Minsan ' may isang bata sa lansangan ang nangarap maabot ang bawat minimithi ' dumaan ang mga taon '
pabago-bago ang takbo '
iba iba ang nasa trono ' dumating ang araw na ang iniidolo na ang nasa pwesto ' syay natuwa '
ama'ina gusto ko maging katulad nya '
mas tumayog ang pangarap ng mosmos ,
Nagsunog ng kilay ng lubos '
Ginanahan sa pag'aaraL '
Itinuun ang atensyon sa pag aaral'
nawalan ng oras sa mga bagay na dapat naranasan nya pa '
naging bulag at bingi sa mga nangyayari sa paligid niya '
Dumating ang araw nang kanyang pagtatapos '
Tuwa tuwa ang bata '
dagli- dagling umuwi '
kumaripas ng takbo para sa pamilya ipamalita ang natanggap na papuri 'BANG BANG ' 7 magkakasunod na putok ng baril ang nagpahinto sa kanyang pagtakbo,
mga nakamotorsiklo ' dalawang katao '
teka ? ito bay totoo, nagdilim ang paningin ng bata sumambulat ang ama sa lupa nakahiga
' nagtaka ' nagtanong , walang salitang lumabas sa labi '
ilang minutong walang ikbi '
Paano nangyari,
anung kasalanan ,
para ng buhay siyay bawian ,
Si amay mabait '
sa drogay walang kinalaman ,Dinungisan niyo aming pangalan ,
simula nung siyay ADiK niyong tinuringan '
Hustisya aking hinanap ' pagkakapantay pantay aking pinangarap '
Umakyat sa kabundukan '
para malayo sa kinalakihan na magulong lipunan '
Para sa karamihan '
Aking katanungan ,
NGAYON !! SiNO ANG KALABAN ?