Aki
"Anong problema mo?"tanong sakin ni Cathy
Bumalik na ako ng room pagkatapos akong alisan ni Leeane.Hinahanap ko sya sa room pero wala sya!Mukhang nagalit ata.
"Wala naman,may nangyari lang."matamlay kong sagot
"Bakit ano ba nangyari?"singit ni Tin
Wala naman akong maitatago sa mga ito.Kaya kinuwento ko ang lahat ng nangyari,ang kiss,pati na yung pagtatapat ko maging ang pag-alis ni Leeane bigla.Ngayon ko lang nararamdaman ang sakit.
"Tsk3x bakit mo naman kasi ginawa yun?"tanong ni Tin
"Di ko alam nabigla lang rin ako."
"Gusto mo ba kausapin namin si Leeane?"si Cathy
"Wag na Cathy magiging okay din ako."matamlay kong sagot
"Aki wag na wag kang maglalaslas ng pulso huh?sa leeg nalang para patay agad."biro ni Tin."Aray!"sigaw nito dahil siniko sya ni Cathy
"Umayos kana ng upo andyan na si Sir."utos ni Cathy sa kapatid tsaka bumaling sakin."Maya nalang ulit tayo mag-usap okay?"sabi nito
Habang nagkaklase wala akong naiintindihan sa sinasabi ng teacher namin,Si Leeane lang yung naiisip ko.Paano na yung pag-aaral nya?yung scholarship nya?Ako pa ata ang sisira ng kinabukasan nya.Ang tanga mo talaga Aki!
"Ms.Dela Vega?!"tawag ng teacher sakin pero di ako lumingon."Ms.Dela Vega mukhang may sarili ka atang mundo dyan?"tanong nito.Si Cathy at Tin nakatingin sakin na may pag-aalala.
Nagpasya akong tumayo na dala ang gamit ko.Nagulat naman ang buong klase.
"Where do you think your going Ms.Dela Vega?"inis na tanong nito
"Wala rin po kasi dito ang isip ko,mas kabastusan naman po ata kung patuloy pa po akong titigil sa klase nyo at walang maiintindihan diba po?"sagot ko at dire-diretso akong lumabas.Di na naman sumagot ang teacher namin.
"Aki-aki!"habol ng dalawa
"Bakit pa kayo sumunod?"
"Sasamahan ka na muna namin baka kung ano pa gawin mo e?"sagot ni Cathy
"Buti pinayagan kayo?"
"Kami pa,"sabay kindat sakin ni Tin
Buti nalang at meron akong katulad nila.
----
"San tayo pupunta?"tanong ko sa nagddrive na si Cathy
Iniwan ko muna yung sasakyan ko sa school dahil wala pa ako sa sarili ko hanggang ngayon,baka maaksidente pa ako.Pero di parin maalis sa isip ko ang mga nangyari.Di ko namalayan na nasa tapat na kami ng pamilyar na bahay.
"Cathy bakit tayo andito?"tanong ko
"Relax kalang okay?"
"Manliligaw tayo,"singit naman ni Tin
"Siraulo!"sigaw ko kay Tin.Nagdoor bell na si Cathy at bigla naman akong nakaramdam ng kaba.Nang biglang may nagbukas na guwapong lalaki na halatang bagong gising."Sino sya?"tanong ko sa sarili
"Magandang umaga po,"bati namin dito
"Magandang umaga din mga binibini!,ano ang maipaglilingkod ko?"magalang nitong sagot
"Ahmm andyan po ba si Leeane?"tanong ni Cathy"mga kaibigan nya po kami."dugtong nya
"Ah andun sa kuwarto,nagulat nga ako at umuwi masakit daw tyan nya.Totoo ba yun?!"tanong nito
"Opo,muntikan na nga po abutan sa room namin buti nalang po at nakatakbo agad."singit ni Tin
"Ganun ba?ay halika pumasok kayo at tatawagin ko si Leeane."aya nito.Agad naman kaming sumunod dito papasok at iniwan kami saglit matapos magpaalam na tatawagin lang daw si Leeane sa kuwarto nya.Siya pala ang kuya Albert ni Leeane.Pero bakit kaya ibang-iba itsura nito kay Leeane?"tanong ko sa sarili
"Sigurado kaba dito Cathy?"bulong ko dito habang nakaupo sa sala
"Magtiwala ka sakin,di na naman siguro makakatakbo yan ng basta."biro nito
"Uy,uy!"sigaw ni Tin
"Bakit?"baling namin kay Tin na may hawak na photo album.Di rin sya malikot talaga.
