A/N Hello po! Long time no update, hahaha! Pasensiya na po at natagalan~ Happy New Year po sa lahat ng mga nagbabasa pa rin! Salamat, salamat~ ^^; Sana po ay natatandaan niyo pa ang mga pangyayari, haha~
Chapter Seven
Gwyneth's POV
May tumulak sa akin at napa-upo ako sa malamig na sahig ng building namin. Madilim na ngunit wala paring nangyayari.
"Oh look Gwen! It's already past six yet walang namatay kagaya ng pinagsasabi mo! You're crazy, Gwyneth, you should just keep those little dreams of yours to yourself, para naman isipin pa naming normal ka, 'di ba? Nakakatawa ka talaga, itulog mo nalang 'yan. If I were you, I would act normal now that my crazy secrets are coming out one by one, siguro you should also just shut your mouth nalang? It's for the better naman eh, bago pa lumala 'yang tililing mo." umakto pa siya na inikot-ikot ang kanyang hintuturo sa kanan niyang tainga bago umalis habang pinagtatawanan pa 'ko.
Napakuyom ako ng mga kamao at kasabay nito ang pagtulo ng luha mula sa aking mata. Tama siya, wala namang nangyari. Wala namang namatay. Ano ba 'yung nakikita ko sa tuwing nananaginip ako? Ako na ba itong may problema? Hindi ko na alam, hindi ko na maintindihan ang sariling pag-iisip ko.
Baliw na ba talaga ako?
Nakita ko naman talaga eh... Napanaginipan ko.
Tinignan ko sila isa-isa, puro nakatawa, nanghahamak at kung anu-ano ang sinasabi sa akin, yung iba naman ay nakatitig lang at parang naaawa. Hindi dahil nakaupo ako o kung ano—kung hindi dahil baliw ang tingin sa akin.
Naramdaman kong may nag-tayo sa'kin at may tinatanong. Boses ni Wesley. Ngunit wala akong maintindihan sa mga sinasambit niya. Para akong nasa ilalim ng tubig.
Masyado na akong nakaka-awa, magtira naman ako sa sarili ko ng konting kahihiyan. Kahit hinang hina ako ay pinilit kong mag-lakad ngunit isang hakbang pa lamang ay parang umiikot talaga ang paligid at natumba ako.
Ngunit nakakapagtaka dahil hindi ko naramdaman ang aking pagbagsak...at dun na nagdilim ang lahat.
"Sabi ko sa'yo huwag kang babalik doon." napa-atras ako ng isang hakbang, magkaharap nanaman kami nung lalaking may puting plauta ngunit hindi ko parin maaninag ang kanyang mukha at hindi ko parin marinig ang mga sinasabi niya.
"A-ano?" pinilit kong lumapit sa kinalalagayn niya ngunit kahit anong hakbang ko papalapit ay hindi ako nakakarating sa kanyang puwesto. Para bang lumalayo siya ng lumalayo kahit hindi gumagalaw.
Naisip ko... Kailanman ay hindi pa nagtagpo ang mga mata namin.
"Gumising ka na, huwag ka nang magtagal pa rito." saad niya at itinaas pa ang kanyang kamay na may hawak na instrumento at tumuro sa kanan gamit ito.
"Umalis ka na." paulit-ulit siya sa kanyang sinasabi pero wala akong naririnig.
BINABASA MO ANG
Mayhem In The Trance
Mystery / ThrillerSometimes, people tend to prefer dreaming out loud than being stuck in a harsh reality and having to face it. But for Gwyneth, unlike them, her dreams become the source of terror and death. Are all of these just made up in her head? What must she d...