a/n hello!!!!! sorry po ngayon lang shocks kasi hindi po namin namalayan yung araw dahil sa exams hahaha! ito na po sana ma-enjoy niyo :D salamat po sa pagbabasa~*
Chapter Four
Gwyneth's POV
Nagpa-late ako ngayong araw. Para kasing hindi ko talaga kayang umalis sa puwesto ko kanina sa CR dahil sa halo-halong ingay na naririnig ko sa aking magkabilang tenga.
Hindi ko alam kung kailan binaba ni Sabrina yung tawag, hindi ko alam kung kailan tumigil si mama sa pagtawag sa pangalan ko at mas lalong hindi ko alam kung paano 'ko nakawala sa mga iniisip ko.
Para bang kumilos na lamang yung katawan ko at heto ako ngayon, hindi nakapasok sa tatlo kong subjects at naglalakad ng nakatulala. Napadiin ang hawak ko sa straps ng bag ko at yumuko na lamang.
Anong gagawin ko 'pag may namatay talaga?! Bakit ayaw akong paniwalaan ni Saab? Sasabihin ko ba sa mga kinauukulan? Eh bestfriend ko nga hindi na ko pinaniniwalaan, paano pa ba ang ibang tao?! Ugh mababaliw na ko!
Masyado ko lang bang iniisip ang lahat? Masyado ba 'kong nagiging OA sa mga nagiging panaginip ko? Iniisip ko lang naman 'yung mga posibilad eh, masama bang maging maingat?
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko nakitang may nag-aayos pala ng mga bandiritas para sa nalalapit na Battle of the Bands, itataas na nila dapat iyon, isa sa dulo ng daan at isa sa kabila.
Muntik akong sumubsob sa konkretong daan ng unibersidad namin at mapunta sa akin lahat ng mga bandiritas kung hindi dahil sa kamay na humawak sa aking pulso at ang isa pa ay sa aking bewang.
Literal na nalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa matigas na kinatatayuan namin ngayon, OMG muntik na yung face ko! Ang bilis ng tibok ng puso ko at napalunok pa, thank you talaga Lord!
Dahan-dahan akong inayos ng tayo nung nakasalo sa akin at humarap naman ako sa kaniya.
"Are you alright?" tanong niya sa akin at napa-pikit pikit ako, ang lalim ng boses???
"Ako...ayos lang, oo ayos?" huh ano raw? Shit nakakahiya, huhuhu tinawanan pa tuloy ako.
Napatingin na lamang ako sa gilid upang ibsan yung hiyang nararamdaman ko ngayon, mukha siyang disenteng-disente grabe, naka-clean cut, ang ayos ng uniform na kahit pa medyo pawis at may hawak din na mga pang disenyo ay gwapong gwapo parin sa ilalim ng araw.
"Pasensiya na huhuhu sorry talaga! Sorry!" pinagdaop ko pa ang aking mga palad sa harap nung lalaki at yumuko, 'pag kinain ka nga naman ng sistema mo oh.... Ayoko na, nakakahiya.
"What the hell! Look at what you've done!" nakaring naman ako ng isang boses mula sa aking likuran at lumingon sa pinanggagalingan nung boses na iyon. Isang babaeng mukhang mataray ang papalapit sa akin.
Tinaasan ko lamang siya ng isang kilay dahil alam ko namang may mali ako so shut up muna ako for a while.
BINABASA MO ANG
Mayhem In The Trance
Mystery / ThrillerSometimes, people tend to prefer dreaming out loud than being stuck in a harsh reality and having to face it. But for Gwyneth, unlike them, her dreams become the source of terror and death. Are all of these just made up in her head? What must she d...