chapter 29

6.6K 156 19
                                    

Leeane

Mabilis na lumipas ang araw at bukas na ang araw na pinakahihintay ko....

“Oh kamusta ang lakad nyo ni Ken kahapon?”tanong ni Kuya Ali habang nag-aalmusal

“Okay naman kuya sobrang enjoy kami!”masayang kong sambit

“Mabuti naman!”

“Sobrang okay na ulit kami,lagi kasi nag-iinarte tsaka may pagkaseloso yung lalaking yun!”sambit ko

“Baka may gusto sya sayo?”

“Huh?”nagpapatawa kaba kuya?”

“Mukha ba akong nagjojoke?”

“Kuya talaga,”

“Alam mo kasi Little Sis kaming mga lalaki di naman magseselos ng basta kung wala lang samin yung babae.”paliwanag nito

“Ganun naman talaga na si Ken dati pa kahit nung mga bata pa kami”

“Malay natin,tinatago lang ni Ken yung feelings niya sayo kasi ayaw nya masira yung friendship nyo?”

“Ewan ko nga sayo Kuya,kinikilabutan ako sa sinasabi mo..ako at si Ken ewww!”sambit ko

“Ang gaaaandddaaaaaa mo hahaha!”biro nito

“Ewan,”

“Maiba tayo,may lakad kaba ngayon?”tanong nito

“Meron kuya may gagawin lang po”

“Sabado?”

“Opo medyo importante lang”

“I see,sino naman kasama mo?”

“Sila Cathy at Tin po,”

“Ah,”

“Bakit Kuya?”

“Wala naman,off ko kasi ngayon ilalabas ko sana yung pinakamaganda kong kapatid kasi medyo matagal tagal ko narin siyang di nakakabonding e!”sagot nito

“Ay kuya,sorry po talaga di ko alam na off mo pala ngayon gusto rin kitang makabonding kaso nakapagcommit na po ako.”malungkot kong sambit

“Okay lang yun Little Sis meron pa namang mamaya,pag maaga ka nalang natapos kakain tayo sa labas at magbobonding!”

“Opo sige kuya!”excited kong sambit

“Oh sya tapusin mo muna yang almusal mo para makaalis kana at makabalik ka ng maaga!”utos nito

Mabilis naman kaming natapos mag-almusal ni Kuya Ali at dumating narin ang mga sundo ko.

“Hi Cathy,Tin!”bati ko sa dalawang nasa loob ng sasakyan

“Hi Baby Leeane,tara na?”yakag ni Cathy na binuksan ang pintuan katabi ng driver seat at agad naman akong sumakay

“Ay,Leeane naiwan mo yung wallet mo!”habol sakin ni Kuya Ali bago ko pa maisara ng tuluyan ang bintana ng sasakyan

“Thankyou kuya,”

“Mag-iingat kayo!”sambit nito at humalik sa noo ko

“Hi Ali?”bati ni Cathy

“Hi Cathy?”nakangiting bati nito.“Si Tin?”tanong pa nito

“Wow kuya close kayo?”

“Oo kaya!”natatawang sambit nito

“Hi Ali..!”si Tin na nasa likod ng driver seat

“Ehem!”ubo ni Cathy

“May ubo ka Cathy?”tanong ko

Change For Love (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon