Bago pa makapagsalita si Travis, nagamit na ni Kaye ang nalalaman nya sa self-defense at ngayon, nakapilipit ang kamay ni Eiva sa likod habang nakangudngod ang mukha sa couch. Hindi naman nya masisi si Kaye dahil una syang sinaktan ni Eiva pero syempre nakaramdam din sya ng awa para kay Eiva, girlfriend pa rin nya ito.
"Kaye, tama na yan please. Ako na ang humihingi ng dispensa for her.
Sige na, let go of her. Please.." nagmamakaawang sabi ni Travis kay Kaye.
Tinitigan lang sya ni Kaye na parang may iniisip.
"Mahal talaga ni Travis ang girlfriend nya, hay.. kung hindi dahil sayo, hindi lang ito ang aabutin ni Eiva, wala pang nakasabunot sakin sa buong buhay ko" Sa isip isip ni Kaye and para sa kanya, sobrang insulto non. Pero dahil nakiusap sa kanya si Travis. Papatawarin nya si Eiva.
Unti unting binitawan ni Kaye si Eiva then umupo sya at kumuha ng sticky note at ballpen at may kung anong isinulat, pagkatapos ibinigay kay Travis.
"Here's the address of Mang Gary and his contact number. Tinext ko na sya kanina kaya alam na nya na darating ka. Sige, alis na ako. Salamat sa breakfast." tuloy tuloy na sabi ni Kaye bago umalis ng condo nya.
Tahimik lang na tinignan ni Travis yong papel at bumuntunghininga.
"So ano? Nalungkot ka na umalis sya?!" inis na tanong sa kanya ni Eiva.
"Please Eiva, stop. Kaye is a very nice girl and we're just friends. You shouldn't have done that to her. Don't you trust me? Lagi nalang tayong ganito e, kakaselos mo. I can only do so much. Napapagod din ako." sabi ni Travis.
Biglang natakot si Eiva sa sinabi nya, umupo ito sa tabi nya at naglambing.
"Sorry na. Ofcourse, you're my boyfriend. I love you. I don't want to lose you. Tsaka, nagulat ako na kasama mo sya dito. Gusto ko ako lang nakakapunta dito. This is our love nest diba?"
"What? This is my house. This is mine. Oh well, let's not talk about it. Tara na." yaya nya kay Eiva. Lumabas na sila ng condo at ginamit ang sasakyan ni Eiva. Papunta na sila kay Mang Gary, habang nag da drive sya, hindi nya maiwasang hindi isipin si Kaye. Sigurado sya na nasaktan ito.
Pagdating kela Mang Gary, hinanap nya agad ang sasakyan bago pumunta sa loob ng kainan. Naiwan si Eiva sa kotse nito dahil ayaw nito mainitan at mausukan.
"Kayo po ba si Mang Gary?" tanong ni Travis sa lalaking nakatayo sa may counter.
"O iho, ikaw ba si Travis? Andyan yong sasakyan mo, pinalinis ko na sa mga tao ko. Ipinagbilin kase ni Kaye kanina yan e."
"Naku, salamat po. Hindi naman po kailangan." nahihiyang sabi ni Travis kay Mang Gary.
"Wala yon iho, malakas kase sakin si Kaye. Kase dati, nagkaproblema dito sa lupa ko at kailangan ko ng malaking pera. Tinulungan ako ni Kaye at kumakanta sya dito ng libre para mas madagdagan ang mga costumers ko. Pero kahit kailan hindi sya naningil. Kaya ang swerte mo sa kanya iho. Mabait yon at marunong sa buhay." pagmamalaki ni Mang Gary kay Kaye.
"Ganon po ba? Kaso hindi ko naman po sya girlfriend. Magkaibigan lang kami." nahihiyang sabi nya kay Mang Gary.
"Ah ganon ba? Kung ganon, pwede ko pala ireto sa kanya yong pamangkin ko na darating sa isang buwan galing Paris. Magaling din kumanta yon e." masayang sabi ni Mang Gary.
Kung masaya si Mang Gary, si Travis naman naiinis sa isip isip nya. Ayaw nya ng mga narinig nya. Bigla syang nawalan ng gana at nagpaalam na.
"Sige po Mang Gary, mauna na po ako. Salamat po ulit."
"Ah o sige. Mag iingat ka iho. Tatawagan ko nalang si Kaye mamaya, itatanong ko kung pwede ko ibigay cellphone number nya sa pamangkin ko." masayang sabi pa rin ni Mang Gary sa kanya.
Tumango nalang si Travis at umalis na. Pinuntahan muna nya si Eiva.
"Convoy nalang tayo ha. Saan mo ba gusto bumili ng bag?" hindi maitago sa boses ni Travis ang inis.
"O what happened baby? Why you look pissed off?" tanong ni Eiva.
"Wala. Sige follow me nalang ha." at umalis na si Travis papunta sa kotse nya.
Pagkagaling nila sa mall, kumain lang sila ng dinner at umuwe na. Gusto pa sana manood ng sine ni Eiva, pero ayaw nya kase gustong gusto na nya makausap si Kaye. Pagkadating nya sa condo, agad nya tinawagan si Kaye. Pero hindi ito sumasagot.
"Pick up Kaye! Pick up! Pick up! Pick up! Ugh.." pero wala pa ding sumasagot. Kaya he decided to text her nalang.
(TEXT MESSAGE)
"Travis: Hey, are you okay? Why are you not answering your phone?" ilang minuto ang lumipas at nagreply na ito.
"Kaye: I am busy. Please don't call/text me again. We can't be friends anymore. Ayoko ng gulo. Bye Travis."
Pagkabasa nya ng text message neto, hindi nya alam pero parang hindi sya makahinga, bumigat ang pakiramdam nya. Gusto nyang umiyak, mainis, magalit. Halo halo na. At ngayon lang nya ito naramdaman. Bigla nya naalala ang sinabi ni Mang Gary and he should act fast, ayaw nya makilala ito ni Kaye. Gusto nya, sya lang ang lalaking maging ka close ni Kaye. Sya lang.
Tinawagan nya si Jake, "Bro, are you with Lei?"
"Yes, why?
"Could you ask her Kaye's address? She left something here kase, ihahatid ko nalang sa bahay nila." pagdadahilan nalang ni Travis para makuha nya yong address ni Kaye.
"Okay bro. Wait." sabi ni Jake and after ilang minutes, binigay na nya ang address ni Kaye sa QC.
"Got it! Thanks!" masayang sabi ni Travis.
"You cannot get away from me Kirsten Libby Velasco. You would be mine." sabi ni Travis sa sarili bago nagshower. Pupuntahan nya si Kaye.
YOU ARE READING
Bestfriends and Soulmates
RomanceTo write is to bare one's soul and once she's naked, you'll know how lucky you are.