chapter 37

3.7K 108 12
                                    

Aki

"Nagutom ako bigla sa pambubugbog sakin ni Tin kain muna tayo?"aya ni Cathy

"Bagay lang sayo yun,"si Tin

"Tara na at baka mag-umpisa na naman kayo tsaka wala pa naman atang teacher na sisipot satin ngayong araw."sambit ko.Nagmadali naman kaming lumabas para kumain muna sa canteen pero habang papunta dun ay may isang babaeng umagaw sa pansin ko na papunta sa direksyon namin.

"Ang ganda nya noh?"si Tin

"Huh sino?"tanong ko

"Maang-maangan kapa e kulang nalang pasukan ng insekto yang bibig mo sa pagtingin sakanya,"

"Tigilan mo ako Tin napatingin lang ako kasi mukhang ngayon ko lang sya nakita sa school."sagot ko

"Hooo!ang sabihin mo basta maganda napapansin mo agad talaga,"pang-aasar ni Tin

"Tseh!"sambit ko

"But she looks familiar?"singit Cathy

"Kilala mo Cathy?"tanong ko

"Parang nakita ko na sya pero di ko alam kung san,"sagot naman nito

Tinititigan ko parin ang babaeng palapit na sa direksyon namin na tila nahihiya dahil di nito masyadong maiangat ang mukha nya pero kung tutuusin para syang dyosa sa ganda,yung mga nagpapractice nga sa malapit na court napapatigil para lang makita sya.Di nya napansin na may naglalaro ng Volleyball malapit sa dinadaanan nya kaya di ko inasahan ang sumunod na nangyari..tinamaan sya ng bola sa mukha kaya tumumba sya,agad naman akong tumakbo pero mas maraming nauna saking tulungan sya kaya bago pa ako makalapit ay nadala na agad sya sa clinic.

"Too slow baby,"pang-aasar sakin ni Tin habang nakain

"Shut up Tin!"sambit ko

"E bakit pa kasi tumakbo ka dun?ang dami namang taong malapit sakanya,"mapang-asar na tanong nito

"Alam mo Tin ang katangahan minsan hinihiwalayan yan wag mo namang iforever yung sayo,alangan namang di ka tumulong sa taong kailangan ng tulong lalo na kapag nakikita mo o nasa harapan mo."paliwanag ko

"Okay sabi mo e,"natatawang sambit nito

"Tumigil na kayo,pag-untugin ko kayong dalawa dyan!"si Cathy na parang abala sa pagbabasa ng kung ano sa phone nya

"Whats that?"seryoso kong tanong dito

"About the Quijanos,"sagot naman nito

"Anong meron sa mga Quijanos?"tanong rin ni Tin

"Andito narin pala ang nag-iisang anak ng mga Quijanos and ang nakakagulat sila pala ang kabusiness partner ng mga Altamirano sa school na to."pagpapaliwanag ni Cathy

"Oh i see,"sambit ko nalang

"Have you met her before?"tanong ni Tin kay Cathy

"No,but i've heard alot about her and i really find her interesting."sambit nito

"Natotomboy ka narin Cathy?"seryosong sambit ni Tin

"You stupid brat,what i mean is i find her interesting because of the good things she has done all over the business community of her family."inis na sambit nito.

Tahimik lang akong nakatulala habang iniisip parin ang nangyari kasama ang babaeng nakita ko kanina."Why i feel the same thing to her like i used to feel with the one i loved before?" bulong ng isipan ko

"Hoy Akira,akira!"rinig kong tawag ng isang boses sakin pero di ko inintindi ng bigla ko nalang naramdaman ang pagbatok sakin ni Tin.

"Ano ba Tin?!"inis kong sambit

Change For Love (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon