chapter 14

6.4K 170 0
                                    

Aki

"Cathy magshoshower muna ako huh?"sigaw ko sa nakahigang si Cathy

"Okay,"matamlay na sagot nito

Inabot ako ng 30 mins sa pagshashower at naabutan ko ng tulog na tulog na si Cathy.Guminhawa ang pakiramdam ko at nawala maging ang pagkalasing ko,yun nga lang di na ako inaantok kaya nagpasiya akong magpunta muna ng garden at magpahangin saglit para makapagpatuyo narin ng buhok.

---

"Puwede bang makatabi ang baby ko?"si Daddy

"Oh Dad opo naman,pero bakit gising pa po kayo?"tanong ko sabay sa paghila ni Dad ng upuan na itinabi sakin.

"Di pa kasi ako inaantok baby."sagot nito"Ikaw bakit gising kapa?e diba galing pa kayo sa kabilang bayan?"

"Kauuwi lang po namin Dad,tsaka nagpapahangin lang po ako at nagpapatuyo narin ng buhok."sagot ko

"I see,magkuwentuhan nalang muna tayo baby habang nagpapaantok."nakangiting sambit nito

"Sige Dad,"

"Ah so ano baby nag-enjoy ka ba kanina sa pinuntahan nyo?"

"Opo Dad kumpleto po kasi ang mga kaibigan ko."sagot ko

"Mabuti naman kung ganun pero baby can i ask you a question?"

"Sure Dad,"

"Nagkaboyfriend kana ba?"tanong nito na ikinasamid ko at biglang napaubo.

"Okay ka lang baby?"nag-aalalang tanong nito habang hinihimas ang likod ko

"Okay na ako Dad,nakakagulat lang po kasi yung tanong nyo."

"So ano nga baby?"excited na usisa nito

"Hindi pa Dad bakit po?"

"Wala lang,wala kapa kasing pinapakilala samin ng Mommy mo na kahit sino."paliwanag nito"Naiisip tuloy namin baka 'girlfriend' ang meron ka."natatawang dugtong nito.Bigla naman akong kinabahan at di makatingin kay Dad na pinagtaka nya.

"Baby parang namumutla ka?"

"O-Okay lang ako Dad pero can i ask you a question too?"lakas loob kong tanong

"Mukhang serious yan baby?pero go on,"sambit nito

"What if Dad i dont like having a boyfriend?"nakita ko naman na nag'isip si Dad bago sumagot

"Ahmp its okay baby,di ka naman namin pinupush ng Mommy mo,just live your life the way you wanted at kapag dumating yung time na nakakita kana o gusto mo ng magboyfriend o asawa promise me that we should be the first to know huh baby?"nakangiting sambit nito

"Promise Dad,pero what if i don't like having it forever?"napamaang naman bigla sakin si Dad

"Why baby?don't tell me you want to be a nun?"or your a gay baby?"natatawang nitong tanong.Yumuko nalang ako at di umimik.

"Gusto mo bang magmadre anak?"biglang pagseryoso nito

"No Dad,"nakayuko kong sagot.Isang minuto ang lumipas bago magsalita muli si Dad.

"Baby are you gay?"seryosong tanong nito

Nangingilid ng luha ang mata ko ng tumingin sa kanya.

"I knew it,"sambit nito at parang nawalan ng ganang sumandal sa upuan.Agad naman akong tumayo at lumuhod sa harap nya.

"Dad galit po ba kayo sakin?"naiiyak kong tanong habang hawak-hawak ang dalawa niyang kamay.Tumingin lang sakin si Dad.

"Dad sorry for not being a perfect daughter to you and for Mom."sambit ko at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko sabay sa pagyuko sa tuhod nya.Naramdaman ko naman ang kamay nya na inaangat ang mukha ko tsaka hinawakan sa magkabilang pisngi.

"Yung baby kong prinsesa,prinsipe na pala."biro nya kaya agad akong tumayo at yumakap sa kanya.

"So-sorry talaga Dad,"hikbi ko habang nakayakap parin sa kanya.Inupo muna ako ni Dad tsaka humarap sakin na hawak naman ang kamay ko bago magsalita.

