chapter 39

2.9K 95 4
                                    

Tin

"Pinauwi nyo ako para lang mamasyal sa park?!!"inis kong tanong

"Hindi naman may gagawin lang tayo kaya wag ka ng magreklamo,"si Cathy

"Hay naku kung gusto nyo mamasyal dito ibigay nyo sakin yung mga tali nyo."

"Ano kami aso?"si Aki

"Ay hindi ba?mukha ka kasing aso,"sambit ko

"Cathy pigilan mo ako baka bigla kang mawalan ng kapatid!"baling ni Aki kay Cathy

"Magsitigil nga kayong dalawa dyan!"sigaw ni Cathy na tila may hinahanap na kung ano."Aki samahan mo nga ako,"pahabol nito

"Saan?"tanong ni Aki

"Basta,"si Cathy

"Sige,"si Aki at akmang aalis na ang dalawa

"Hey iiwan nyo ako?"tanong ko

"May pupuntahan lang kami saglit babalikan ka namin agad,"si Cathy

"Ayoko maiwan dito baka mapano pa ako."reklamo ko

"Naku wag kang mag-alala Tin walang lalapit sayong kahit na sino."si Aki

"At bakit naman?"

"Bukod sa mukha kang walang pera,mukha kapang kahoy kaya dont worry hahahahaha,"pang aasar ni Aki

"Ako mukhang kahoy?o sige papayag ako basta ikaw mukhang ugat ng punong kahoy kaya dont worry din hahahaha,"

"Enough!Tin babalikan ka namin dyan okay saglit lang to maupo ka dyan at hintayin kami."si Cathy

"Okay okay,"napilitan kong sagot at mabilis na umalis ang dalawa

"Ano ba kasing meron?nakakainis nag'eenjoy na ako sa pagmomall e,"pagkausap ko sa sarili pero ang ikinagulat ko ang paglapit ng isang batang may dalang isang pirasong bulaklak at iniabot sakin."hi baby girl akin nalang to?"tanong ko sa napakacute na batang lumapit sakin

"Opo babye,"sambit nito at agad na tumakbo naiwan akong napaisip pero natutuwa.Ilang saglit pa ay may lumapit na namang bata na may dala ulit na bulaklak."Akin ulit to?"tanong ko at isang tango lang ang nakuha ko at mabilis na umalis sa harapan ko ang isang batang lalaki."Weird,"sambit ko.Ilang minuto lang ang lumipas naulit ng naulit ang pag-abot sakin ng bulaklak ng mga bata na umabot na yata sa dalawampung piraso na bulaklak ang meron ako.Hanggang may isang bata na may dalang bouquet of flowers ang lumapit sakin.

"Ate Tin para sainyo po,kayo po ang pinakamagandang unggoy sa balat ng lupa."sambit ng bata.Naghalo ang tuwa at medyo inis dahil hinalintulad nya ako sa unggoy.

"Baby kanino galing tong flowers?"mahinahon kong tanong

"Hindi ko po alam Ate bigay daw namin sayo."sagot nito at agad na umalis.Naiwan akong napapaisip

"Mukha ba akong walang pambili ng bulaklak?o baka pinagtitripan ako ng dalawa tsk,"pagkausap ko sa sarili ko pero tila may note na nakaipit sa huling bulaklak na ibinigay.

-Follow your heart someone is waiting..-yan ang nakasulat kaya napalingon ako sa paligid ko para siguraduhin kung may ibang tao dun.Napansin ko naman ang isang arrow sign na tila may tinuturong direksyon kaya sinubukan ko itong sundan.Napatigil ako sa lugar kung san may nakasulat na kung ano at isa pang arrow sign na sinusundan ko."Ikaw man ang pinakaweird na taong nakilala ko,ikaw naman ang tumatak sa puso ko".Matapos basahin ay agad ko namang pinuntahan ang sumunod na itinuturo nitong direksyon."Parang di ko kayang maging ako kung walang tulad mo".Puno na ng tanong at pagtataka ang isip ko pero tila may kakaibang sensasyon akong nararamdaman,tinungo ko naman ang sumunod na direksyon."Eto na ang huli,ikaw ang lahat sakin Tin simula noon hanggang bukas,di ako tumigil sa pagmamahal sayo hindi tumibok ang puso ko sa iba maliban sayo dahil ikaw parin ang sinisigaw at hinahanap ko.Mahal kita Celestine oo man o hindi,puwede man o bawal ikaw lang ang babaeng gugustuhin at mamahalin ko habangbuhay kahit sa nextlife ko pa...im right here waiting for you.."Tila alam na ng puso ko kung sino at san ito galing pero di makapaniwala ang isip ko kung sakanya nga ba to o sya ba talaga ang gumawa nito.Di ko na mapigilan ang lumuha dahil bumalik sa alaala ko ang taong minsan nagsabi na sakin ng ganito.

Change For Love (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon