chapter 12

6.9K 169 0
                                    

Aki

"Ano na naman kaya ang drama ng babaeng yun at pinapunta pa ako dito sa Zambales?"inis kong bulong sa sarili pagkababa ng kotse.May dalawang may edad na babae naman ang papalapit sakin.

"Magandang Gabi po Lady Aki!"bati ng dalawa

"Magandang gabi din po,andyan na po ba sila Cathy?"tanong ko

"Opo,hinihintay na po kayo sa loob."nakangiting sagot ng isa sa kanila.Biglang may alaalang nagbalik sakin dahil sa ngiting yun ng matandang kaharap ko.

"Wait!"nabigla kong sambit."Manang Loida,Manang Len?"tanong ko sa dalawa habang tinitigan ang mukha nilang mabuti.

Isang matipid na ngiti lang ang sinagot nila sakin saka yumuko.

"Kayo nga yan,"natutuwang kong sambit

"Kami nga po Lady Aki."sagot ni Manang Loida tsaka yumuko ulit

"Mga manangs!"sigaw ko at madaling lumapit sa kanila at yumakap."Mga manang namiss ko po kayo talaga."sambit ko habang nakayakap parin sa dalawang matanda.

"Wala ka paring pinagbago Lady Aki?"si Manang Loida

"Manang kapag tinawag nyo pa akong Lady Aki magtatampo na talaga ako sanyo."sabay pout ng lips at banta ko pagkatapos bumitiw sa pagkakayakap sa kanila.

"Asus di ka talaga nagbago La-Aki pala,ikaw parin yung batang inaalagaan namin at alam na alam mo kung pano kami lalambingin at pasusunurin."nakangiting paliwanag ni Manang Len

"Syempre naman po,"sagot ko at yumakap ulit sa kanila"Namiss ko po talaga kayong dalawa."Naramdaman ko naman ang pagganti nila sakin ng yakap.

"Namiss karin namin Baby Aki,"bulong ni Manang Loida na nag-uumpisa ng umiyak dahil nararamdaman ko na ang pagyugyog ng mga balikat nito kaya mas lalo ko silang niyakap ng mahigpit.

"Sssshhhh tama na mga Manangs,andito na ako at babawi ako sainyo."sabay pahid sa mga luha ng mga ito"Halika na nga po sa loob at dun po natin ituloy ang kuwentuhan."aya ko sa kanila.Akbay-akbay ko sila papasok ng bahay,para akong may akbay na mga bata kasi halos hanggang balikat ko lang sila pero namiss ko talaga sila.

Nagkuwentuhan at naglambingan kami nila Manang Loida at Len.Namiss ko yung tumayong mga pangalawang magulang ko tuwing wala si Mom at Dad sa tabi ko nung bata pa ako.Naputol lang ang kuwentuhan namin ng dumating si Cathy.

"Wow naman nagkita na ang mag-iina."si Cathy habang pababa ng hagdan

"Oh andyan kana pala?"bati ko.Tumayo naman sila Manang Loida at Len at akmang aalis.

"Manangs,dumito po muna kayo sasali rin ako sa kuwentuhan nyo."aya ni Cathy

"Naku Cathy di puwede may gagawin pa kami ni Manang Len nyo,hinintay lang namin magkaron ng  makakasama si Baby Aki."paliwanag nito

"Ganun po ba?"tanong ko"Sige manangs maya nalang po ulit tayo magkuwentuhan."singit ko."At tuluyan na silang nagpunta ng kusina.Si Cathy di ko napansin na nakahiga na sa lap ko.

"Hoy babae,tumayo ka nga dyan!"sigaw ko

"Eh dito muna ako,namiss kaya kita.One week din kita di naramdaman e,"

"Tsk,bigat-bigat ng ulo mo wala namang laman."biro ko.Pinanlisikan naman ako ng mata nito.

"Joke lang,ngapala may problema kaba?at pinagdrive mo pa ako ng ganitong kalayo?tsaka thankyou ngapala sa pag-invite sakin sa resthouse namin,"sarkastikong kong sambit

"Dami mong daldal,namiss lang naman kita kaya kita pinapunta dito."

"Haayy pinuyat at pinagod mo ako dahil sa namiss mo lang ako?ano yun?!"sigaw ko

Change For Love (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon