Chapter Seven

247 8 8
                                    

"What????!!!!!!! Anong ginagawa mo dyan? Bakit dyan ka matutulog? May nangyari na sa inyo?!!" sunod sunod na tanong ng bestfriend nya na si Lei. Finally nakontak na rin nya ito.

"Pwede ba isa isa lang ang tanong bessy? Bukas ko nalang ikukuwento sayo lahat. And for the record, wala kaming ginagawang masama ni Travis. Okay? Kailangan lang na samahan ko sya dito sa condo nya ngayong gabi." paliwanag ni Kaye.

"Okay fine! Pero don't you forget, may girlfriend yan! Okay?" parang naka megaphone na sabi ni Lei kay Kaye.

"Oo naman. Di ko nakakalimutan. Sige na babye na, wala akong dalang charger, baka ma low battery ako, puro for iPhone ang charger dito. I need to call mom, I am sure she's worried na. Call you tomorrow. Bye bessy!" paalam na nya sa kaibigan.

Pagkababa ng phone, agad nyang tinawagan ang mommy nya, sigurado tadtad na naman sya ng sermon pag nakausap nya ito.

"Hello mom, something just came up, mag overnight lang ako dito kela Lei, bukas na ako ng hapon makakauwe. Wala kase syang kasama dito ngayon sa condo nya."

"Ikaw na bata ka, alas onse na ng gabi tsaka mo palang naisipan na tumawag. Palibhasa may sarili kang kotse kaya kung saan saan ka nakakarating. Kumusta ang audition mo kanina?" tanong ni mommy Rose sa kanya.

"Okay naman po mom, sesendan nalang daw kami ng email kung nakapasa kami o hindi. Sige mom, kwentuhan nalang kita bukas. Goodnight mom. I love you and daddy." malambing na sabi nya sa nanay nya.

Tahimik na pinagmamasdan lang ni Travis si Kirsten habang may kausap ito sa cellphone, nakaupo ito sa couch nya sa living room, habang sya, nasa kitchen at hindi alam kung anong gagawin. Nagugutom kase sya. Nagtitingin sya kung ano ang pwede nyang iluto. Nagulat nalang sya ng biglang tumingin si Kirsten sa kinatatayuan nya at unti unting lumapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" tanong neto sa kanya.

"Hmm.. I am starving. I am just checking what I could cook." sagot naman nya.

"You can cook? Wow! Bihira sa lalaki ang marunong magluto."

"Hmm.. Well, I am studying Culinary Arts, so I guess, I don't have a choice." natatawang sabi ni Travis.

"Really? Then why you auditioned earlier at Artists' club?" tanong ni Kaye.

"Ah. Wala lang. Gusto ko lang subukan. Para may extra curricular activity ako, para diversion ko, when I am stressed from my course. E ikaw ba? Ano course mo and bakit ka nag audition kanina?

"I am studying Fine Arts, I love to paint. I also love music but passion ko lang, hindi para pagkakitaan. Kaso my mom has high dreams for me, she wanted me to be famous singer someday and eventually yumaman." medyo may lungkot sa boses ni Kaye nong sinabi nya ito.

"I see. But why are you sad about it?" tanong ni Travis.

"Ah.. Hindi. Wala. Huwag na nga nating pag usapan. Ano bang lulutuin mo?" pag iiba ni Kaye ng topic.

"Wala ako maisip. Puro matagal lutuin mga nandito. I guess, magpadeliver nalang ako ng pizza. Anong gusto mo?"

"Ay gusto ko yan! Pizzaaaa! Yay! Ahmm.. triple cheese gusto ko with beef and pepperoni." na e excite na sabi ni Kaye sa kanya.

"Good choice! Gusto ko din yan. Okay sige. I'll call them."

Pagkadeliver ng pizza, agad na nilantakan nilang dalawa yong 2 boxes. Halos maubos nila ito sa sobrang gutom.

"Grabe! Ang takaw nating dalawa! Sayang wala kang wine. Bagay sana. Cheese and wine." sabi ni Kaye kay Travis.

"Oo nga e. Di bale next time. I will make sure, kumpleto." sagot naman ni Travis.

"May next time?" seryosong sabi ni Kaye.

Hindi alam ni Travis kung ano ang isasagot nya kay Kaye. Masyado yata sya na excite and nakalimutan nya na may girlfriend sya. Nakatitig lang sya sa mata ni Kaye na naghihintay ng sagot nya. Pareho silang nakasandal sa couch habang nakaupo sa sahig.

"Oo naman! Lalo kapag kasama natin sina Lei and Jake. Magagawa natin ulit to. Diba?" alanganing sabi ni Travis kay Kaye.

"Oo nga. Hmm.. San pala ako matutulog? E mukhang isa lang ang kwarto dito e." tanong ni Kaye.

"Sa kwarto ko."

"What?!" gulat na sabi ni Kaye.

"No. What I meant is, sa kwarto ko, don lang kase may aircon. Don't worry, don ako sa pull out." mabilis na sagot ni Trav.

"Ah okay. Hmm.. Travis, wala kase ako extra damit. Pwede makahiram? Kahit oversized shirt and jogging pants okay na."

"Oh sure! Wait up." sagot ni Travis bago pumasok sa kwarto and naghanap ng damit.

"Here. Suotin mo." sabi ni Travis kay Kaye pagkaabot ng shirt and jogging pants.

"Thanks. Sandali lang ha. Bihis lang ako." at nagpunta na sya sa banyo.

Paglabas ni Kaye, natulala si Travis. Ngayon lang may nagsuot na babae ng damit nya. Karamihan sa mga nameet nyang babae, maaarte at napaka vain. Si Kirsten, naiiba. Maganda sya kahit ano pang isuot nya at kahit wala syang make up. She still look an angel.

"I guess okay na to pangtulog. Tara na? Sleep na tayo. Sobrang antok na ako." sabi ni Kaye at naghikab pa ito.

Pumasok na sila pareho sa kwarto. Aayusin nya palang sana yong higaan nila ng magsalita si Kirsten.

"Tsk! Ang dilim ng kwarto mo! Seriously? Blue? Ano ka? Highschool?" natatawang sabi ni Kaye kay Travis.

"Why? Ano ba dapat?"

"Stick to neutral and basic colors. White perhaps?" sabi ni Kaye at humiga na sa kama.

"Is that so? Hmm.. Sige, pag iisipan ko. For now, let's sleep. Dyan ka sa kama. And nandito lang ako sa left side mo."

"Okay. Goodnight Travis."

"Goodnight Princess." malambing na sabi ni Travis na nagpangiti kay Kaye.

Pero bigla ding nawala ang mga ngiti sa labi ni Kaye ng maalala nyang may girlfriend nga pala si Travis.

"After this, iiwasan na kita." sa isip isip ni Kaye.

Bestfriends and SoulmatesWhere stories live. Discover now