RASON NG HiBANG

868 7 0
                                    

magkahalong tuwa at lungkot ang aking naramdaman ,
nung araw na ikay lumisan,
tuwa , sapagkat ngayon akoy ganap ng malaya ,
lungkot , para sa mga pangakong napako at nabalewala ,
diba't ikaw ang siyang unang nangako , bakit ikaw rin ang unang sumuko ?
di pa ba sapat yung mga pagsubok na ating pinagdaanan ,
upang sa piling koy manatili ka hangang sa magpakaylan man .
nasaan yung mga pangako mo ?
yung pangakong walang iwanan , walang kapantay ang sakit ,
pinagsakluban ng lupa at langit , na ang pangarap na sabay nating pinangarap ay di na makakamit ,
hinabol kita , hangang sa mapagod na lang ako ,
lapit ako ng lapit habang ikaw ay layo ng layo ,
sayang ,
sa ngayon akoy unti unti ng bumabangon sa aking pagkalugmok ,
iniwan ko na ang ala ala sa isang sulok ,
mga alaala ng kaysayang kahapon ,
tuluyan ko ng naikahon ,
ngunit di ko magawang ibaon ,
sapagkat hinihintay ko parin ang yong pagbalik ,
nag aantay parin ako sa mga yakap mot halik ,
patuloy ko paring naririning ang yong tawa't hagikgik ,
mahal parin kita ,
hangang ngayon nakatali parin ako sa kahapong di ko malimotlimot ,
dating kay ginhawa'y naging masalimoot ,
di ko magawang magtanim ng galit at poot sapagkat ang tuluyan kang mawala sa akin ,dun ako takot ,
pinakawalan kita dahil mahal kita at minamahal kita , gusto kong maging masaya ka , kahit pa sa piling ng iba , hibang , hibang man kung akoy turingan ,
ngunit akoy may dahilan ,
walang nakakaalam ,

Spoken Poetry LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon