teka lang mahal , sandali
makapag hintay ka sana ,
ang gagawin koy di madali
akoy aalis na muna,
akoy mag iipun ng pera,
mangingibang bayan para sating dalawa ,
pangako sa pagbabalik koy handa na ,
ang mga pangarap sabay nating abutin ,
gagawin ko lahat kahit pa maging alipin ,
sa bansa ng banyaga akoy makikipagsapalaran ,
isusugal ko ang relasyong matanggal kung iningatan ,
magbabakasakaling manalo ,
maginhawang buhay ang ating matamo ,
mananatili ka sa isip ko't puso,
sanay nandito ka parin sa araw ng pagbabalik ko ,
yan ang mga salitang huli mong narinig mula sa bibig ko ,
ngunit bakit di ka nag antay sa pagbalik ko ,
kunting panahon ko na ginugol sa ibang bayan parang iyong binaliwala ,
mga pagtitiis ko at pag unawa, nabalewala ,
sa iba kana sumama at iniwan akung mag isa , nasaan na ? nasaan kana ?