PASENSYA

514 5 0
                                    

diba pag tayo umibig
binibigay natin ang lahat
sinasakripisyo natin lahat
para sa kaligayahan ,
para sa kanyang kasiyahan,
mas nagigiging maingat tayo ,
mas nagiging praktikal tayo
diba ganyan naman tayo ?
yung pag di sya nagtetext kukulitin mo ,
yung pag di pa siya umuuwi tatawagan mo
yung pag nagtatampo siya susuyuin mo
o di kayay sosorpresahin mo
pagdating ng aniversary nyo
o di kayay sabay kayong kakain tapos susubuan mo
tapos pag uwi mo
sisiguraduhin mong matetext mo siya kahit na galit na magulang mo ,
yung magpapaload ka pag nag text na siya ,
yung magigising ka ng madaling araw
para batiin lang sya sa kaarawan nya
yung tatawa ka sa mga korning jokes nya
yung bibitbitin mo gamit nya
yung uuwi ka ng dyes oras ng gabi makasama lang sya
yung maglalakad kayo pauwi para mas matagal mo siyang makasama
yung yayakapin mo siya sa park habang nakaupo
yung napag uusapan nyo yung una nyung pagtatagpo
yung sa paggising nyo sa umaga , tititigan nyu muna ang isat isa
diba ? masaya yun ?
tapos bigla mong ma aalala
lahat ng yun isa nalang palang masayang ala ala
diba ang sakit nun ?
yung tatanungin mo siya bakit ? bakit ganun ?
bakit nagkaganun ?
yung sa pag gising mo sa umaga , mag isa ka nalang sa kama
tapos lalabas ka ,
tatawagin mo siya ,
tapos bigla mong maiisip wala na pala ,
wala na palang kayo
sakit diba ?
yung pag tingin mo sa lamesa wala pang agahan na dati parati nyang ginagawa na ngayon ay hindi na mangyayari
yung aakapin mo nalang yung unan sa gabi ,
yung tutulo yung luha mo ng di mo namamalayan ?
yung ginagawa mo lahat magkaroon lang ng pagkaka abalahan ,
para kahit na panandalian man siyay makalimutan ,
pasensya kana ha ,
masyado lang kasi kitang minahal
pasensya kana dahil tinuring kitang banal ,
pasensya sa pag aalala ko sayo
pasensya sa mga araw na nandito ka sa isip ko
pasensya sa pag-aalay ng pusoko sayo
pasensya sa bawat araw na tinitext kita
pasensya sa mga araw na tayoy naging masaya
pasensya sa mga araw na pinangiti kita
pasensya sa mga araw na tinatawagan kita pag di ka nakakauwi
pasensya sa mga araw na gumigising ako ng maaga para batiin ka
pasensya sa mga araw na ikay aking sinopresa
pasensya sa mga araw ng kalungkutan mo na hindi kita hinayaang mag isa
pasensya sa mga araw na umiiyak ka at di kita iniwang mag isa ,
pasensya nung mga araw na may problema ka ay dinamayan kita
pasensya nung mga araw na nagsama tayong dalawa
pasensya sa mga araw na hinatid sundo kita
at pasensya ka na
sa mga masasayang ala ala nating dalawa
pasensya kana kung wala aking pagkukulang sayo
pasensya kana kung binigay ko lahat ng ginusto mo
at pasensya kana at pumayag ako sa ganto ,
mahal lang kasi kita
pasensya kana na nung araw na nakita kitang masaya sa piling
ko
pasensya  kung napamahalka  sakin
at pasensya kana kung bibitawan kita ,
pasensya kana,
pasensya kana kung naging makasarili ako
pasensya kana kung ginusto kong tayoy magkalayo
pasensya kana kung hinayaan kitang mapalayo
pasensya ka na kung ginusto ko ang maging masaya ka at hinayaan ko ang sarili kung mangulila .

Spoken Poetry LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon