11:54 pm
yshea: jypher!
jypher: bakit, ate?
yshea: may kaklase o kilala ka bang psyche kim?
jypher: hala! paano mo sya nakilala?! stalker ka niya ate?!
yshea: loko! may nakabungguan ako tapos nahulog id nya at nakita kong same school kayo! tapos chinat ko itong psyche na ito at bagay na bagay sakanya ang pangalan niya! napaka-psycho nya kasi!
jypher: ate, famous yan pero wala naman yang interes sa social media eh
yshea: what do you mean? na yung naka-chat ko hindi si psyche? at poser lang?
jypher: yup yup or maybe ka-pangalan lang
yshea: what?! oh no, napahiya ako!
jypher: pero seryoso, na sayo ang id ni kuya psyche?
yshea: anong kuya? nag-kukuya ka sakanya so that means super close kayo?
jypher: yup. nakilala ko lang siya nang lumipat sya dito. di naman kasi siya talaga nag-aral dito mula 1st year college. tinuturuan nya akong mag-basketball dito sa bahay. ayos lang naman kay mama. punta ka na kasi dito sa bahay
jypher: malay mo, dito pa kayo magkita, di ba? madalas sya dito, ate
yshea: tinuturuan kang mag-basketball? what? so that means same year kayo? 1st year din siya?
jypher: atsaka, lumipat ka ng school, bakit kasi gusto mo dyan eh public yan! sa private ka na ate at nang sabay na rin tayo minsan pag pumasok!
jypher: nope. 4th year na sya kagaya mo
jypher: alam kong noon ka pa namin kinukulit ni mama tsaka papa na lumipat pero ate, bakit gusto mo dyan?
yshea: kasi nandito ang friends ko. jypher, di mo alam kung gaano kahirap maghanap ng bagong kaibigan at iyong totoo. kasi ikaw, lapitin ka na ng chicks eh kaya nkikipagkaibigan na rin sayo ang mga lalaki
jypher: oh come on, ate! you're joking! lumipat ka na kasi!
yshea: ayoko nga
jypher: at isa pa, bakit kinakailangan mong bumukod ng apartment? malaki naman bahay natin ah
yshea: you will understand me sooner enough, jypher. ngayon di pa kasi bata ka pa.
jypher: yan talaga eh. di na kaya ako bata! nakakasabay ko na nga si kuya psyche eh!
yshea: heh! bata ka pa!
jypher: porke 1st year college palang ako at ikaw 4th na? hmp
yshea: oa mo. para kang bakla
jypher: ano? kanina bata tapos ngayon bakla?
jypher: grabe ate, insulto na yan ah
yshea: past midnight na uy. tulog na tayo. may pasok pa bukas.
yshea: atsaka siguro pupunta ako sa bahay pagkatapos ng skwela.
jypher: talaga?! yeeey!
yshea: heh! bata ka pa talaga! tulog na! marami ka pang kakainin na bigas!
jypher: hmp
jypher lee logged out.

BINABASA MO ANG
lost & found.
Kurzgeschichten❴ lee jieun x kim myungsoo ❵『completed❣』 "ako yung nabunggo mo kanina. naihulog at naiwan mo ata ang id mo."