"Baby hindi ako galit at never akong magagalit sayo."nakangiting sabi nito habang pinapahid ang luha ko."And besides we already knew that dati pa,gusto lang namin sayo mismo manggaling yung totoo."dugtong nito na ikinagulat ko

"Huh?paano?kailan pa po?"tanong ko

"The day you left from states yung time na nagdecide ka na bumalik ng pilipinas sa di naming alam na dahilan.Pero nalaman rin namin yung reason nung time na nag-ayos ng kuwarto mo ang Mommy mo at nakita nya yung ilang picture nyo ng Heir ng mga Altamirano na si Abby Altamirano,sya yun diba?and kasabay narin sa pagkulit namin sa magkapatid na si Tin at Cathy tungkol sa mga pic na yun pati narin sa reason mo."dugtong pa nito.Bigla naman akong nakaramdam ng guilt sa pagtatago sa parents ko ng tunay kong pagkatao."Naghihintay lang kami ng Mommy mo magconfess ka samin baby."malungkot na sambit nito

"Sorry talaga Dad,natakot lang po ako sa magiging reaksyon nyo tsaka baka po itakwil nyo pa ako o di tanggapin at isa pa po ayokong masira ang pangalan natin Dad."paliwanag ko at nagsimula na namang umiyak.Niyakap naman ako ni Daddy ng mahigpit.

"Baby kahit ano kapa tanggap ka namin dahil ikaw parin ang anak namin,wag mo rin intindihin ang sasabihin ng iba maging ang pangalan na meron ka,as long as your happy at walang kang nasasaktan o ginagawang masama were always be proud of you.Gawin mo ang lahat ng  bagay na makakapagpasaya sayo and remember na lagi kaming nasa likod mo para suportahan ka."paliwanag nitong habang yakap ako at hinihimas parin ang likod ko na lalo ko namang ikinaiyak.

"Thankyou Dad,thankyou po talaga."sabay sa lalong paghigpit ng yakap dito

"Aray baby nasasakal na ako,"biro nito pero di parin ako bumibitiw."Pero baby galing mo pumili mana ka kay Daddy."biro ulit nito

"Daddy naman e,"sabay ayos ng upo

"Bakit ba kayo naghiwalay?"usisa nito

"Dad!"sigaw  ko

"Nagpapakuwento lang naman baby,"

"Daddy were not meant for each other,di nya daw po ako kayang panindigan kaya she decided to break-up with me."

"Sabagay baby hayaan mo at siya naman ang nawalan,pinakawalan nya pa ang pinakamaganda at pinakamabait na babae sa buong mundo sunod sa mommy mo syempre,"nakangiting sabi ni Dad"kaya ngayon pag mahal mo,minahal ka at pinanindigan wag mo ng pakakawalan."pahabol nito

"Opo naman Dad."masiglang sagot ko

"Basta baby wag mong susukuan si Leeane kasi nararamdaman kong siya ang taong maninindigan sayo,"nakangiting sambit nito.Napanganga naman ako bigla.

"Pati yun Dad nalaman nyo?"gulat kong tanong

"Syempre naman,nabrief na kasi kami ni Cathy kaya bago pa dumating at ipinakilala samin si Leeane alam na naming lahat."natatawang sagot nito."Basta baby kung saan at sino ang makakapagpasaya sayo suportahan ka namin ng Mommy mo."

Talagang yung mga babaeng yun,pero sobrang thankful talaga ako sa kanila.

"Kayo po talaga Dad at si Mommy ang best parents sa whole wide world."masigla kong sabi"And dont worry po gagawin ko po lahat para po kay Leeane.At gagawin ko po talaga ang motto natin Dad what Dela Vega wants,Dela Vega gets."sabay naming sambit ni Dad at sabay napatawa

"Hey baby magpahinga na tayo,alam ko may lakad pa kayo bukas."

"Ay oo ngapala Dad tara na po sa loob?"aya ko

Akbay-akbay ako ni Dad papasok ng bahay.Mas lalong gumaan yung pakiramdam ko ngayon,sobrang nakakaproud na may magulang ako na tulad nila.At tutuparin ko ang promise ko kay Dad na i will make Leeane to be my girl.Hanggang sa nakatulugan ko narin ang pag-iisip kung ano ang gagawin ko.

Change For Love (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon