"Anak, hindi ka pa ba matutulog? Alas dose na ng gabi, may pasok ka pa bukas." tanong ng daddy ni Kaye sa kanya, si daddy Sohn.
"Maya maya po dad, tatapusin ko lang po tong mga paintings na projects ng mga alaga ko. Deadline na po bukas e" sagot ni Kaye sa daddy nya.
"Anak, pasensya ka na ha, kung okay sana ang business natin, hindi mo na kailangang mag sideline para pangtustos mo sa pag a aral mo." malungkot na sabi ng daddy nya sa kanya.
May shoe business kase sila, kaso mula nong nauso mga ukay ukay and shoes from Korea and other asian countries na mas mura compared sa gawa nila, unti unti konti nalang mga orders nila. They used to supply markets kase all over Metro. Meron pa din silang mga suki. Pero hindi na bulk orders, kadalasan, dosena na ang pinakamalaki. Wala naman silang utang pero hirap sila pagkasyahin ang kita nila sa pang araw araw na gastusin. Nag a aral pa silang tatlong magkakapatid, kaya naisipan nya mag sideline para makatulong. Scholar sya sa school nila kaya yong kita nya, napupunta sa allowance nya at allowance ng mga kapatid nya. Pero kapag may malaki laki syang gig, pambayad ng bills. Sya kase ang panganay kaya kailangan nya maging responsable.
"Dad, don't worry about me. I love painting. I love what I am doing. I love this family so, gagawin ko lahat just to help. Dad, you've been a good father to me. Malaki na ako, I could also take care of you, you know?" nakangiting sabi ni Kaye habang nakahilig ang ulo sa balikat ng daddy nya.
"O sige na anak, bilisan mo na dyan ha at matulog ka na. Papasok na ako sa kwarto, alam mo naman mommy mo, nagigising yon kapag wala ako sa tabi nya" sabay kindat sa kanya bago sya hinalikan sa noo.
Nakangiting tinatanaw nya ang dad nya habang papaakyat eto ng hagdan, nahiling nya na sana magkaroon din sya ng ganong klase ng lovelife, yong sa hirap at ginhawa magkasama.
Biglang nagutom si Kaye kaya nagkalkal sya sa ref ng kung anong pwedeng makain. Habang naghahanap sya biglang tumunog ang phone nya, si Travis tumatawag. Hindi nya ito sinagot. Hanggang makareceived sya ng text message.
Travis: Kapag di mo ako sinagot. Sisigaw ako dito sa labas ng bahay nyo.
"What?!" bulong ni Kaye at patakbong pumunta sa bintana nila, at ayon nga, nakita nya si Travis sa labas, lilinga linga at hinihintay syang lumabas.
"Hay naku tong lalaking to, ang tigas ng ulo!" gigil na sabi nya. Tinext nya ito.
Kaye: Bahala ka sa buhay mo! Umuwe ka na. Matutulog na ako!
Ilang sandali lang, narinig nya si Travis na sinisigaw ang pangalan nya. Bago pa magising ang parents nya, napilitan sya labasin ito.
"Stop! What are you doing here? Diba sinabi ko sayo na tigilan mo na ako?" galit na sabi nya kay Travis.
"Kaye, I know you are upset about what happened earlier. And I am so sorry. I've talked to Eiva and she wouldn't do it again. Please, don't do this. I like you."
Natigilan si Kaye sa narinig nya. Nakita naman ni Travis na nagulat sya kaya inulit nya at dinugtungan ang sinabi nya. Ayaw nya na mas lalo umiwas si Kaye kapag nalaman nya kung ano talaga ang totoong nararamdaman nya for her.
"What I mean is, I like you. I like you to be my bestfriend."
Hindi muna sumagot si Kaye dahil hindi nya alam kung anong sasabihin nya. Gusto nya maging friends sila ni Travis pero natatakot sya na baka hindi nya mapigilan ang sarili nya at ma inlove sya dito. Hindi pwede mangyari yon dahil may girlfriend si Travis.
"Travis, gusto ko maging kaibigan ka pero kapag pinilit natin, magseselos at magseselos pa din sakin si Eiva. Hindi naman tayo matatahimik e. So mas maganda na ganito nalang. Nagpapasalamat ako sayo, sa lahat lahat. Pero hanggang dito nalang talaga tayo e." malungkot na sabi ni Kaye kay Travis.
"Okay, I understand. But please let's give it a try. I promise you, I will protect you from Eiva, I won't let her hurt you. I just want us to best of friends, yon lang. Nothing more. Nothing less. And I promise, I won't allow myself to fall inlove with you. And please promise me also one thing, will you?" litanya ni Travis.
"Hmm.. Ano naman yon?" nakataas ang kilay na sabi ni Kaye kay Travis.
"Don't fall inlove with me." nakangising sabi ni Travis sa kanya.
"Wow huh! Kapal din ng mukha mo e no? Kulang na kulang ka sa confidence e no?" sarkastikong sabi ni Kaye.
"Hahahaha.. I am just reminding you lady, women most of the time can't resist my charms" sabi ni Travis sabay kindat sa kanya.
"Okay fine! Kahit di mo sabihin, I won't fall inlove with you. You are not my type." mayabang na sabi ni Kaye.
"Good. It is settled then. So, can I call you my bestfriend now?" tanong ni Travis.
"Yes. Bestfriend." nakangiting sabi ni Kaye bago sinampal si Travis.
"Hey, what's that for?" gulat na sabi ni Travis.
"Nothing. Some kind of initiation. Hahaha.." nang a asar na sabi ni Kaye.
"Ugh. You really are impossible! Anyways, I have something for you. Wait up. I'll just get it in the car." sabi ni Travis bago pumunta sa kotse nya.
"Wow! Yummy! Thank you!" natutuwang sabi ni Kaye pagkakita sa food na dala nito.
Travis brought her chocolate cake and it made her heart skipped a beat. Other girls may want flowers and expensive gifts but she rather want to receive food and personalized gifts. Yong hindi basta nabibili lang.
"Glad that you liked it. Sige, I'll go ahead. Kumain ka na." paalam sa kanya ni Travis bago sya hinalikan sa noo. "I will see you at school." pahabol pang sabi nito bago sumakay sa kotse nito.
"Travis, sana nga hindi ako ma inlove sayo. Ayoko makasakit at ayoko ding masaktan." bulong na sabi ni Kaye habang tinatanaw ang kotse ni Travis palayo.
YOU ARE READING
Bestfriends and Soulmates
RomansaTo write is to bare one's soul and once she's naked, you'll know how lucky you are.