Epilogue

152 10 3
                                    


N'ong una niya akong chi-nat, I denied. I lied. At higit pa d'on, pinagsalitaan ko s'ya ng mga masasama para 'di na niya ako kulitin.

Oo, ayokong may maka-alam na may social media account ako at gusto kong isipin nalang nilang poser iyon dahil ayoko ang mundo ng social media. Hanggang sa na-curious ako. Gumawa ako ng account at kaagad may maraming um-add sa akin, in-accept ko naman para hindi ako mahalatang ako talaga si Psyche Kim.

Until that day, until she chatted me and pursued my lost and found id. Hindi ko siya nagustuhan n'ong una kaya inaway ko siya. Pinagsalitaan ng masasama hanggang sa makapagpasya na siyang tigilan ako. She did. And I didn't.

"Gusto ko magkita na kayo ng ate ko," was Jypher words while we were eating inside the canteen.

Yshea Lee. I know it was her but I was too late to realize.

"Ako rin, Jay," was my reply before Jypher beamed at me.






We met for the first time and I was stunned with her beauty and innocence. Kahit alam kong medyo maangas siya, dahil iyon ang k'wento ni Jypher sa akin, ang ganda niya. We held hands at halos magharumentado ang puso ko. Yes, gay move but who cares? Gan'on ang nararamdaman ko para sa kaniya everytime she's around.

Sinabi sa akin ni Jypher ang lahat ng tungkol sa kaniya. Even her specialty kahit na dapat ay hindi.

"Tapos, cold at suplado ang gusto niyang lalaki," Jypher had said before he got to shoot the ball inside the ring.

Simula n'on, I tried to act cold towards her. I don't know but I want her attention. I want her.







Until then, in-add ko siya but she had just ignored me. At n'ong chinachat ko na siya, ang tagal niyang mag-reply na para bang hindi siya interesado sa akin. Na parang hindi niya ako kaano-ano. And then the idea struck inside my head.

Poser lang ako. Iyon ang alam niya. She doesn't want to talk to strangers, Psych.

"Tanga ka, Psych," sabi ko sabay gulo ng buhok ko at hinampas ang mga unan sa gilid ko.







"Kuya, kapag may dumating na ditong pangalan ay Yshea Lee, please paki-bigay ito sa kaniya," sabay abot ko ng mask na pinagawa ko para sa kaniya.

"Paano ko malalaman na siya na si Yshea Lee?"

"Kuya, ang invitation cards ay may mga pangalan, tignan mo nalang doon," I retorted and he had made a face before he got to nod.






Nakita kong pumasok na siya habang suot-suot na ang mask kaya madali ko siyang nahagilap. Dumiretso siya sa isang bakanteng upuan at may lumapit sa kaniya. Isang waiter. Tinitigan ko lang siya hanggang sa may naisip ako.

Pumunta ako sa likod ng backstage at kinausap si Eunice, ang emcee for tonight, "Ha? Sure kang iyan ay utos ng birthday celebrant?"

"Oo nga, kaya dali, i-announce mo na," giit ko.

"Ano ba naman 'to? Birthday or prom? May sayaw talaga?" she laughed, "Basta utos naman niya, 'di ba? Na pagsayawin muna ang guests?" tumango ako at dumiretso na siya sa stage para umakyat at imungkahi ang utos ko.

Nakita kong nakaupo siya ng mag-isa sa birthday ni Yssydea, agad ko siyang nilapitan at isinayaw. Hinila ko agad siya the moment her hand touched mine, at napayakap agad siya sa akin. "I'm sorry," sabi ko sa kan'ya habang isinasayaw ko pa rin siya.

I'm sorry if hindi ko kayang magpakatotoo sa'yo. Gusto ko sanang sabihin nang bigla nalang niya akong binitiwan at tumakbo siya paalis. Palayo. Sa akin.







"Ano ba naman 'yan, Psych! Umayos ka naman! Naka-inom ka ba at parang balisa ka, ha?" bulyaw ni Wycliffe sa akin. "Naglalaro ka pa naman ng maayos noon, ha? Pero bakit ngayon? Anong nangyari sa'yo? Hindi tayo nakakapuntos kasi wala ka sa sarili mo! Ano bang problema mo?"

"Wala!" sigaw ko naman. "Break muna tayo," sabi ko.

Nagulat ako ng lumapit sa akin si Jypher, "Kuya, ayos ka lang ba? Nakakain ka ba kaninang umaga?" he had asked and I felt guilty with those worried eyes of him. He is worried with me and I am not to him. All I think was Yshea. And I am getting selfish if I'll get her away from his brother.

"Oo, ayos lang ako," sabi ko naman.

"H'wag kang mag-alala, babalik din naman si ate sooner or later." he beamed. And my guiltiness went deeper.







Pumasok ako sa bahay nila at laking gulat ko ng sinugod ako ni Jypher ng suntok, "Walang hiya ka!" sigaw niya at sinuntok ulit ako. Napaupo ako.

"Paano mo nagawa 'yon kay ate? Nagsinungaling ka sa kaniya?! Niloko mo siya! Kung hindi ko lang nalaman kina Ericka na may account ka talaga, hanggang ngayon, bulag pa rin ako sa mga kasinungalingan mo!" tumayo ako.

"Jay... let me explain,"

"Anong i-eexplain mo? Kasinungalingan? Fuck, get a life! You don't deserve my ate!" he aimed to punch me again and I had just let him to do it. And then Yssydea went inside their house. I saw her but I didn't bother to call her name.

"Napaka-sinungaling mo! Manloloko!" sigaw ulit ni Jypher sa akin at nakita kong nanlaki agad ang mga mata ni Yssydea.

"Jypher!" sigaw niya at agad natigilan si Jypher. Lumingon siya kay Yssydea at binalewala nalang ako.






Kumalat na sa lahat ang tunay kong account kaya nag-deac ako para hindi nila malaman. Agad akong nagtungo sa basketball court na kung nasaan naroroon sila Wycliffe at Jypher. Nadatnan ko silang nagpapahinga kasama ang iba pa naming team at nakita ko doon si Ericka, hawak-hawak ang braso ni Juno. Ang babaeng naging dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

"Oh, Psych, naparito ka?" Wycliffe asked.

"I just want to talk with Jypher alone if I can?" ang akala kong susugurin na naman ako ni Jypher ay hindi nangyari bagkus siya pa ang nagbitad sa akin palabas ng court.

"Hanggang ngayon, Kuya Psych, 'di ko maintindihan kung bakit mo 'yon nagawa,"

"Sorry, Jay... sorry, pero please patawarin mo na ako. Mahal ko lang talaga ang ate mo kaya gan'on..."

"Ano bang gusto mong gawin ko?" I queried.

"Nasaktan mo ako pero mas nasaktan mo ng husto si ate."

"I'll do everything, Jay..."

"Mahal mo ba talaga ang ate ko?"

"Mahal na mahal ko siya kahit nasaktan ko siya," yumuko ako at naramdaman kong may tutulo ng luha sa aking mata.

"Kung gan'on, pagbalik niya dito, pakasalan mo ang ate ko," he said and I was stoned. My eyes went big as I instantly gaped at Jypher. Naramdaman ko namang may tao sa likuran namin kaya nakita ko agad na nand'on sila Wycliffe.

"No, ako ang pupunta sa kan'ya mismo sa South Korea para sunduin siya at pakasalan," I quipped as I looked at Jypher with a smile. He beamed as his eyes went gone when he finally curved a wide smile.



----------a/n;

may next part pa. basahin muna yun hehe.

lost & found.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon