Magkasama na sila ni Lei, nakapag usap na din sila at ngayon, nandito sila sa Mall of Asia at kakatapos lang nila sumakay sa MOA Eye. Kanina pa nya tinatawagan si Travis pero hindi eto sumasagot.
"Sumagot na ba sayo si Kirsten, honey?" tanong nya sa girlfriend nya habang kumakain eto ng cotton candy.
"Hindi pa nga honey e, ano na kaya nangyari don?"
"Oh well, I will try to ring him later again. So saan na tayo?" tanong nya kay Lei sabay kinindatan nya ito.
"Hey Mister, kaka reconcile lang natin noh! So, wala munang ganyan! Tara manood nalang tayo ng banda and kain tayo sa Icebergs." excited na sabi ni Lei kay Jake.
Napakamot nalang ng ulo si Jake at sumunod na sa girlfriend nya na alam nyang pinagtitripan lang sya, well, parusa siguro, pero ang mahalaga okay na silang dalawa.
Sahospital, natulala lang si Kaye sa tanong sa kanya ni Travis.
"Ah eh ano kase e.. ahm.. nahimatay ka." nahihiyang sagot ni Kirsten.
"Huh? But why?" naguguluhang tanong ni Travis.
"Eh... baka daw don sa street food na kinain natin. Nagkaron ka daw ng sudden allergy e. Tapos di ka na makahinga and you passed out. Sorry ha. I didn't know naman na aabot sa ganito. I just want you to try eating those, kase masarap naman talaga yon e. Sorry ha. Don't worry, this would be the last time." mahabang paliwanag ni Kaye kay Travis na tahimik lang na nakikinig sa kanya.
"Huy, sumagot ka naman dyan o..." pakiusap ni Kaye.
"Hmm.. okay. Don't worry about it. Hmm.. where's my phone?" tanong ni Travis kay Kaye.
"Oh, here it is. I was about to call your girlfriend but I dunno your password, so.. I haven't informed anyone yet about this. Hindi ko naman makontak sila Lei and Jake."
"No, it's fine. Good you didn't call Eiva. I am sure she wouldn't like the fact that we're together. She'd freak out." naiiling na sabi ni Travis.
"Ah. Okay. Hmm.. sabi ng doctor, once you woke up, you could go home na. So? Okay na ba pakiramdam mo? Uwi na tayo?" tanong ni Kaye sa kanya.
Hindi maintindihan ni Trav kung bakit pagkarinig nya ng "Uwi na tayo" bigla syang nakaramdam ng kilig at kakaibang saya.
Parang pakiramdam nya, kuntentong kuntento na sya basta si Kirsten ang kasama nya. Pero alam nyang mali dahil may girlfriend na sya pero ang hirap pigilan, lalo at abot kamay lang nya ang dalaga.
"Bakit ngayon ka lang?" bulong ni Travis na hindi nya alam narinig pala ni Kaye.
"Ha? Anong sabi mo? Hindi naman ako umalis ah. O ano, tara na?" yaya ni Kaye sa kanya.
"Sige. Have we paid already?" tanong ni Travis.
"Oo. Ginamit ko credit card mo. Hehe. Wala naman kase akong malaking cash dito. P500 nalang." nakangiting sabi ni Kaye habang inaalalayan sya makabangon sa kama.
Dahil medyo nahihilo hilo pa si Travis, inakbayan nya si Kaye bilang suporta. "Oh. That's fine. Thank you." sabi ni Trav bago sila lumakad palabas ng hospital.
Nong nakalabas na sila, hinanap ng mga mata ni Travis ang kotse nya, "Kirsten, where's my car?" tanong nya.
"Ay oo nga pala, si Astig nalang ang dinala ko kase baka mamaya ano pa mangyari sa kotse mo, e kapag natataranta ako, kaskasero ako magmaneho. But don't worry, your car will be fine. Kilala ko naman may ari nong isawan, si Mang Gary. Balikan nalang natin bukas. For now, I'd drive you home." paliwanag ni Kaye kay Travis na nakangiti lang at nakatitig sakanya.
"Why are you smiling?" tanong nya.
"Nothing. Let's go?" sabi ni Travis pero sa isip isip nya kinikilig sya dahil nalaman nyang nagworry ng husto si Kirsten sa kanya kanina.
Nakarating na sila sa Makati kung saan sya nakatira, he has a condo there.Inihatid din sya ni Kirsten hanggang sa tapat ng pintuan nya just to make sure he's okay.
"So, you're home now. Alis nako. Balik nalang ako bukas para masamahan kita kela Mang Gary. Okay?" sabi ni Kaye.
Biglang nakaramdam si Travis ng lungkot, parang ayaw nya umalis si Kirsten. Kaya nagdahilan nalang sya.
"Hmm.. is it okay if you'll stay here tonight, 'cause I am still not feeling well. Besides, ikaw ang nakausap ng doctor for my medications right?" alanganing sabi ni Travis.
"Hmm.. sabagay. May point. Sige. Okay lang." sagot naman neto.
"Thank you very much Kirsten. I really appreciate what you're doing for me." seryosong sabi ni Travis.
"Call me Kaye na lang."
"Okay. So, Kaye, let's get inside. It's cold out here."
YOU ARE READING
Bestfriends and Soulmates
RomanceTo write is to bare one's soul and once she's naked, you'll know how lucky you are.