001

1.8K 124 19
                                    


Kinuha ko na ang binili kong hot fudge sundae sa isang stall ng Mcdo at nagbayad ng sakto. Agad akong umalis at sumubo ng isang kutsara nang biglang may bumunggo sa akin ng bahagya sa bandang likuran ko kaya medyo natalisod ako sa paglakad.

Tumingin ako sa taong iyon at pinandilatan siya ng mga mata, "Sorry, miss." salita niya. "Hindi ko sinasadya," nagulat nalang ako ng bigla nalang siyang umalis pagkatapos.

Medyo nainis naman ako sa astang iyon kaso naalala kong nag-sorry naman siya kaya ayos na. Ngumiti na ako at sumubo nalang ulit ng sundae ko at akmang lalakad na ulit nang may naramdaman ako sa paa kong nakaharang, agad kong tiningnan kung ano iyon.

Lumaki ang mga mata ko ng nakita kong isang school id iyon. Nilagay ko ng maayos ang plastic na kutsara sa sundae cup saka ko pinulot iyon at halos mabilaukan ako sa nakita ko sa picture. "Teka... sa lalaki ito kanina ah?"

Agad kong naalala na naka-school uniform siya kanina. Mula siya sa katapat naming school at bahagyang hindi ko naman siya nakita ng pangmatagalan kaya tiningnan ko ulit ang picture niya sa id. Na-kumpirma ko naman na siya nga iyon.

Luminga-linga ako at nagbaka-sakaling dadating siya ulit para hanapin ang id niya pero ni anino niya ay wala akong nakitang bakas.

Bahagyang bumusangot ang mukha ko. Kinakailangan ko nalang pumunta sa school nila bukas at isuli nalang ito sa principal nila mismo. Bumuntong-hininga ako.

Bakit kasi pumunta dito sa mall na hindi pa nagbibihis?! Paano ako?! Nakapag-bihis naman ako bago ako pumunta dito eh! O 'di kaya ay itago ang id sa bag! Kainis! Hindi naman pwedeng hindi ko ito ibalik, mamomoblema naman siya. Kainis talaga! Nangongonsensya eh!

Luminga ako ulit sa labas ng mall at nagbaka-sakali ulit kaso wala talaga eh. Hindi niya siguro alam na nahulog id niya. Tiningnan ko ulit ang id niya at nakumpirma kong yung strap ay nasa leeg niya pa at tanging ang kahon lang ang nahulog.

Tiningnan ko ulit ang picture niya at nakitang gwapo pala siya. Bahagya akong napangiti dahil ang lawak lang ng ngiti niya doon sa picture. Nakakahawa.

Ngumiti ulit ako at itinago nalang ang id niya sa shoulder bag ko saka ko ibinaling ulit ang atensyon ko sa sundae ko. Kumuha ulit ako ng subo doon bago nagpatuloy sa paglalakad.

lost & found.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon