chapter 30

4.6K 132 4
                                    

Aki

"Ughhh...sakit ng ulo ko!"sambit ko pagbangon sa kama.Past 1pm na ng magising ako.

Nagulat ako sa pagdating nila Cathy dito sa bahay kahapon ang akala ko may pinuntahan sila at sabay sa pag-aya sakin sa pagpunta sa bar nila Sandy,napainom at masaya naman kaming nagsama-sama lahat,si Leeane di ko narin inistorbo dahil baka napagod sya sa biyahe o sa pinuntahan nila ng kuya nya.Naligo at nag-ayos muna ako bago bumaba.

"Manang wala po ba sila Mommy?"tanong ko sa isa naming kasambahay

"Ay,maam nagflight po ang Mommy at Daddy nyo papuntang London kagabi"sagot naman nito

"Ganun po ba?"sambit ko at nagpunta nalang sa hapag-kainan

Matapos kumain ay chineck ko rin ang cellphone ko pero kahit isang text o tawag galing kay Leeane,Cathy o sa mga kaibigan ko wala.Tinary ko silang tawagan o itext walang sumasagot o kung minsan ay nakapatay."Anong meron?"bulong ko at nagpasyang maupo sa sofa at manuod nalang ng movie.

"Aki,Aki,Aki!!"sigaw ng humahangos na si Tin kaya agad akong tumayo at sumalubong dito

"Ano yun?bakit????"gulat kong tanong dito habang hinihingal pa

"Si-si Leeane?"sambit nito kaya napahawak ako sa dalawang braso nya

"Bakit anong nangyari sakanya?!!!"pasigaw kong tanong dito

"Halika puntahan natin sya!"sagot nito.Mabilis akong nagpalit ng damit at di na nagtanong pa o nagdalawang isip na sumama dito dahil sa takot nararamdaman ko ngayon para kay Leeane.

-

"Tin nasan ba sya?"naiiyak ko ng tanong kay Tin na nagdadrive

"Aki,may tumawag lang sakin kanina at sinabi ang lugar na kinaroroonan nya."seryosong sagot nito

"Bakit di ako ang tinawagan nila?si Kuya Ali?sila Cathy?"sunod-sunod kong tanong

"Di ko alam Aki,di ko alam"sagot ni Tin.Mas lalo naman akong nakaramdam ng takot sa mga oras na yun,di ko alam ang gagawin..nanginginig ang buong katawan ko,gusto kong paliparin ang sinasakyan namin para makarating lang sa kinaroroonan ni Leeane.

"Malapit naba tayo Tin?"tanong ko ulit dito

"Medyo!"maiksing sagot nito.Tinawagan ko si Cathy pero di to nasagot.Habang tumatagal nararamdaman ko naman anytime babagsak na ang luha sa mata ko dahil sa pag-aalalang nararamdaman ko.

"Hey Aki,wag kang iiyak dyan oa mo!"sambit nito habang nagdadrive

"Nag-aalala ako,di ko alam kung ano ng nangyari kay Leeane kung okay ba sya?"sagot ko

"Okay naman sya,nagpapasundo lang naligaw kasi ang loka,gala kasi ng gala!"seryosong sagot nito

"Ano ulit yun Tin?naligaw si Leeane?"tila nabingi kong tanong

"Oo!"sagot nito

Tila naman isang bombang sumabog sa pandinig ko ang sagot ni Tin di ko alam kung anong mararamdaman sa mga oras na yun,kasi panaka-naka kong maisip na patayin tong si Tin dahil sa reaksyon nya kanina at malalaman ko na naligaw lang pala si Leeane.

"GAGO ka Tin!!!!!!"sigaw ko dito

"Hoy,wag kang ano dyan concern ako sa Prinsesa mo kaya pinuntahan kita agad!"sagot nito

"Sana kanina mo pa sinabi,alam mo bang halos mamamatay na ako sa kaba at takot kanina!!"sigaw ko

"Ang oa mo naman,di mo kasi ako tinatapos!"sagot nito.Di ko naman napigilan ang sarili ko na sakalin sya

Change For Love (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon