang naka *evil smile*
"Of course yes nakita natin yun alam mo naman ang mata natin parang telescope pagdating dito sa kaibigan nating si allysa boyish yan pero satin pa rin sumasama." - Bea
"Naku! issue na naman kayong dalawa jan umuwi nalang tayo dahil ayoko matulog sa terminal." - Ako habang pag-iiba ng usapan
At finally, nakauwi na din kami ng safe sa mga bahay namin.
Allysa's POV
Grabe kanina pakiramdam ko sobrang nag-init ang pisngi ko higit sa lahat parang may fireworks sa loob ko na anytime gustong sumabog lakas ng pagkabog ng puso ko DUG DUG! DUG DUG! HANEP KASI! May akbay akbay portion pa lalaking yun hindi ko tuloy nagawang ngumiti sa unang picture dahil para kong natulala at naging istatwa. Bat ganun? Bakit parang ang lakas ng epekto sakin ni jk? Ano ba tong nararamdaman ko na to? TSK! >.<
Jk's POV
Maganda naman kuha namin sa unang picture pero bakit gusto ko sya maakbayan ulit? Parang ang gaan ng pakiramdam ko kapag nakikita, nakakatabi, at nakakausap ko sya lalo ng inakbayan ko sya sobrang saya ko. Nag-uumapaw ang puso ko sa saya ang gaan gaan sa pakiramdam. Sinadya ko lang na ipaulit yung pagpicture samin dahil natuwa ako sakanya halatang gulat na gulat sya na inakbayan ko sya ng walang paalam.
Alam mo yung pakiramdam na matutulog nalang pero ang ngiti ko SHINE BRIGHT LIKE A DIAMOND! SUPER DUPER KILIG! *^_^*
BINABASA MO ANG
A boyish girl met a playboy
Teen FictionMagbago kaya ang dating boring na buhay ni Allysa Sanchez na puro pag-aaral ang inaatupag? Eh, ngayong college kaya sya sinu-sino kaya ang makikilala at makakasama nya. At syempre anu-ano kaya ang mangyayari sakanya lalo na kapag nakilala nya ang ba...