"Tingnan nyo to oh?di naman pala panget si Leeane nung bata sya,mukha nga syang foreigner."paliwanag nito habang tinitingnan ang mga picture.Tama nga sya,mapapagkamalang foreigner si Leeane yung kuya nya sadyang guwapo na talaga kamukha ng Daddy nya at si Leeane kamukhang kamukha ng Mommy nya.
"Tapos nyo na bang laiitin yung mga picture ko?"sabi ng pamilyar na boses.Sabay baling namin sa pababa ng hagdan na si Leeane.Agad namang lumapit si Cathy at Tin kay Leeane at nagbeso.Ako?nakatayo lang dito habang nakatitig sa kanya.
"Anong ginagawa nyo dito?"tanong nito matapos umupo sa tabi namin
"Wala,may nagsabi kasi samin na bigla ka daw umuwi kaya nag-alala tuloy kami.Ano nangyari?may sakit kaba?"tanong ni Cathy.Galing umarte nung dalawa.
"Okay lang ako."sagot nito sabay tingin sakin."kumain naba kayo?"pahabol nitong tanong
"Yup,pero Leeane san yung c.r nyo?"tanong ni Tin
"Diretsuhin mo lang yun tapos kaliwa ka,makikita mo na yung c.r."paliwanag nito"Samahan na kita?"alok naman nito
"Ah hindi na,naa'ano kasi ako alam mo na tsaka si Cathy nalang sasama sakin sya kasi naghuhugas ng puwet ko."biro nito
Napatingi naman si Leeane."Naku tong dalawang to iiwan pa ako akala ko tutulungan ako.Anong gagawin ko?"
"Halika na nga Tin sasamahan na kita,tsaka huhugasan pa kita ng puwet pagkatapos kong ilublod ka sa bowl."sambit ni Cathy
"Ewwwww so gross,"maarteng sabi ni Tin
"Tsk halika na!"aya ni Cathy sa kapatid.Naiwan kaming dalawa ni Leean sa sala,walang naimik pero naglakas na ako ng loob magsalita.
"Leeane sorry bout kanina."nakayuko kong sambit
"Wala na sakin yun,sorry din kung iniwan kita bigla huh?nabigla lang ako kanina,"
"Pe-pero Leeane lahat ng sinabi ko sayo kanina totoo yun at di biro."matapang kong sagot
"Aki gusto rin kita pero kaibigan lang,baka naguguluhan kalang tsaka tingnan mo akong mabuti di tayo bagay at mali!"sagot nito
"Pero-"
"Aki wag na,kung gusto mo pa na maging okay tayo at maging komportable ako sayo sana maging katulad nalang tayo ng dati."pakiusap nito
Di na ako nakasagot.Wala na akong magagawa kaysa naman mawala sya lalo sakin pero strike two ako ngayon.Nakabalik narin si Cathy at Tin.Agad naman kaming nagpaalam sa kanya pati sa kuya nya.Baka kasi bigla akong bumigay dun.."Grabe ang ganda nya para tanggihan ang isang Dela Vegang tulad ko!i hate this damn feeling!!"
"Aki okay kalang ba?"tanong ni Cathy.Pero di na ako makasagot
"Cathy puwede mo ba akong ihatid sa bahay nalang?"matamlay kong sabi
"Sure,"
"By the way thank you sainyo,"
"Wala yun,basta magpahinga ka nalang muna."seryosong sabi ni Tin
Hinatid naman nila ako sa bahay bago ako bumaba niyakap ako ni Cathy at Tin ramdam na ramdam ko yung pag'aalala nila.Pero gusto ko mapag-isa.
_____________________________________
keep on reading thanks:)
BINABASA MO ANG
Change For Love (girlxgirl)
RomanceThis is the story of when Ms.Manang(Leeane Mendez) meets Ms.Perfect(Akira Dela Vega).Anong Love story ang mabubuo sa pagitan nila.?!Lets see guys!