034

183 22 0
                                    


Binigay ko na ang invitation card sa guard bago niya ako pinapasok. Pero nagulat nalang ako ng may inabot bigla sa akin ang guard, "Isuot niyo po, ma'am," sabi niya. Tiningnan ko naman ang inabot niya sa akin at nakita kong isang maskara iyon.

"Ha? Para saan po ito?"

"May theme po ang event na ito. Masquerade,"

"Ha? Wala namang sinabi sa akin ang birthday celebrant?"

"Kanina lang po ito napagpasyahan. Shotgun kumbaga," sabi niya at wala na akong magawa kun'di kunin ang maskara at sinuot ito. Pagpasok ko, tama nga, naka-maskara ang lahat.

Tang ina, anong trip ni Yssy? Prom ba 'to?

Dumiretso ako sa isang bakanteng upuan at agad umupo doon. May nakita akong lalaki na nag-offer ng tubig sa akin at inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Well, kahit waiter, may maskara.

Sosyal din ah.

Kumuha ako ng tubig at ngumiti. Ngumiti siya pabalik sa akin saka umalis at iniwan ako.

Nilapag ko ang baso sa table saka ko tinukod ang siko ko sa table at nilagay ang baba ko sa ibabaw ng kamao ko bago bumusangot ang mukha ko.

Mukhang napa-aga ata ako masyado. Matagal pa ata magsisimula ang main event.

Mag-se-seventeen na si Yssydea pero parang pang debut na ata 'tong naging preparasyon nila. Ano na kaya kapag eighteen na talaga siya? Mas bongga at sosyal pa siguro nito. Maybe, sa hotel na siya iheheld.

Biglang nagsalita ang emcee kaya napatuwid ako ng upo, "Okay, ladies and gentleman, matatagalan pa ata ang birthday celebrant, so, before we start the main event, you can dance. Choose any partner and just have fun!" the emcee smiled before she got down out of the stage.

Napayuko ako sa narinig pagkatapos.

Hay, naku, Yssy, ang tagal mo ah! At talagang may ganito-ganito pa ah?!

"May I have this dance?" someone said as I lifted my face up to see whom it was.

He was wearing a very beautiful mask. Kulay gold at parang mabusisi ang paglagay ng mga disensyo doon. Parang mamahalin. Nakita ko ring naka-tux siya at bagay na bagay sa kaniya ang pananamit na iyan.

Napangiti ako bago tinanggap ang kamay niya saka niya ako hinila para mapayakap sa kaniya. Nanlaki agad ang mga mata ko.

"I'm sorry," he whispered behind my ear as he started to move and sway, following the soft trance of the music.

lost & found.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon