Ilang araw ang lumipas, pero hindi pa din sila nakakapagkita ng personal ni Travis. Hindi kase mag match ang schedule nila. Pero parati naman sila nagtetextan at nagtatawagan. Aminado si Kaye na namimiss nya si Travis.
Nasa school canteen sya kasama si Lei, kumakain ng meryenda ng biglang may tumawag sa kanya. Nagulat siya dahil long distance call. Sinagot nya ito baka kase importante.
Kaye: Hello. Who's this?
Boy: Hi. This is Adam. Are you Kirsten?
Kaye: Yes. How did you get my number?
Adam: Oh. My uncle Gary gave it to me. He asked permission na daw from you e. Okay lang ba?
Kaye: Ah. You're Mang Gary's nephew? Sabi nya nasa Paris ka daw. Huy, mahal to. We can talk sa Viber or Messenger if you want?
Adam: Talaga? Sure! I'll add you on Facebook and Viber. Talk to you later. May meeting lang ako, then I will call you after.
Kaye: Okay. No worries. Laters. Bye.Nakangiti si Kaye na ibinaba ang cellphone nya. Hindi nya napansin na all throughout the call, tinititigan lang sya ni Lei ng may halong panunukso.
"O anong tingin naman yan bessy?" tanong ni Kaye kay Lei.
"Wala lang. Finally ba, magkakaboyfriend ka na ulet?" nanunuksong sabi ni Lei sa kanya.
"Grabe sya o. Boyfriend agad. Hindi ba pwedeng kaibigan muna? Ang advance mo din e no?" sagot naman ni Kaye.
"E kase naman bessy, 3 years has passed. Takot ka pa ding magmahal? E hindi naman worth it si Liam. Siraulo naman yon at nuknukan ng yabang! Ma move on ka na!" naiinis na sabi ni Lei kay Kaye.
Binatukan ng marahan ni Kaye si Lei at sinabing "Lei, I haved moved on already. Matagal na. Tsaka bata pa ako non. Syempre, first boyfriend ko yon. So feeling ko, sya na ang last diba? Kaso niloko nya ako. Ipinagpalit ako sa mayaman, mas sexy at mas maganda. At sobra akong nagpapasalamat na inalis sya ni God sa buhay ko, kase hindi talaga sya makakabuti sakin. Nasaktan ko pa parents ko. Natuto pa ako magsinungaling. Buti nalang talaga hindi ko binigay sa kanya lahat." mahabang sabi ni Kaye sa kaibigan.
"Hay naku ang drama mo! O e mabalik tayo sa kausap mo. Sino ba yon?" pag u usisa ng kaibigan.
"Wala lang. Pamangkin ni Mang Gary. Nasa Paris naman yon. Pero sabi, uuwe na daw next month. Umattend lang daw ng music training don. So yon.." sabi ni Kaye bago kumain ulit.
Hindi pa rin tinitigilan ni Lei ang kakatukso sa kanya tungkol kay Adam hanggang sa dumating sina Jake and Travis.
"Hello baby. Bakit ganyan kayo kasaya? Ano meron?" tanong ni Jake sa girlfriend nya bago umupo sa tabi nito.
Si Travis naman umupo sa tabi ni Kaye.
"Wala naman. Si Kaye kase magkakaboyfriend na!!!!" excited na sabi ni Lei na ikinakunot ng noo ni Travis.
Nagkatinginan si Travis and Jake. Alam kase ni Jake na may ibang nararamdaman na si Travis para kay Kaye. Pero sinusubukang pigilan ni Travis dahil hindi pwede. Dahil may Eiva.
"Wow. Good for you Kaye. I guess it's time." sabi ni Jake.
"And who's that unlucky guy?" pang a asar ni Travis kay Kaye bago kumuha ng food sa plate nito.
Sinuntok nya ang braso ni Travis bago nagsalita "Hoy! Swerte kamo! Naku, ang magiging second boyfriend ko, sisiguraduhin kong yon na ang mapapangasawa ko!" pagmamalaki ni Kaye kay Travis.
"Ang OA mo naman! Asawa agad?! Magtapos ka muna ng pag a aral mo oy!" pasigaw na sabi ni Travis sa kanya.
"Oo naman syempre. Ang sinasabi ko. Mamahalin ko sya ng buong buo. At hinding hindi ko sya iiwanan kahit kailan." mahinahong sabi ni Kaye.
"Okay guys, mauna na kami ni Jake huh! We have to go to NBS pa e." paalam ni Lei sa kanila.
Nakaalis na yong dalawa. Pero hindi pa din nag uusap si Travis at Kirsten. Mukhang ina absorb pa nila yong mga binitiwang salita ni Kaye kanina. Pero si Travis na ang bumasag ng katahimikan.
"Hey, I received a letter from Artists' club. Nagulat nga ako, akala ko kase email e. Ikaw ba?" tanong ni Travis.
"Ay yes. I received one too. Here o." sabi ni Kaye at ipinakita kay Travis ang sulat.
"Great! Tara! Let's open it together!" excited na sabi ni Travis.
Binuksan nga nila pareho yong letter.
...you are qualified to be part of Artists' club and we have chosen you to be one of the characters in our upcoming musical play. Please drop by in our office for more details and look for Ms. Bianca. Hope to see you there. Thank you.
"Yay! I passed!" sabay na sabi nina Kaye and Travis bago sila nagyakap.
"O ano, tara na. Let's go there?" yaya ni Travis kay Kaye.
"Okay. Pero kinakabahan ako. Hmm.. may usapan kase kami ni Lei na kapag nakapasa ako, I will help her to get in sa dance club. Kaso, diba tapos na ang audition?" malungkot na sabi ni Kaye kay Travis.
"So? What is your plan?" tanong ni Travis.
"I guess, I should let it pass nalang." sagot naman ni Kaye.
"What?! Are you crazy?! Sayang naman! Ituloy mo na. I will help you later na makiusap for Lei. Okay?" pag a assure ni Travis kay Kaye.
Pumunta na nga sila sa Artists' club room at kinausap si Ms. Bianca.
"I am going to email you the script and the songs you have to learn. Then we'll have a talk with our new coach next month. I don't know his name yet. Kase namimili pa sila kung sino ipapadala dito. But definitely, may new coach. So, before I let you go, do you have questions for me?" tanong ni Ms. Bianca sa kanila.
"Wala na po." sabay na sagot nila kay Ms. Bianca.
Nasa may pintuan na sila ng bigla magsalita ito ulit.
"Oh, by the way, before I forgot. Ang role nyo dito ay mag asawa, so may kissing scenes. Get comfortable with each other and practice. See you at the workshop." paalam ni Ms. Bianca sa kanila.
Lumabas na ng kwarto sina Travis at Kaye. Tahimik lang sila pareho. Parehong gulat at may iniisip.

YOU ARE READING
Bestfriends and Soulmates
RomanceTo write is to bare one's soul and once she's naked, you'll know how lucky you are.