NALAGPASAN

1.8K 10 1
                                    

Saan ba ako dapat lumugar ?
san ba ako nararapat ?
san ko ba matatagpuan ang lugar kung saan magiging maayos ang lahat ng magulo ,
kung saan ko matatagpuan ang sarili ko ,
hinahanap ko parin ,
kinailangan kong maging matatag upang matagpuan ,
kinailangan kong limutin ang nakaraan ,
kinailangan kong syay iwanan ,
para hanapin ang walang kasiguraduhan ,
distenasyon ba ? di ko alam ,
anu ba ang hinahanap ko ,
hinahanap ko ang sarili ko ,
hinahanap ko ang tunay na ako ,
di ko matagpuan , pano ko malalaman ?
di ko magawang alamin ,
hindi ko magawang magmahal ng lubos ,
sapagkat di pa ako buo,
di pa ako handa,
kailan ba magiging pwedi ?
sa bawat araw na lumipas ay nagdurusa ang puso kong sawi
di alam kung anu ba ang sanhi ,
ito bay bunga ng aking pagkamakasarili ,
hinanap ko ang sarili ko ngunit di ko natagpuan ,
hinanap ko ng kaytagal hangang ng panahon ako ay nalipasan ,
wala na akung babalikan ,
lahat ng mga malalapit sa akin isa isa na akung iniwan ,
di ko alam ang dahilan ng kanilang paglisan ,
unti unting pumatak ang bawat luha ko sa mata
hangang sa natagpuan ko na ,
ang lugar ,
kung saan nandun ako ,
nandun ako ,
naroon sila
naroon sya
masyado kung pinagtuunan ng pansin ang hinaharap ,
patawad sa inyo ,
patawad sa lahat ,
di ko napansin ,
di ko napagtuunan ng pansin,
nalagpasan ko na pala ,
natagpuan ko ang sarili ko ng akoy lumingon sa likuran ,
nandun ,
nandun pala ,
nandun sa nakaraan ,
kompleto at buo
masaya at kontento ,
sinayang ko lang
nandun lang pala yung kongkreto kung pagkatao
na ngayon ,
ginawa kung komplekado

Spoken Poetry LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon