028

312 39 15
                                    


Kumuha ako ng tubig sa ref at nilapag ang baso sa table nang natapos ko na ang pag-inom. Agad kong napansin ang mga plastic bags at paper bags na binili nila noon ni Psyche at Jypher.

Napasulyap agad ako sa mga doon.

I tsked, "Ang dami ng pinamili nila," sabi ko sabay balik sa sala at umupo sa sofa.

Bumuntong-hininga ako bago pinikit ang mga mata ko. Napangiti ako nang naalala kong pupunta si July dito at kukunin niya ako. By that time, tapos na ako sa fourth year at p'wede na akong pumunta sa South Korea.

And yes, she found her forever in South Korea. And so that means, korean ang mapapangasawa niya.

I sighed again and was about to stand up from the sofa when my phone suddenly rang, "Hala si mama," sambit ko at kaagad sinagot ang tawag.

"Anak!"

"Ma, bakit po?"

"Ang papa mo, inatake na naman sa puso!" sigaw niya at kaagad akong nagulat. "Nandito kami ngayon ng kapatid mo sa kung saan siya na ospital dapat,"

"Pupunta na po!" agad akong kumaripas sa pagbihis ng damit at dumiretso sa ospital.










"Kumusta na po siya, doc?" mom asked my very own father's doctor as she glanced at me.

"Ayos na po siya, ma'am," sabi niya sabay ngiti sa akin at binaling ulit ang tingin sa aking ina, "Mabuti at mabilis niyo siyang naisugod dito kaya madaling naagapan. Nagpapahinga na po siya ngayon and by tomorrow, p'wede na siyang mailabas."

Tumango si mama, "Thank you, doc," sabi ni mama bago kami iniwan ng babaeng doktor. Binalingan ko agad ng tingin si mama.

"Ma, ang weird talaga ng doktor na 'yon. Noon pa," sabi ko at tumawa si mama.

"Guni-guni mo lang 'yan, anak. Actually, magaling kaya siyang doctor. Siya ata ang doctor ng papa mo," she beamed but my doubts were still at its finest.

lost & found.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon