Leeane
"San ka nagpunta nung nakaraang araw Pare?"tanong ni Ken habang nagdadrive
"Kina Tita lang Pare,"mahina kong sagot
"May problema kaba?"seryosong tanong nito
"Wala naman,bakit?"
"Sa lahat ng tao ako pa lolokohin mo ah,"si Ken
"Wala nga Pare,ikaw talaga,"
"Pag di mo sinabi yan bahala ka mauutot ka dyan at makukulob dito sa sasakyan,mamamatay tayong parehas."biro nito na kinatawa ko
"Ikaw talaga alam na alam mo kung paano ako patatawanin."
"Kaya nga kahit na anong tago mo,malalaman at malalaman ko parin yun lalo na kung may pinagdadaanan ka."
"Ikaw na talaga,"sagot ko nalang.Ikinagulat ko naman ang pagpark ng sasakyan ni Ken sa isang magandang park na nadaanan namin.
"Bakit tayo andito Pare?"tanong ko
"Magkukuwentuhan tayong magbestfriend,maaga pa naman oh tsaka okay lang naman malate tayo akong bahala sayo"masayang aya nito.Bumaba naman ako ng sasakyan at naglakad lakad sa park na iyon bago kami magpasyang maupo sa isang bench na naroon.
"So ano na nga ba ang nakakaligtaan ko sa Pare ko?"nakangiting tanong sakin ni Ken
"Wala naman Pare,"
"Wag na kasi maglihim bestfriends tayo oh"sambit nito.Tinitigan ko lang si Ken sa mga oras na yun."Oh bago ka magkuwento gamitin mo yan o kaya dito ka nalang"sambit nito pagkatapos iabot ang panyo at tapikin ang balikat nya.Humilig nalang ako sa balikat nya.
"Pare..?"tawag ko dito
"Oh,"
"Sorry kung palagi nalang kayo ni kuya ang iniiyakan ko,feeling ko tuloy para kayong mga tissue,"
"Koreksyon Parekoy,di kami tissue dahil di mo kami puwedeng itapon pagkatapos mong iyakan o singahan,dahil kami ay parang panyo na pagkatapos mong gamitin at labhan andito na ulit kami"paliwanag nito
"Ewan ko sayo,ang dami mong alam Pare"sambit ko
"Sige ikuwento mo na yan at alam kong anytime e iiyak kana"sambit nito.Ilang minuto rin nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Pare,matatanggap mo paba ako pag may nagawa akong alam mong mali?"seryosong tanong ko habang nakahilig parin sakanya
"Depende siguro sa pagkakamali Pare..pero alam mo namang kahit anong pagkakamali yan o kahit gaano pa kabigat yan alam mong tatanggapin parin kita at di iiwan"seryosong sambit nito.Unti unti namang pumatak ang mga luha sa mga mata ko sa mga oras na yun at hinayaan lang ako ni Ken na humilig sakanya.
"Pare..."tawag ko dito sabay sa pag-angat ng ulo ko at tumingin sakanya
"Sige lang Pare,"nakangiting sambit nito sakin habang pinapahid ang luha ko
"Mahal ko si Akira,pero di ko naman sinasadya,di ko rin alam bakit pero naramdaman ko sakanya ang word na "Love".Alam kong mali pinilit ko namang pigilan pero wala e lalo lang lumalim."naiyak ko ng sambit habang hawak ang kamay ni Ken ngunit tahimik lang ito na may mababasang lungkot sa mukha.
"Sige lang Pare sabihin mo ng lahat."seryosong sambit nito
"Di ko naman gustong itago sayo ng matagal to,alam mong sa lahat ng tao ikaw ang gusto kong unang makaalam sa lahat ng nararamdaman o sa nangyayari sakin,pero naunahan ako ng takot Ken,natakot ako sa magiging reaksyon mo ayokong mawalan ng katulad mo kaya pinili kong sarilinin lahat to kahit mahirap na maisip na parang araw-araw akong nagsisinungaling sayo.Ngayon nararanasan ko ang sakit na kasama ng pagmamahal sakanya parang di ko na kakayanin kailangan kita Ken..so-sorry"hikbi kong paliwanag.Nagulat naman ako ng marahang ihilig ni Ken ang ulo ko sa balikat nya
BINABASA MO ANG
Change For Love (girlxgirl)
RomanceThis is the story of when Ms.Manang(Leeane Mendez) meets Ms.Perfect(Akira Dela Vega).Anong Love story ang mabubuo sa pagitan nila.?!Lets see guys!