sa bawat araw na lumipas
mula ng tayoy naghiwalay ng landas ,
iniisip ko kung paano makalalabas ,
dito , dito sa mga alpabetong rehas ,
na sa akin ay patuloy pa rin na nagbabaon ,
na bunga pa rin ng mga nakalipas nating panahon ,
na bunga ng kaysaya nating kahapon ,
na bunga ng mga salitang ayoko na , paalam na , at ng mahal kita ,
pinilit kung intindihin , intindihin ang yong mga dahilan ,
intindihin ang aking mga pagkukulang
at isantabi ang aking panghihinayang ,
sayang , sayang ang mga panahong sayo ko iginugol ,
sayang ang mga oras at minuto o segundo na sayo ko iginugol ,
sayang , sanay nasabayan kita sa iyong Laro ,
sayang at di ko nalaman na lahat ng yun ay laro ,
baka nagkaron pa sana ako ng pag-asang manalo ,
ikaw sana ngayon ang may tangan nitong bagyo ,
ikaw sana ngayon ang luhaan
ikaw sana ngayon ang duguan
ikaw parin sana ngayon ang nasasaktan ,
ikaw sana ngayon ang bagsak ng tuluyan ,
ikaw sana ngayon ang nakararanas ng tag-ulan ,
tag ulan na mata ,
na kahit anung pigil tuluy
parin sa luha ,
tag ulan na mata , na kadalasan makakatulog ka na ,
makakatulog ka nalang kaluluha ,
at pag gising moy lumuluha ka parin ,
pagkat sa wakas nalaman mong ang larong inyong pinasukan nagwakas na rin ,
at sa tanghali , ganun parin ,
at sa gabi ganun rin ,
na tila wala ng araw na sisikat ,
para hawiin ang mga ulap
para paghiwalayin ang mga ulap ,
araw , para pawiin ang paghihirap
upang makabangon mula sa pagkakalagak
at araw para magbigay ilaw sa daan kong tinatahak
daan na tila walang katapusan
daan na maglalayo sakin dito sa panahong tag-ulan ,
daan papalayo sa masalimoot at mapait kong nakaraan,
daan , daan na syang magiging dahilan para ikaw ay tuluyang makalimutan,
daan patungo sa kasiyahan
daan patungo sa kasiyahan ,
ikaw sana ngayon ang nakababad sa baha na dulot ng sarili mong luha ,
at ikaw rin sana ngayon
ang maghahanap ng masisilungan ,
dito
dito sa gitna ng tag-ulan ,
ng matang walang nang maipatak na luha ,
dulot ng yong kataksilan ,