Chapter 1

440 13 0
                                    

Kacey POV


*tok*tok*tok*

"Gising na bambina" paglalambing na naman ni mommy.

(bambina- baby in Italian)

Mahilig talaga si mommy manlambing. Pero ang aga naman ata niyang manlambing?

"I am sure you don't want to be late on your first day of school? It's already 6:30." Siyempre gusto ko hindi malate sa first day of school, sino bang gustong malate--- wait what?

HUWAAAAAT!!! First day of school ngayon!

"Breakfast is ready, we'll wait for you down okay." Patuloy pa ni mommy. Agad akong napadilat at tumugon, "Yeah! Be there at 15 minutes, ma."

Bumangon na ako sabay kuha ng tuwalya at diretso sa mini CR ng kwarto ko. Sa sobra kong pagmamadali ay nabunggo ko pa ang sliding door na naghihiwalay sa mini CR ng dalawang parte, yung una ay para sa lababo at unidoro tapos ang ikalawang bahagi ay ang sa shower. Kinuha ko nalang din yung toothbrush ko at pinagsabay na ang pag-tu-toothbrush at pag-shower. Hindi ko naman alintana ang hirap sa pagsasabay ng dalawang gawain dahil sanay na akong ganito kapag nagmamadali.

At lumabas na ako sa banyo na naka tuwalya lamang. Pansin kong mabilis akong tumangkad at tumaba kapag summer, dati hindi naman gaano ka-expose yung harapan at likuran ko kapag suot ko itong tuwalya. Oh well, takling about all the delicious food tuwing summer, bwiset naglalaway tuloy ako.

Nagbihis na ako agad ng uniform ko. Ang cute nga kasi naka-sleeves kami na white tapos may nakapatong na coat na black tapos may lining na white.

Ganito kasi yan, malalaman mo through the colors ng mga lining ang year level ng isang student.

Blue- 1st year (Grade 7)

Red- 2nd year (Grade 8)

Black- 3rd year (Grade 9)

White- 4th year (Grade 10)

Yung sa Senior High naman iba na yung uniform nila hindi na kailangan ng linings kaya para ma-identify sila. May malaking ribbon din kami na checkered (black and gray yung color) pareho naman siya sa design ng miniskirt namin. Nagsusuot lang kami ng socks na hanggang kalaahati ng hita namin para conservative pa rin ang dating.

Inayos ko na din ang buhok ko into a ponytail saka nag-apply ng light make-up. Concious lola niyo lalo na't nabalitaan kong mga heartthrob pala mga kapatid ko sa school na lilipatan ko, malay miyo ataas din expectance sa akin ng mga fans nila 'pag nagkataon. Pakilala ko kayo mamaya.

And VIOLA ang prete koh!

Bumaba na ako at nakasalubong ang dalawa kong Kuya. Si Kuya Gabrielle Kace Macintosh at si Kuya Gerome Kace Macintosh. Mas matanda nga pala si kuya Gab. Grade 11 si kuya Gerome at Grade 12 naman si Kuya Gabrielle (SHS). Oh kilala niyo na sila, at talagang ipagmamayabang ko na mga biniyayaang nilalang tong mga kuya ko dahil s aangking kagwapuhan nila. At kung balak niyong manligaw dadaan muna kayo sa'kin.

"Kain na bambina, iscriversi vostro fratello mangiare (join your brothers eat), gamitin niyo nalang din ang car ng Kuya Gab niyo." may halong Italian na sinabi ni mommy.

Tumabi na ako Kay Kuya Gab at kumain ng...BACON!! My favorite!!

Naparami tuloy kain ko, pero ako parin ang unang natapos, hehehe. Ang bagal nila kumain kaya naghintay nalang ako sa labas.

Sinuot ko nalang ang wireless headphones ko na beats at nagpatugtog ng Dear No One ni Tori Kelly. Promise ang ganda ng song na ito lalo na ang lyrics, para sa mga naghihintay sa kanyang someone pakinggan niyo ito. (A/N: inlababo si otor sa kantang 'to lalo na sa lyrics)

An Immortal Me ( ON-HOLD )Where stories live. Discover now